Chapter 10

41 7 0
                                    

Miss Foundation

Na rito na ako ngayon sa school at nakapag attendance na, nakapasok na rin ako.

Hinahanap ko na lang sila Samantha, magkakasama na raw kasi sila at papasok pa lang.

Nakita ko nga ang mga ito na sunod sunod pumapasok sa gate ngayon, ang g-ganda ng porma ha.

"Yuna, hindi mo ba kasama 'yung boyfriend mo?" Salita agad ni Samantha, nang makalapit silang tatlo sa akin.

"Bawal outsiders, Samantha 'di ba? Pa'no niya maisasama 'yon?" Sagot ni Jenica.

"Oh... baka naman busy." Dagdag pa ni Nico.

Talaga bang naniniwala sila ro'n? At 'yon talaga ang usapan, ha?

"Pero Yuna... hindi mo sinasabi sa amin na may boyfriend kana, ha. Hindi sana namin matatanggap kung hindi gwapo e...pero ayos na 'yon, sobrang gwapo kasi." Sabat ulit ni Samantha na medyo nakangiti, at ngayon naman ay binigyan nila ako ng kakaibang tingin.

"Teka, lang nga. Una sa lahat, hindi ako naglilihim sa inyo. Pangalawa, wala akong boyfriend. Hindi ko boyfriend 'yon. 'Wag kayong magpapaniwala ro'n."

Gusto ko lang linawin sa kanila na, hindi ko 'yon boyfriend at trip lang niya ang lahat ng iyon.

Pero pa'no nga naman sila hindi maniniwala, e. Narito kahapon at kung ano-anong pinagsasa sabi.

"Yuna alam mo, masakit kaya 'pag nalaman niyang itinatanggi mo siya. Kahit na alam na naman namin ang totoo. 'Wag kang masyadong harsh sa kaniya." Ani Jenica, na mukhang naawa pa sa masungit-slash-monster kong boss.

"Oo nga naman, ang gwapo gwapo ng boyfriend mo tapos itatanggi mo? Teka..." Tumigil muna ito sa pagsasalita at tumingin sa 'di kalayuan, hindi lang basta tingin, tinititigan na niya itong mabuti ngayon na parang kinikilala kung sino ang bigla niyang nakita.

"Yuna...iyon 'yung boyfriend mo oh!" Biglang sabi nito at itinuturo pa ang lalaki na  sa 'di kalayuan sa pwesto namin.

Tinignan ko iyon at nakita si Zolemn, naka white button down long sleeves, bukas ang tatlong butones na pinatungan ng itim na suit, naka itim na slacks at naka ayos ang buhok.

Mukha siyang galing sa isang napakalaking kumpanya ngayon sa ayos niya.

May kumirot naman sa puso ko nang makita ang kasama niyang babae, si Tricia.
Nakahawak ito sa braso niya, at mahinhin na naglalakad. Nakasuot ito ng itim na pantsuit at itim na heels.
Mukha talaga siyang elegante lalo na sa pagdadala niya ng damit.

Pero anong ginagawa nila rito?

"Yuna, may kasamang babae...kapatid ba niya iyon?" Tanong naman ni Nico.

Hindi ko na lang sila pinansin...gusto kong i-enjoy 'tong foundation day na ito, nang hindi siya iniisip.

Nagpunta kami sa photo booth at nagpicture ng pagka rami, sumunod naman ay sa horror booth.

Napakaraming OA e, hindi naman talaga nakakatakot.

At huli ay sa movie booth. Nakatapos kami ng dalawang movie at napagpasyahan na tumambay na lang muna sa court ng school habang kumakain ng binili sa bawat club, dito sa school.

"Attention all students. We will be having a pageant, an on the spot pageant for Miss Foundation.
Grab your classmate that has beauty and brain, let's see each other on Mrs. Zamora's room." Announcement ng Dean ng buong school.

"Oh Yuna, ano tara?" Aya ni Samantha.

Tumayo naman silang tatlo at naiwan ako na nakaupo.

"Saan?nakakapagod na dito na lang muna tayo ,o kung ayaw niyo e 'di ako na lang." Nakabusangot at nakakunot noo kong sabi.
Hindi pa rin tumatayo sa kinauupuan.

Thrill Of Speed | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon