Chapter 9

55 14 6
                                    

Boyfriend

Kinabukasan ay may pasok na naman. Maaga rin akong nagising kahit na hindi agad ako nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa lahat ng nangyari.

At sana ay hindi makanapekto 'to sa araw ko ngayon.

Natapos ko nang ideliver ang mga kakanin at ngayon ay patungo na sa paaralan.

Isang sasakyan ang nakita ko sa 'di kalayuan ng gate namin.

Pamilyar ito, teka...sasakyan 'yon ni Zolemn, a?
Bakit siya na rito?

Papasok na ako sa gate ng school nang marinig ang pagsarado ng kotse.

Hindi ko na iyon pinansin at dumiretso na lang agad papasok sa school.

Nakakapanibago ang araw na ito dahil lahat ng studyante na madaanan ko ay nakatingin sa akin, teka sa akin nga ba sila nakatingin?

Sinundan ko ang mga tingin ng mga studyante para malaman kung kanino talaga ang mga 'yon nakatingin.
Laking gulat ko dahil sa likod ko lang iyon.

Si Zolemn lang pala 'yung tinitignan nila...

Teka! Si Zolemn? Bakit siya na rito at nakasunod sa akin?

Madami ring nagbubulung-bulungan at pasimpleng umiirit, dahil sa kilig.

Dumiretso na lang ako sa klase ko, wala raw flag ceremony dahil may mga nakalagay na kung ano anong disenyo sa stage.

Oo nga pala, bukas na ang foundation day ng school.

At hindi ako makaka attend.

Lahat ng kaklase ko ay mukhang hihimatayin sa kilig, kesyo may lalaki raw na gwapo sa labas ang tumingin sa kanila.

Tinignan? E, 'di sila na.

Gano'n ba sila ka obsess sa gwapo? O ngayon lang nakakita ng gano'n ka gwapong nilalang sa tanang buhay nila?

Well wala naman talaga akong masasabi sa kagwapuhan ni Zolemn dahil para sa akin walang makakapantay doon.
Kaya isasama ko na rin ba 'yung sarili ko sa obsessed sa ka gwapuhan niya?

Sa blueish gray nitong mga mata na kapag tinignan ka ay maaakit ka talaga, sa perpektong nitong mukha na talaga namang sasambahin mo, idagdag pa ang makisig na pangangatawan nito.

Wala na talagang makatatalo sa kagwapuhan niya. Bonus na lang naman na mayaman siya.

Hindi ko alam na lutang ako sa buong oras ng klase. Patay ako nito, bakit ba kasi narito siya? AT BAKIT KO BA KASI SIYA INIISIP?
Kasalanan niya 'to e!

Pagkalabas at pagkalabas ko ng class room ay nakita ko siya, hindi pa rin siya umaalis?

Hinigit ko siya sa lugar kung saan kaunti lang ang tao na pumupunta at dumadaan. Hindi ko matiis na narito siya sa paligid, lalo na sa school.
Hindi ako makapa kinig ng ayos sa teacher.

"Bakit ka ba na rito? Mamaya pa ang trabaho ko, a?" Agad kong tanong nang tumigil ako sa paglalakad, tumigil din siya.

Tumingin naman siya sa kamay namin na hanggang ngayon ay magkahawak pa rin.

Agad ko iyong binitawan at tinaasan na lang siya ng kilay.

Kahit nahihiya ako sa ginawa ko. Hindi ko 'yon naisip kanina dahil sa gustong makausap at mapaalis siya rito.

"I want you to date me." Simpleng sabi niya, pero seryoso.

"E bakit ka na rito kung iyon lang naman ang gusto mo? Hindi pwedeng magdate rito sa school, at hinding hindi rin pwede ngayon dahil may klase pa ako." Sabi ko habang tinitignan ang relo ko. Para sa next class ko.

Thrill Of Speed | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon