Chapter 14

31 5 0
                                    

To Choose

Nakapag palit na ako ng komportableng damit at hindi na rin ako kumain ng hapunan dahil nakakain na ako kila Zolemn, pa lang.

Handa na sana akong magpahinga, kaso nag beep naman ang phone ko kaya kinuha ko 'yon at tinignan kung sino ang nag message.

From: Zolemn

What are you doing? I just wanted to check if you're doing fine.

Agad naman akong nagreply. Wala naman akong ibang gagawin, kaya agad akong nag-type ng message.

To: Zolemn

Matutulog na po, sana.

Makalipas ang isang minuto ay nagreply ito.

Wow, busy naman pala.

From: Zolemn

Okay, sleep now. I know you're tired.
And please don't go on a date with Blaise. I will surely not going to like if that happens.

May pagbabanta ba 'yung sinabi niya sa akin? Alam naman sana niyang nakakatakot siya. Sana aware siya!

Bakit ba kasi ayaw niyang sasama ako kay Blaise, e hindi naman mukhang makakasama siya sa'kin.

Pinag-walang bahala ko na lang 'yong message niya at naghanda na para matulog.

Bahala na lang para bukas kung makakasama ako. Na sa sa schedule ko naman 'yon kung hindi ako magiging busy, e.

Hindi pa ako agad nakatulog pero pinilit ko ang sarili ko, baka masermunan na naman ako ni Auntie Len bukas.

Ayaw ko na ring ma-late. Bakit ba kasi hindi ko maiwasang isipin 'yung tungkol do'n, e!

« »

Nagising ako sa ingay ng alarm ko.

Nag-alarm na ako kagabi para hindi ako ma-late sa klase, ayaw ko na ring sermon ni Auntie ang bumungad sa akin pag gising ko.

Bumangon na ako at nag-ayos ng hinigaan.
Maaga pa kaya may oras pa ako, kaso nga lang ay... inaantok pa 'ko.

Bumaba ako para kumain ng umagahan pagkatapos maligo at magbihis. Nakahanda na rin ang mga idedeliver ko kaya hindi ko na kailangan pang ayusin ang mga iyon.

Ang aga yata ni Auntie nagising dahil may panahon pa siyang ayusin ang mga iyon ngayon.
Dati naman ay hindi, dahil sakto lang sa oras ng paghahanda ng makakain namin ang gising niya.

Naliwanagan naman ako nang magsalita siya.

"Siya nga pala, Yuna. Mamaya ay aalis ako at titignan ang lupa na pagtatayuan ng apartment, kaya male-late siguro ako ng uwi. Ikaw na ang bahala rito sa bahay kung wala kang trabaho." pag hahabilin ni Auntie bago pumasok sa kwarto, siguro ay mag-aayos na rin siya para maya-maya.

Nakahanap na pala siya ng mapag tatayuan, o nagtitingin tingin pa lang?

Naalala ko naman habang inihahanda ko ang mga gamit ko na baka may trabaho ako mamaya, pabigla-bigla kasi 'yon si Zolemn, e. Buti ay hindi pa ako nakaaalis ng bahay, para makapag paalam ako kay Auntie. Sakto namang lumabas ito ng kwarto.

"Uhm... Auntie, paano po kapag may trabaho ako mamaya? Gagabihin po ba kayo ng uwi?" Baka kasi maiwan ang bahay, lagot na. Gabi rin kasi ako halos laging nauwi 'pag galing sa mansyon nila Zolemn.

"Isasarado ko ito, may susi ka naman. Baka nga mauna pa akong umuwi sa 'yong bata ka." Seryoso lang ito at inaayos pa ng kaunti ang Blouse na suot niya.

Thrill Of Speed | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon