Chapter 1

86 31 1
                                    

Work

Pag kauwi ko sa bahay ay nilapag ko ang aking mga pinamili sa mesa, dahil doon ko na lang daw ilagay sabi ni Auntie.

Agad naman akong pumasok sa kwarto pagkalapag ng mga pinamili para magpalit ng damit at mag-aral dahil may long test kami kinabukasan.

Lumabas lang ako nang tawagin ako ni Auntie para maghapunan tumulong na rin ako sa pagliligpit at paghuhugas ng aming mga kinainan.Kahit na dalawa lang kami sa bahay ay kailangan malinis palagi. Ayaw ni Auntie'pag may nakikitang kahit anong kalat kahit kaunti lang.

Nang gabing iyon ay maaga rin ako nakatulog dahilan para maaga ako makarating sa paaralan nang hindi nasesermunan ni Auntie at ng aming guro. Mabuti nang gano'n.

Maaga ring natapos ang klase namin sa araw na 'to, dahil puro long test lang ang ginawa namin.

Nakakapagod, buti na lang at nakapag-aral ako ng maayos kagabi kaya nasagutan ko rin ng maayos ang bawat tanong na nakalagay doon.

Habang pauwi ako, iniisip ko na maghanap ng trabaho na mapapasukan para makatulong naman ako kay Auntie, labing siyam na naman ako at sana may tumanggap sa akin.

Nagbabalak magpatayo si Auntie ng apartment at iyon ang pinag iipunan niya sa ngayon.

Gusto kong tumulong kay Auntie at kumita ng sariling pera.
Wala rin naman akong masyadong ginagawa kun'di mag-aral, deliver at mga gawaing bahay, pati part time lang naman ang hahanapin ko para lang may dagdag sa mga bayarin sa bahay at school.
Para makaipon na rin.

Sabado ngayon at wala na naman akong masyadong gagawin pagkatapos magdeliver at kumilos sa bahay.

Balak ko maghanap ng mapapasukan ngayong araw.
Iniisip ko na mag-apply ako bilang katulong, o kahit ano basta yung hindi makakaapekto sa pag aaral ko at sa mga gawain na dapat ko pang gawin sa araw-araw.

Pero wala akong nakita sa ngayon.

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Auntie na susubukan ko ulit makahanap ng trabaho.

Nasabi ko na sa kanya ang balak ko, hindi sana siya papayag pero kailangan talaga namin ito sa ngayon. Napilitan siyang pumayag sa plano ko. Pero kung wala raw akong Makita ngayon, ay tumigil na raw ako.

Matatapos na ako sa first sem, kahit na may scholarship ako hindi pa rin maiiwasan na kailangan talaga ng pera para sa ibang gastusin. Madami rin ang mga dapat bayaran sa bahay. Kaya dapat talaga akong makahanap ng trabaho ngayon.

Hindi rin gaanong sapat ang kita sa pagkakakanin at may pinag-iipunan pa si Auntie. Kaya hindi na ako pwede dumagdag pa.

Habang naglalakad ay may tumawag sa akin.

"Pstt Yuna!" Tawag ng sa isang pamilyar na boses, nang lingunin ko iyon ay agad ko itong nakita dahil matangkad ito.

Morena, kumikinang ang mata at umaalon ang mahabang buhok na nakalugay. Habang kumakaway at papalapit sa akin.

"Katherine!" Sigaw ko pabalik.
Kaklase ko siya noong high school kaya't nakilala ko ito kaagad. Isa siya sa palagi kong nakakausap noong high school pa lamang kami.

"Saan ka pupunta?" Agad niyang tanong, hindi naman kasi ako palaging lumalabas 'pag hindi kailangan. At ngayon lang din kami nagkitang muli.

"Maghahanap sana ng trabaho. Kaso wala akong makita na kailangan ng katulong e." Mahina ngunit nananatiling may pag-asa kong pagkakasabi.
Kailangan kong makahanap ngayon kung hindi ay hindi na ako papayagan pa ni Auntie na umulit sa paghahanap.

"Magtatrabaho kana rin?" Tanong niya, ngunit bago pa ako makasagot ay nadagdagan niya na ito.

"Yung amo ko naghahanap ng taga laba, umalis kasi yung isa dahil sa sama ng ugali ng anak ng amo ko." Nang sabihin niya iyon ay nabuhayan ako gusto ko nang mag apply, hindi ko na muna iintindihin yung ugali ng anak. Susubukan ko muna.

"Saan?pwede ba akong mag apply?" Tanong ko sa masiglang tono.
Sa wakas ay may nahanap na rin ako.

"Sasamahan na kita ngayon. Pauwi na rin ako. Kailangan kasi talaga kaya sigurado akong matatanggap ka kaagad." sagot niya.

Nakarating kami sa isang napakalaking bahay, sa labas pa lamang nito kita mo na ang karangyaan ng pamilyang nakatira rito.

Sa gate na pagkalaki at sa hardin nitong hindi maipagkakailang malawak na puwedeng maglaro ang ilang dosenang bata o 'di kaya isang party o gathering na pwedeng pwede nilang ganapin dito.
Maraming halaman pero hindi mo ito makikitang masyadong OA sa pagkakaayos pa lang ng mga iyon.

May dalawa ring sasakyan ang nakaparada sa garahe, malaki ito at kasya rito ang ilang mamahalin mga sasakyan.

Mangha na ako sa labas pa lang ng bahay, ngunit iba ang pagkamangha ko nang makapasok ako sa loob nito.
Isa itong mansyon, na para bang royal family ang nakatira.

Moderno ang disenyo at sumisigaw ng karangyaan ang bawat muwebles sa bahay.

Malaking living room ang bubungad pagkapasok sa double doors.
Kulay gray ang sofa na may mga unang kulay white at dirty white. Puti ang kulay ng pader at brown sa mga kahoy.
May ilan ding mga disenyo at halos itim ang kulay ng mga iyon.

Gano'n na lang ang gulat ko ng kulbitin ako ni Katherine at pinasunod sa kaniya.
May kinausap siya at siguro iyon ang punong kasambahay sa mansyon na ito.

"Yuna, ito nga pala si Aling Nenita ang namamahala sa buong kasambahay dito sa mansyon. Manang ang tawag namin sa kaniya rito." Pagpapakilala ni Katherine ng babaeng na sa harapan kong sa tingin ko ay nasa mid-40's.

"Balak mo mag apply dito? Nasaan ang mga papeles mo?" Tanong ni Aling Nenita.

Tumango ako at inabot sa kaniya ang envelope na hawak ko, naglalaman ng mgapapeles ko.

Binasa niya ang iyon at tumingin sa akin, pagkatapos. May ilan pa siyang mga tinanong sa akin at agad ko naman iyong sinagot.

"Tanggap kana." Maikli niyang pahayag.

Agad akong napangiti sa saya dahil may trabaho na ako, pinaliwanag niya ang aking mga kailangan at hindi kailangang gawin sa mansyon.
Hindi pa ako sigurado kung narinig ko ang lahat ng iyon.

Pupunta lang ako rito 'pag tinawagan. 'Pag kailangan nang maglaba o kailangan ng tulong sa mga gawain.

Kailangan ko rin daw mag tiis sa ugali ng anak nina Mr. And Mrs. Le Primo.
Agad akong pumayag, hindi ko na inantala iyon.
May trabaho na ako. Makakaipon at makakatulong na ako.

Masaya akong umuwi at ibinalita kay Auntie na may trabaho na ako at hindi makasasagabal iyon sa akin, lalo na sa pag-aaral.
Pinaliwanag ko rin ang lahat ng gagawin ko roon.

"Siguraduhin mo Yuna. Baka iyan pa ang makapagtigil sayo sa pag-abot ng mga pangarap na gusto mo. Baka masiyahan ka sa kinikita at hindi mo tapusin ang pag-aaral mo." May pagbabanta sa boses niya.

Hindi na ako sumagot pa, hindi ko kailan 'man titigilan ang pag aaral ko. Kailangan kong tapusin iyon, at alam ko ring pansamantala lang ito.
Pumasok na ako sa kwarto para makapag palit ng mas komportableng damit.

Kumain kami ng hapunan at tinulungan ko na rin si Auntie sa pagluluto at paghahanda ng mga idedeliver ko para kinabukasan.

Kailangan kong masanay ngayon na magpahinga ng maaga at i-handle ng maayos ang oras ko, lalo na't may trabaho na ako, dagdag ito sa gawajn ko.
Hindi man iyon mabigat na trabaho, ay nakadepende pa rin sa ibibigay sa aking gawain.

Hindi naman ito palagian kaya lang ay baka matambakan ako, o kaya ay hindi ko magawa ng maayos.

Mabilis akong nakatulog dahil sa antok at pagod sa araw na iyon.

___..

Thrill Of Speed | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon