Chapter 4

58 24 2
                                    

Wrong Feelings

"Excited na'ko sa darating na Foundation." Pagsisimula ng usapan ng kaklase kong si Jenica.

Naandito kami ngayon sa cafeteria ng school at kumakain. May mga kaibigan din naman ako sa school, dahil kailangan talaga 'yon sa college kapag may group presentation at sa mga club na dapat ay may isa kang sasalihan.

"Yuna, may kapartner ka na ba?" Tanong ni Samantha.

"Uh...hindi kase ako a-attend. May trabaho ako non." Simpleng paliwanag ko.

Palagi akong nasali sa mga extra activities pero rito 'ata ako hindi makaka attend.

"But every students must attend the Foundation Day of our school." Sabi ni Nico dahilan para mapaisip ako.

Sayang dahil may extra curricular grade naman 'yon kapag nakapirma sa attendance pero ngayon lang naman ako hindi maka a-attend.

"Sayang 'yung pwede kong kitain sa araw na iyon, e." Pagpupumilit ko.
Mukhang hindi mababago ang desisyon ko.

"I'm sure your Aunt will not going to agree to that decision of yours." Saad ulit ni Nico.

"Oo, ayaw non na may sagabal sa pag-aaral mo 'di ba?" Sagot ni Jenica sa sinabi ni Nico.

"Kailangan ko kasi na magtrabaho at 'pag hindi ako nakapasok kung kailangan sa araw na iyon baka ay matanggal ako. mahahabol ko naman siguro ang extra grade na iyon, sa susunod pang mga school activities. Pagbubutihin ko na lang lalo." Sabi ko ulit na nakapag tapos ng usapan.

Sa sama ng ugali ng amo namin ay sigurado akong iyon ang mangyayari.

Tinapos na lang namin ang pagkain at papasok na sa next subject.
Kaya ko naman mahabol iyon, at sigurado ako roon. Hindi pa ako nagpapabaya sa pag-aaral at hinding-hindi iyon mangyayari.
Dahil baka mawala ang scholarship ko, hindi namin makakaya 'pag nangyari iyon.

Pagkatapos ng klase ay umuwi na kaagad ako. Nag-aaya pa sila Jenica na kumain muna sa tapat, sa labas ng school pero kailangan ko na talagang umuwi.
Dahil tinawagan ako ni Katherine kanina na pumunta raw ulit ako doon.

Hindi ko pa alam kung ano ang gagawin dahil wala naman siyang sinabi sa akin.

Pagkarating ko sa mansyon ay napansin kong naroon ang pulang Bugatti Veyron. Pero wala naman ang isa pang kotse. Pumasok na ako at sinalubong ako ni Katherine, ng masayang mukha.

"Yuna, nandito ka na pala. Tulungan mo ako magluto." Bungad ni Katherine pagkapasok ko.

Sinundan ko siya papunta sa malaking kitchen at tumulong. Madami akong alam tungkol sa pagluluto dahil kay Auntie Len na siyang magaling talaga sa kusina.
Mangha si Katherine nang matikman ang lasa ng mga putaheng ako mismo ang nagluto.

"Yuna, napakasarap nito. Sigurado akong magugustuhan ito ni Sir." Sabi ni Katherine at muling tumikim.

Nginitian ko na lamang ito at tinuloy ang ginagawa ko. Natapos akong magluto at tumulong na sa paghahanda ng lamesa, nang may marinig akong ingay ng sasakyan sa labas, ingay iyon ng Mustang niya. Siguradong nakauwi na siya.

May matangkad na lalaki ang pumasok sa double door ng mansyon at may mistisa at matangkad na babaeng nakasunod sa kaniya na mukhang mayaman din. Dahil sa kinis ng kutis at mga nagmamahalang mga gamit nito.

Umakyat si Zolemn sa ikawang palapag ng mansyon at pumasok sa kaniyang kwarto, sumunod naman ang babae.
Matapos ay agad na bumaba ang dalawa, dumiretso sa kusina at umupo.

Hindi ko mapigilan ang pagtitig sa dalawa. Sa babae na malagkit ang tingin sa lalaking nasa harapan nito at ang blangkong mukha ni Zolemn habang kumukuha ng mga pagkain. Kumuha na rin ng pagkain ang babae at kumain.

Thrill Of Speed | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon