Pluto: My Unreachable Planet

240 9 2
                                    




𝐘𝐨𝐮 𝐰𝐚𝐥𝐤𝐞𝐝 𝐢𝐧𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐫𝐨𝐨𝐦
𝐀𝐧𝐝 𝐧𝐨𝐰 𝐦𝐲 𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭 𝐡𝐚𝐬 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐬𝐭𝐨𝐥𝐞𝐧

Naranasan mo na bang pumunta sa Concert? Iyong tipong nandoon 'yong pinapangarap mong maging asawa. Iyong tipong sinisigaw mo 'yong pangalan nila hanggang mapaos ka? Iyong tipong ganitong sigaw.

"ASAWA KO 'YAN!" sigaw ko. Oo aangkinin ko na.

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo Mundo'y magiging ikaw." kanta ng mundo ko. Alam kong hindi niya ako maririnig dahil sa dami ng babae rito sa concert ng Planetarium. Ang daming tao at rinig na rinig mo ang mga sigawan at tilian ng mga kababaihan.

"AHH! Mahal ko 'yan!" sigaw ko. Nakipagsabayan na rin sila sa akin. Kaya natawa naman ako. Nakapatay kasi ang ilaw habang nag-pe-perform sila. Bale itong huling kanta nila ngayong gabi. Hinahayaan ng manager na umalingawngaw lang magagandang boses nila at nakita ko naman nag-e-enjoy ang mga fans nila.

"Ayan na lalabas na sila! AHHH!!" sigaw ng mga babae sa gilid ko. Napangiti naman ako. Dapat nasa backstage na ako pero ito nandito pa rin ako audience area. Papanoorin sila mag-perform. Biglang nawala ang vocalist kaya tanging struming ng gitara ang maririnig. Naramdaman kong may kumalabit sa akin.

"He needs you." sabi ni Vie. Natawa naman ako at inayos ang bull cap ko.

'Miss na ako ng mundo ko. Ganda ko kasi.' napahagikgik naman ako. I know he needs me pero hindi ko kayang mapalagpas 'tong huling kanta nila.

"Hayaan mo muna mag-pa-pa-miss mo na ako." malakas na sabi ko dahil nagsisimula na naman maghiyawan ang mga babae sa gilid ko. Bumukas na ang spotlight. Tanging nakatutok lang sa mundo ko ang ilaw.

"Hindi na maliligaw..." kanta niya. Tumahimik ang paligid. Ang lamig ng boses niya. Ang gwapo niya habang hawak-hawak ang mic. Those expressive blue eyes and red lips inaakit ako.

'AHHH ang panty ko mahuhulog!' impit kong tili. Bakit kasi ang gwapo niya? At sa sobrang gwapo niya feeling ko makasalanan ako.

'AHHHH Feeling ko kailangan kong magdala ng extra panty next time!'

"Mahal na mahal kita!" sigaw ko. Nakita kong hinanap niya ako sa paligid. Kaya winagayway ko ang kamay ko at nagkatagpo ang mata naming dalawa.

"Mundo'y magiging..." and I see a sudden glint of happiness in his eyes. Nag-flying kiss pa ako. 

"...ikaw." ngumiti ako ng malawak. Nakita kong tahimik ang babae sa gilid ko pero bago pa man nila ako makita dumilim ang paligid. Kaya nagkaroon ng pagkakataon na hinatak ko na si Vie. Palabas ng Audience Area at dumiretso na kami sa back stage. Nakita ko naman nag-aabang si Manager sa harap ng backstage.

'Patay!' tumingin ako kay Vie. Umiling lang siya sa akin at sinasabing "I told you." Napairap naman ako.

"Gusto mo ba mag-suicide?! Shay! What do you think your doing?" sigaw ni Manager Chase.

"I cheer him up Kuya." mahinang sabi ko. Napanguso naman ako.

"Cheer him up?! Ipaano kung mamukaan ka ng mga Fans nila. Sa tingin mo buhay ka pang darating dito!?"

"Damn it! Shayriene Fatima Oren! You are a freaking International Pop Star! Hindi ka normal na fans para sumigaw at ipangalandakan mo sa mundo na mahal mo siya na parang normal lang lang na babae!"

"I'm normal Kuya. Yes kilala ako sa ibang bansa but nasa bakasyon ako fo--"

"For freaking two years and your obsessed manager are looking for you. Alam mo 'yon!? Ngayon kung hindi mo alam lumabas ka ngayon at ipakalat natin sa social media na nandito ka para mamatay ka sa kakatrabaho sa kanila." galit na galit na sabi ni Kuya Chase.

Chamber Of StoriesWhere stories live. Discover now