What is Love, Sir Seven

97 6 2
                                    



𝐏𝐚𝐫𝐭𝐲 𝐠𝐢𝐫𝐥𝐬 𝐝𝐨𝐧'𝐭 𝐠𝐞𝐭 𝐡𝐮𝐫𝐭
𝐂𝐚𝐧'𝐭 𝐟𝐞𝐞𝐥 𝐚𝐧𝐲𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠, 𝐰𝐡𝐞𝐧 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐈 𝐥𝐞𝐚𝐫𝐧

"Margarita please!" usal ko. Tumingin naman sa akin si Elaine at bahagyang napailing. Si Elaine kasi ang bartender ngayong gabi. Kaya siya ang kasa-kasama ko ngayon. Bumaling naman ako sa dance floor. Pinaikot ko ang round chair ko at sumandal sa bar counter.

"Bakit nandito ka na naman? Wala ka bang pasok?" tanong nito sa akin. Napairap naman ako. Tumingin ako sa mga babaeng naroon at napapalibutan ng mga lalaki. Sinamaan ko naman ang tingin ko roon at muling inikot ang upuan ko paharap kay Elaine.

"Ayoko sa school. Puro lalaki kaklase ko." seryosong saad ko.

"Malamang! Ano bang kinuha mo? Hindi ba Business Ad. at lumipat ka sa tapat ng condo na karamihan talaga puro lalaki. Ngayon magtataka ka?" napangiwi naman ako sa sinabi niya. Nilapag naman niya ang Margarita sa harapan ko. Madali ko namang itong tinungga.

"Bakit hindi mo na lang sila pakisamahan? I'm sure wala namang mawawala." Napahinto naman ako sa pag-inom ko at sinamaan ko siya ng tingin.

Kaya lang naman ako r'on pumasok dahil may mission akong kailangang tapusin at matatapos ito ngayon. Sumulyap ako sa taas at binalik ang tingin ko sa kaniya.

"Walang mawawala? Are you serious Elaine?" Ngumisi ako sa kaniya.

"Men are men. Once you believe them and you give some space on your heart. And once they betray or fool you. Iyong maliit na parte na binigay mo sa kanila diyan sa puso mo Lalaki iyan hanggang sa tuluyan ng masira." seryosong saad ko. Tumingin naman siya sa akin at umiling. Naramdaman ko namang may umakbay sa akin kaya napalingon ako rito. Nakita ko si Titus na pulang pula ang labi. Napangiwi naman ako.

"What the heck! Mukha kang nasabugan ng nguso." iritang saad ko pero imbis na magalit siya sa akin ay tinawanan na niya pa ako.

"Gurl! This is the new trend! A bloody luscious lips." nag-pout pa ito sa harapan ko. Narinig ko namang tumawa si Elaine.  Tinampal ko naman ang nguso niya. Hinawakan niya naman ito at masamang lumayo sa akin. Umupo sa kabilang upuan.

"Ikaw buti na lang talaga. Alam ko lahi mo. Kung hindi baka bugbog ka na sa akin." pagbabanta ko sa kaniya.

"Gaga! Ayokong majumbag!" hinawakan pa niya ang mukha niya na para talagang sinuntok ko siya.

"Bakit ka nga pala nandito? Sa pagkakaalala ko hindi ka naman off-duty?" tanong ko. Kinuha ko ang baso ko.

Imposible naman sinusundan siya ni Faye dahil nasa mission pa 'yong gaga. Kaya tumingin ako sa kaniya at nakita kong may dinukot itong papel sa baywang niya. Nilagay naman niya ito sa harapan ko.

Kinuha ko naman ito at pinagmasdan. Sumilip din si Elaine sa binigay niya sa akin.

"Bakit mayroong kang copy ng autopsy ni Vincent?" seryosong tanong nito. Napatingin naman kami sa kaniya. Naging seryoso naman ang tingin ni Titus. Tumingin ako sa kaniya.

"May nalalaman ka ba?" tanong ko at inobserbahan ko siya. Tumigil naman ito at binaba nito ang mixer. Kumuha siya ng isang malinis na towel at pinunasan niya palapulsuhan. Nang matapos siya ay nakita roon ang isang insignia. Napasinghap naman si Titus samantalang ako ay napangisi lang. Sino bang mag-aakala na ang babaeng may inosenteng mukha na simpleng nagtatrabaho lang bilang isang bartender ay nagtatrabaho sa gobyerno bilang Sub-Member of Crime Official.

"Nasa amin ang original copy ng autopsy paper ni Vincent sa amin nalipat ang trabaho ng FBI dahil walang nakalutas kung paano namatay ang biktima." saad nito. Naalala ko naibalita ito sa TV noong isang araw. Isang lalaking namatay dahil sa sunog pero ang pinagtataka ng pulisya ni isang galos o lapnos wala itong natamo. Baka kasi hindi tao iyong iniimbistagahan nila. Napatango naman ako at napalakpak.

Chamber Of StoriesWhere stories live. Discover now