Miguel

96 6 2
                                    




𝐎𝐡, 𝐡𝐮𝐬𝐡, 𝐦𝐲 𝐝𝐞𝐚𝐫, 𝐢𝐭'𝐬 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐚 𝐝𝐢𝐟𝐟𝐢𝐜𝐮𝐥𝐭 𝐲𝐞𝐚𝐫
𝐀𝐧𝐝 𝐭𝐞𝐫𝐫𝐨𝐫𝐬 𝐝𝐨𝐧'𝐭 𝐩𝐫𝐞𝐲 𝐨𝐧
𝐈𝐧𝐧𝐨𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐯𝐢𝐜𝐭𝐢𝐦𝐬


"They say, every human has their own guardian angel to protect them from harm or danger but what if, nabigyan ka ng chance na makita ang guardian angel mo, what is the first thing na gagawin mo?" ngiti kong basa sa libro ng Archangels Book Series.

"Depende kung hunk ang angel ko. Gagahasain k- I mean yayakapin ko. Kapag oh lalalam, kakainin k- I mean kakaibiganin ko." napahagikgik na lang ako. Ngumiti ng malawak.

Sinarado ko ang libro. Tumingin ako sa langit at lumanghap ng sariwang hangin. Umupo ako sa sahig at tiningnan ang paligid. Nandito ako sa taas ng IT Building. Ito ang pinakamataas na building sa lahat ng college department. Tiningnan ko ulit ang libro.

"Adelienna." Siya ang author ng libro. I want to meet her but I know it will never happen. All along isa siyang unknown author pero sa tuwing may na-i-pu-published siyang libro. Laging sold out. Her story is kinda unique.

Tiningnan ko ang feather mark ko. Gusto ko pang maraming malaman tungkol sa kaniya. Sino ba siya? Bakit lahat ng nangyayari sa akin? Alam ng libro niya.

Tumayo ako at tiningnan ko ang mga taong nasa baba. Kakaunti na lang. Malapit na rin ang palubog ng araw.

"Kaunting oras na lang." bulong ko. Umupo ako sa may railings ng building. Nakakalula ang taas pero kung gusto ko siyang makita. Kailangan kong gawin ito. Lumalakas ng lumalakas ang tibok ng puso ko. Bawat pagdaan ng oras.

"Inhale, Exhale Akisha. You can do this." mahinang sabi ko. Tumingin ulit ako sa baba. Naglakad pa ako papuntang gilid para mas lumapit sa huhulugan ko.

"You are not Akisha Francheska Arguelles. This is not the first time. You will d-- AHHHH!!!" sigaw ko. Nagkamali ako ng tapak. Nagtuloy-tuloy ang hulog ko pababa.

"OHMYGOD!! MAMAAA!!!" sigaw ko. Madilim na ang paligid. Tinaas ko ang kamay ko. Umiilaw na ang mark ko. Kaunti na lang mamatay na ako. Babagsak na ako sa lupa.

'Kapag namatay ako. Mumultuhin kita Miguel. Sinasabi ko sa'yo.' sa isip-isip ko. Ang lakas na ng kabog ng puso ko.

"MIGUELL--" putol na sigaw ko. Nang biglang may sumalo sa akin at lumipad na naman kami pataas. Gulat akong tumingin sa kaniya. I see his white large wings na pumapagaspas papaitaas. Tumingin ako sa seryoso niyang mukha. Tumingin siya sa akin.

"You! And your reckless action! 'Yan ang ikamamatay mo." seryosong sabi niya pero ngumiti lang ako.

'My baby angel can't be mad at me.'

"But you're here and I trust you." hinawakan ko ang mukha niya. Humihinahon na ang tibok ng puso ko. Binaba na niya ako sa taas ng building pero hindi niya pa rin ako binibitiwan.

𝐓𝐫𝐮𝐬𝐭 𝐦𝐞, 𝐝𝐚𝐫𝐥𝐢𝐧𝐠, 𝐭𝐫𝐮𝐬𝐭 𝐦𝐞 𝐝𝐚𝐫𝐥𝐢𝐧𝐠
𝐈𝐭'𝐬 𝐛𝐞𝐞𝐧 𝐚 𝐥𝐨𝐯𝐞𝐥𝐞𝐬𝐬 𝐲𝐞𝐚𝐫

"What if hindi ako dumating? What if hindi ako ang angel mo? What if mamatay k--

"Hahayaan mo ba?" Hindi siya makasagot.

"Hahayaan mo bang mamatay ako?" tanong ko sa kaniya. Tiningnan ko siya sa mata. Hinawakan ko ang mukha niya. I see how his eyes changed naging malalamlam ito.

"No." Ngumiti ako ng malawak. Hinalikan siya sa pisnge.

"That's good."  Lumayo ako sa kaniya at tumalikod para kunin ang libro ni Adelienna.

Chamber Of StoriesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz