Pansamantala

90 3 0
                                    


𝑃𝑎𝑛𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑛𝑎𝑛
𝑆𝑎 𝑡𝑢𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑘𝑎'𝑦 𝑛𝑎ℎ𝑖ℎ𝑖𝑟𝑎𝑝𝑎𝑛

Sabi nila, Less Expectation. Less Heartaches pero paano kung mahal na mahal mo ang isang tao. Hindi ka ba aasa? Kahit minsan? Kasi ako, sinubukan ko naman na hindi mag-expect pero ang hirap, sobrang hirap.

"Ayoko na Sheena, ginawa ko naman lahat. Pero bakit ganon ginagago na nga ako pero itong lintek na puso ko siya pa rin ang tinitibok." sabi ni Miko. Umiiyak na naman siya dahil kay Fey at ako bilang isang kaibigan dinadamayan siya at patagong nasasaktan. Niyakap ko siya sa likod. Nararamdaman ko ang pagyugyog ng balikat niya at ang malakas niya paghikbi.

Nandito naman ako Miko. Bakit hindi na lang ako?

𝑃𝑎𝑛𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑦𝑜
𝑆𝑎 𝑡𝑢𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑘𝑎'𝑦 𝑛𝑎𝑠𝑎𝑠𝑎𝑘𝑡𝑎𝑛

"Bakit ka kasi nagtitiis diyan. Marami pang babae sa mundo." sabi ko. Umupo ito at nakita ko patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha niya.

'Kasi nandito pa ako.' sa isip-isip ko.

"Hindi ko rin alam Sheena. Sobrang mahal ko. Mahal na mahal ko siya." sabi niya at tumulo na ang kaniyang mga luha. Kaya pinusan ko ito.

'At mahal na mahal din kita. Hindi ba pwedeng ako na lang ang mahalin mo.' piping hiling ko.

Kaya niyakap ko na lang siya. Hinayaan siyang umiyak ng umiyak sa balikat ko kahit unti-unti ring nawawasak ang puso ko.

𝐵𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑏𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑛𝑔
𝑃𝑎𝑙𝑎𝑔𝑖 𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑘𝑏𝑜?

Ang daya kasi minsan, kung sino pa 'yong taong gusto mo. Siya pa ang may ibang mahal. Iyong tipong kahit na ikaw na iyong nandiyan. Ikaw iyong laging kaharap at kausap. Ikaw pa 'yong hindi pipiliin. Dahil sa salitang "kaibigan lang kita."

Hindi ba pwedeng tawirin ang salitang magka-ibigan? Kay sa kaibigan lang?

𝑆𝑎 𝑡𝑢𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑦𝑜 𝑎𝑦 𝑚𝑎𝑦 𝑎𝑤𝑎𝑦
𝐴𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑙𝑎𝑔𝑖 𝑚𝑜𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑟𝑎𝑚𝑎𝑦


"Kung sana hindi na lang kita kaibigan Sheena, baka ikaw na lang 'yong minahal ko. Baka sakaling hindi ako nahihirapan." mahinang sabi niya. Tiningnan niya ako sa mata at unti-unti niyang nilapit ang kaniyang mukha. Naramdaman ko na lang ang kaniyang masuyong halik sa noo. Napapikit ako habang tumutulo ang luha ko.

Nahihirapan din ako Miko. Nasasaktan ako dahil sa bawat halik at yakap mo. Lagi akong nasasampal ng katotohanan na kaibigan mo lang ako.

Kasabay ng kaniyang masusuyong halik sa aking noo. Ang sunod-sunod na pagtulo ng aking luha.

'Bakit kasi hindi nilang tayo? Lahat naman meron ako, pero anong magagawa ko, kung hindi ko naman pagmamay-ari ang puso mo. Kung hindi naman pwedeng maging tayo.'

'𝐷𝑖 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑡𝑎𝑦𝑜, ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖
'𝐷𝑖 𝑏𝑎'𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖?

Humiwalay ako sa kaniya at tiningnan siya sa mata.

"Bakit kasi hindi na lang maging tayo?" bulong ko at tiningnan siya.

"Mahal ko siya at kaibigan lang kita at ayokong pati ikaw mawala ka rin sa'kin." sabi niya.

𝑃𝑎𝑛𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑛𝑎𝑛
𝑆𝑎 𝑡𝑢𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑘𝑎'𝑦 𝑛𝑎ℎ𝑖ℎ𝑖𝑟𝑎𝑝𝑎𝑛

'Ganoon ba ako kahirap mahalin at piliin kasi napapagod na ako.' piping salita ko.

𝑃𝑎𝑛𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑦𝑜
𝑆𝑎 𝑡𝑢𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑘𝑎'𝑦 𝑛𝑎𝑠𝑎𝑠𝑎𝑘𝑡𝑎𝑛

"Mahal kita Sheena at nagpapasalamat akong nandiyan ka kapag nasasaktan at nahihirapan ako. Salamat kasi natagpuan ko kaibigang katulad mo." sabi niya at hinalikan niya ako sa noo.

𝐾𝑎𝑖𝑏𝑖𝑔𝑎𝑛 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑖𝑡𝑢𝑡𝑢𝑟𝑖𝑛𝑔?
𝐴𝑛𝑔 ℎ𝑖𝑟𝑎𝑝 𝑛𝑎𝑚𝑎𝑛 𝑦𝑎𝑡𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑛𝑔𝑎𝑝𝑎 𝑠𝑎 𝑑𝑖𝑙𝑖𝑚
𝑆𝑖𝑛𝑜 𝑛𝑔𝑎 𝑏𝑎 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑚𝑖𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔

"Masaya r-rin a-kong naging ka-kaibigan kita." mahinang sabi ko. Niyakap mo ako ng mahigpit.

"No matter what happen Sheena. Huwag kang mahuhulog sa akin kasi masasaktan ka lang." sabi niya.

'Huli na kasi hulog na hulog ako at sobra na rin akong nasasaktan.'

𝑃𝑎𝑛𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑢𝑛𝑎𝑛
𝑆𝑎 𝑡𝑢𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑘𝑎'𝑦 𝑛𝑎ℎ𝑖ℎ𝑖𝑟𝑎𝑝𝑎𝑛

Kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan at nadudurog sa t'wing siya ang kasama mo at minamahal mo.

'Bakit kasi nauso pa ang lintek na salitang kaibigan? Bakit kasi siya pa?' piping tanong ko.

𝑃𝑎𝑛𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑎𝑛𝑦𝑜
𝑆𝑎 𝑡𝑢𝑤𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑘𝑎'𝑦 𝑛𝑎𝑠𝑎𝑠𝑎𝑘𝑡𝑎𝑛

Narinig ko 'yong cellphone niya na nagriring at nakita kong tumatawag si Fey. Kaya dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tumayo at dali-daling lumabas. Habang nagpupunas ng luha.

𝑃𝑎𝑛𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎, 𝑝𝑎𝑛𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎
𝑃𝑎𝑛𝑠𝑎𝑚𝑎𝑛𝑡𝑎𝑙𝑎
𝑇𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝 𝑘𝑜 𝑛𝑎

Sa bawat paghakbang niya ay unti-unti kong natatanggap na hanggang pansamantala lang ako na kahit kailan hindi niya ako magagawang mahalin.

Ang daya kasi ng mundo. Magmamahal na nga lang sa taong may mahal pang-iba sa taong hanggang kaibigan ka lang.

"Isn't the fate who did the wrong move to met a man who can't be yours or to live in a world of lie and thought they can love us the way we do?"

Or maybe I'm not enough, to be love at all.

Inspired by: Pansamantala by Callalily

Chamber Of StoriesWhere stories live. Discover now