Jupiter: Cage of Moon

78 4 0
                                    


𝐈'𝐦 𝐬𝐢𝐭𝐭𝐢𝐧' 𝐞𝐲𝐞𝐬 𝐰𝐢𝐝𝐞 𝐨𝐩𝐞𝐧 𝐚𝐧𝐝
𝐈 𝐠𝐨𝐭 𝐨𝐧𝐞 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐭𝐮𝐜𝐤 𝐢𝐧 𝐦𝐲 𝐦𝐢𝐧𝐝

Binitawan niya ako kaya napaupo ako at mariing pinunasan ang labi ko. Nakita kong may kinuha siyang pulang tela para itabing sa pinaglalagyan ko. Pero bago niya 'yon magawa ay nakita ko sa template niya ang pangalan niya.

"Jupiter." Kunot-noo akong tumingin sa pulang telang nakabalot sa kulungan ko. May mga imaheng dumaan sa aking isipan pero hindi gaano malinaw kaya napapikit ako. Maya-maya may naamoy akong napakatapang na amoy.

"Shit ammonium!" dali-dali kong tinakpan ang ilong ko para hindi ko malanghap ito pero hindi ko na kinakaya dahil nakukulangan na rin ako ng hangin at bumibigat na rin ang mga talukap ng mata ko. Hanggang sa dumilim na ang lahat.


𝐖𝐨𝐧𝐝𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐟 𝐈 𝐝𝐨𝐝𝐠𝐞𝐝 𝐚 𝐛𝐮𝐥𝐥𝐞𝐭 𝐨𝐫
𝐣𝐮𝐬𝐭 𝐥𝐨𝐬𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐨𝐟 𝐦𝐲 𝐥𝐢𝐟𝐞


Nagising ako nang may maramdaman akong humahalik sa balikat ko at may mabigat na nakadagan sa'kin. Ngunit hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko. Iniipon ko muna ang lakas ko. Bago ko nilagay ang kamay ko sa dibdib niya at tinulak siya ng malakas pero napaangat lang siya ng kaunti at di man lang naalis sa pagkakadagan sa'kin. Minulat ko ang mata ko at sakto sa mga mata niya.

"Umalis ka na." seryosong saad ko pero nginisian niya lang ako. At hinaplos lang niya ang pisnge ko. Iniwas ko naman ito pero maagap niya rin itong kinuha at pwinersang pinaharap sa kaniya.

"Hindi ako sumusunod sa utos ninuman kaya bakit ko naman gagawin 'yon? Kung nasisiyahan ako sa ibabaw mo." ngising usal niya. Uminit naman ang ulo ko kung hindi siya madaan sa pakiusapan pwes baka sa dahas pwede pa. Kaya pinaghahampas ko siya sa dibdib at pinagsasampal sa mukha.

Hindi siya umiiwas at nakita kong namumula na ang mukha niya pero tiningnan lang ako ninto at tinawanan ng malakas. Bago niya pwinersang kinuha ang kamay ko at nilagay ito sa ulunan ko. Nanlalaban ako pero parang wala ring kwenta dahil hindi ko na rin magalaw ang mga paa at kamay ko.

"Nababaliw ka na!" gigil na usal ko

"Yes baby! I'm crazy. Crazy for you." Ngising saad niya. Nangbumaba ang mukha niya mabilis kong tinagilid ang mukha ko kaya imbis na mahalikan niya ako ay nahalikan niya ang leeg ko. Narinig ko naman ang pagtawa niya.

"You are mine now Missy." he whispered. I can feel the wet kisses that he planted to my neck, to my shoulder blades and lastly to my jaw.

Nandidiri ako sa sarili ko. Binababoy niya ako at kahit pulis ako wala pa ring kwenta ang propesiyon ko sa lakas ng taong 'to. Kung hindi lang ako padalos-dalos. Hindi sana ako malalagay sa ganitong sitwasyon. Naramdaman kong pumatak ang luha ko. Habang blanko lang akong nakatingin sa gilid ko.

"Damn it!" malamig na usal niya. Naramdaman kong tinanggal na niya ang pagkakahawak sa'kin bago siya umalis sa pagkakadagan sa'kin. Mabilis 'tong lumayo at pabagsak na lumabas sa pintuan.

Mabilis akong napaupo saktong nandoon ang salamin at kitang-kita ko ang repleksiyon ko. Nakikita ko ang mga pulang pantal sa leeg ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanginginig akong napahawak sa kwintas ko.

"I'm sorry, my love. I'm sorry. Gagawin ko ang lahat para makabalik na ako sa'yo."

I'm married and my husband is waiting for me.

"Henry." Napakuyom ako ng kamao. Bago tumingin sa labas at hinaplos ang kumot na nakabalabal sa'kin.

"Tatakas ako rito kahit anong mangyari." usal ko.

Chamber Of StoriesWhere stories live. Discover now