Chapter 11

10K 708 161
                                    

ADVANCED TRAINING

"Aray ko! Bwisit ka!"

Hindi ko maiwasang magmura sa t'wing mapapadapa ako o matatapilok. Halos isang linggo na rin ang nakalipas nang simulan namin ang pag-eensayo. Sabi nila hindi naman daw kailangan ni Kaiden ng training kaya ako ang pinupuro nila! Pero marami rin naman akong natutunan.

"I told you to watch the opponent's body, and not their eyes," Nicolas said. Siya ang kalimitang nagtuturo sa'kin kung pano lumaban dahil Assailant siya.

Sa tabi naman nar'on si sis Sirius na seriously kaming pinapanood. If Nicolas gets tired, siya naman ang nagte-train sa'kin. 'Pag ako naman ang pagod, hindi raw akong pwede mapagod!

Tumingin naman ako sa katawan ni Nico, at napangisi nang bumakat ang abs niya dahil sa pawis. "Sana all may abs," asar ko.

Tinaas ko naman ang tingin sa kaniya, at halos hindi makapaniwala ang mata niya. Pumikit siya nang mariin, at napailing.

I laughed, "You told me to watch your body!"

"Watch my moves," sambit niya, at nagulat nalang ako nang bigla siyang mag back kick sa'kin. I moved to his open side to avoid the kick.

Tila bumilis ang reflexes ko, and then I threw him a roundhouse kick. Tumama 'yon sa side ng chest niya, at napapalakpak ako.

"Finally!" masaya kong wika.

"Tss, finally," sambit niya, at tumawa nang sarkastiko. He made a turning kick, and kasunod naman n'on ay isang axe kick. Mabilis naman akong tumalon palikod, at umatras.

Okay na sana, kaso natapilok na naman ako!

Ngumisi ni Nicolas, "You can avoid attacks, but try not be clumsy. Matangkad ka kaya maganda kung ieensayo mo pa ang kicks kaysa sa pagsuntok. Be more focused on defending yourself."

I nodded and rolled my eyes. Tinapunan niya ako ng towel, at pinamunas ko naman 'yon sa sarili kong pawis.

"Bakit mo pinamunas?" tanong ni Nicolas. Sabay naman kaming napatingin ni Sirius sa kaniya.

"Ha?"

"I gave you that so you can wipe my sweat, Four," seryosong wika ni Nicolas.

Nasamid naman ako at malakas na napaubo. "Walang hiya, ang landi landi mo!" nahihirapan kong sigaw dahil sa pag-ubo.

Tumawa naman si Nicolas at halos namingkit pa ang mata, "Chill! Nagbibiro lang ako. Ikaw nga 'tong natingin sa abs ko."

"Hoy!" sigaw ko at binato sa kaniya ang towel na may pawis ko. Napangiwi naman siya at binato ulit 'yon sa'kin.

He smirked, and waved a hand at both of us, "Sige na. Mauna na ako, Four. Sirius, I'm leaving her to your care."

Tumango naman nang marahan si Sirius kaya napangisi ako. Nang tuluyan namang makaalis si Nicolas, malakas akong napabuntong-hininga.

"We're not yet done training, Four," biglang sabi ni Sirius kaya mas lalo naman akong napabuntong-hininga.

"Maya onti, please!" hirit ko.

Umiling naman siya, "Don't worry. This won't tire you too much." I pouted, and lied my back to the ground.

He clicked his tongue and then he looked down at me with a raising brow, "We need to finish training."

"I hate advanced trainings!" reklamo ko at itinaas ang kamay ko. Inabot naman niya 'yon at tinulungan akong tumayo. Nagitla naman ako nang paghawak ko ng kamay niya parang sobrang light, na halos wala na akong nahahawakan.

The Orphic SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon