Chapter 18

8.6K 634 140
                                    

WILD CARD

I rolled my eyes and glared at Sirius when he pushed me. "Ano?" inis kong tanong.

"Kanina ka pang tulala," aniya.

Nagbuntong-hininga naman ako, at tumingin sa paligid. We were at the cafeteria, and we've just finished two classes. Hindi na naman siguro mahalaga kung anong classes ang mga 'yon. Just training and the like.

"Iniisip ko lang kung bakit ako inatake ng mga taga-underworld cities," I said.

Totoo kaya ang sinabi ni Zero sa'kin, o ang sinabi ni Sir Ephraim. Isa pa, ano 'yong napanaginipan ko sa regenerating rooms. That's just so weird. Lahat nalang dito weird, potek.

"Why do you think so?" tanong niya.

"Tanga, hindi ko nga alam, eh."

Tumawa naman siya at umiling.

Napatikhim naman siya bigla at tumingin sa likod ko. Napansing kong namumula siya, kaya't alam ko na agad kung sinong nasa likod ko.

"Ey," bati ko kay Nicolas nang lumingon ako.

Ngumisi naman siya, at nagulat nalang ako nang nilapag niya ang meal niya sa tabi ko. He opened it while asking, "How was the underground cities?"

"Ay, 'wag mo nang ipaalala. Nas-stress lang ako," sagot ko.

Tumawa na naman siya. "I bet you saw Ruelle."

Umirap ako. Kahit na sabihin nilang spy-kuno si Ruelle, hindi ko pa rin matanggap kung ba't niya ako kailangang saktan. Gosh! Masyado namang realistic pagka-spy niya kung gan'on.

"She's kind," weh, " She must feel guilty doing it to you. Pagbalik niya-"

"Kahit 'wag nang bumalik, charot!"

Umiling naman si Nicolas, "You two might get along with each other." I made a double-chin and mouthed weh.

"Okay na ako kay Sirius! Hindi ko na need ng ibang friend!" giit ko. Nilingon ko naman si Sirius at kinindatan.

Hindi na siya ulit nagsalita kaya't nagpatuloy nalang kaming tatlo sa pag-kain. Sinusulyapan ko si Nicolas dahil tila may sasabihin siya na hindi naman niya masabi. Or maybe he doesn't have the guts yet.

"So, bakit ka narito?" tanong ko.

He looked at me with a creased forehead. "Masama bang makisama?"

I scoffed, "Hindi naman. Alam ko lang na may sadiya ka talaga para maki-kain sa'min. Besides, kanina pang nakatingin si Lein at Iris dito."

Sabay namang sumulyap si Sirius at Nicolas sa dalawang babae, at kaagad naman nilang tinakpan ang mata nila.

Nicolas sighed loudly. "I'm actually here to announce you something," aniya at naging seryoso na.

"Bakit muna english?"

"Because I'm serious."

Ah, required pala na kapag seryoso mag-eenglish?

May nilapag naman siyang isang playing card, pero empty ang laman n'on. Ngunit sa likod ay may katagang wild card.

"Wild card?" gulat na sambit ni Sirius.
Napatingin naman kami sa kaniya, at kaagad niyang iniwas ang mata niya. My eyebrow raised in confusion.

Akmang hahawakan ko na ang card nang biglang hablutin 'yon ni Nicolas.

He smirked na naman. "A wild card is a player who is qualified for the Orphic Games without having to achieve high ranks or high power."

The Orphic SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon