15 (tagalog)

46 4 6
                                    

Nais mo bang malaman kung bakit ako malungkot tuwing umuulan?

Malungkot ako hindi dahil sa mabibigat na patak nito na tila'y mga luhang bumagsak sa kalangitan
Malungkot ako hindi dahil sa mga kulog at kidlat na hinahatid nito
Malungkot ako hindi dahil sa malakas at makapanindig balahibong lamig ng hangin na sumasabay rito
Malungkot ako hindi dahil dama ko ang hinagpis ng kalikasan.

Malungkot ako dahil—

Malungkot ako dahil sa tuwing umuulan,
walang tulog ang aking ina sa pagbabantay sa mga palangganang nakasahod sa mga butas ng bubong
Malungkot ako dahil sa tuwing umuulan, tila kami'y mga basang sisiw na nagsisiksikan sa higaang hindi napapatakan ng ulan
Malungkot ako dahil sa tuwing umuulan, hindi mawala ang kabang nararamdaman namin na baka bumigay ang bubong na nagsisilbing munting silong namin
Malungkot ako dahil sa tuwing umuulan, walang mapagsidlan ang takot at pangambang nararamadam ng aking ina para sa kaligtasan namin.

Para sa iba, sa tuwing tag ulan nila nararanasan maging payapa ang puso't isipan nila.
Ngunit sa akin, tila isa itong bangungot na kailangang harapin.

(inspired by the documentary i watched months ago.)

silent scream, loud thoughtsOnde as histórias ganham vida. Descobre agora