Chapter 6

3.1K 49 28
                                    

Chapter 6
Hard


Nakayukom ang kamao ko habang pinagmamasdan silang papasok ng library. Klarong-klaro ko silang nakikita sa puwesto namin ni Willow dito sa mini forest.

Willow's atrocious laugh made me turn to her. Nawala tuloy ang paningin ko sa dalawang kakapasok lang sa library.

The way she narrowed her eyes to me implies something more, as if she suddenly saw something offbeat about me. "Masyado ka naman yatang bothered d'yan? Kung si Connor nga na madaming babae, 'di ka naman ganito man react, ah? Medyo chill ka pa nga,"

Medyo kinalma ko ang sarili dahil oo nga naman, mukhang apektado ako rito kung makaasta. Sa totoo lang, parang gusto kong sundan sa loob ng library para magmanman ng galaw nila. Mataman kong tinignan si Willow na ngayon ay nakataas na ang isang kilay ngunit bago pa ako nakapagsalita'y inunahan na ako sa iniisip.

"Ano? Gusto mo bang manmanan sa loob kung ano ang ginagawa?" Willow suggested what's already up on my head.

Agaran akong tumango kaya dali-dali kaming nagligpit ng gamit para makapasok ng library. Gusto ko lang malaman kung magkasama sila sa loob o hindi, magkatabi ba o hindi.

Kada hakbang ko rito sa hagdanan ay mas bumibilis ang tahip ng puso ko lalo't naiisip ko ulit ang panaginip kagabi. The kiss and everything felt too real to even grasp, and when I say everything felt real, it really is. You know, I even felt his...

Naputol ang mahalay kong pag-iisip nang marating namin ang library. The cold air blowing from the air conditioner swift through our faces when Willow pushed the door in. Nilibot ko ang tingin sa mga lamesa ngunit walang Range akong nakita. Si Willow na naglibot sa kabilang dako, kakabalik lang at wala rin daw roon.

So nasaan na? Biglang naglaho na lang na parang bula?

Willow used her lips to nudge the dark area of the bookshelves. "Why don't you look over there? Baka nandoon at baka may ginagawang milag-"

Bago pa matapos ni Willow ang sinasabi ay padabog ko nang binagsak ang bag sa lamesa para i-check ang dulong bahagi ng shelves. Napailing ako habang dali-daling pinuntahan ang dulong shelves.

At may mga tao talaga na walang takot gumawa ng kahalayan sa loob ng paaralan, 'no? I didn't expect him to be one of them but hell... of course, he's one of them!

Library sex, huh?

Not even afraid to get caught and get expelled, Range? Isa pa, ngayon pa talaga nila pinili na pumarito sa library dahil hapon na at walang tao? Right, of course, this is the perfect setting for their lewdness nga naman, dark and fucking silent.

Dalawang hakbang sa dulong shelves ay may naririnig na akong kaunting boses na galing doon. Huminto ako para bagalan ang lakad at kilos takot na baka marinig nilang papalapit ako.

Umuungol ba?

Dahan-dahan ang pagsungaw ko sa huling bookshelves. And there I saw Range's massive back facing a window with closed blinds, which explains the darkness to this part of the library. My eyes travelled down, that's when it all hit me. May nakaluhod sa harapan niya!

Was she giving him...

Agaran akong tumalikod bago ko pa matapos ang iniisip. Nasusuka ako higit sa lahat. Nanginginig ang kamay ko pabalik kung saan ko iniwan si Willow kanina. At sa pagkatulala ko'y napatayo na lang bigla ang kaibigan nang maaninag ako.

Nataranta rin tuloy ang isang 'to. Hinawakan pa ang nanginginig kong balikat. Naupo ako dahil nanghihina ang mga tuhod sa nakita.

"What happened? May nakita ka?"

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Where stories live. Discover now