Chapter 7

3.6K 43 24
                                    

Chapter 7
Find


Bahagya kong tinignan ang harapan niya bago ko inangat sa mukha niya, nagkatinginan kami kaya ako natawa.

"What are you gonna do with that?"

"H'wag mo na kasing tignan pa, Saint." pilit niyang kinakalma ang tono.

Umiwas siya ng tingin. Pasalamat siyang gabi na't natatago ngayon ang ibig kong sabihin. Nagpakagat ko ng ibabang labi.

"Uh-huh? Are you gonna have a very cold shower then?" seryosong tanong ko.

He glared at me when I said that. Suminghap siya kalaunan.

"I might. So stop the teasing cos it doesn't help at all,"

Ngumuso ako dahil naaaliw sa mukha niyang nahihirapan. Na kahit bahagya pang sumasagi sa isipan ko ang panaginip, medyo natatawa ako sa sitwasyon namin. It's funny.

"Give me your phone," utos ko sa kanya kaya niya ako binalingang muli.

Ako na ang magbibigay ng numero ko sa kanya. He will text me, halatang gusto ako ng isang 'to eh. Nakangisi ako habang hinuhugot niya ang telepono sa likurang bulsa. Nang ilahad niya sa akin, nagtaka ako dahil latest model ng iPhone iyon.

Nagkibit ako ng balikat at mabilisan tinipa ang numero bago ibinalik sa kanya ang telepono. Binasa niya iyon bago ako tinignan.

"Loml?" tanong niya.

Muli akong natawa. Hindi ba'y pabor sa kanya 'yan tutal patay na patay rin naman siya sa akin?

"Love of my life?" I gave him a confident grin.

Ilang segundo siyang natigilan bago napangiti sa huli. Itinago niya ang telepono sa likurang bulsa.

"I like it," aniya sabay tango.

"Why? Love at first sight ba dapat ang nilagay ko?"

Kumunot ang noo niya sa pabiro kong sabi. Nagbasa siya ng ibabang labi bago marahang tumango. I thought he'd deny what's so obvious to me.

"Yeah, maybe, it was love at first sight. Maldita ka nga lang," pag-iling niya pa.

"Ang ingay niyo kasi, iyon lang naman."

Kung babalikan nga sa araw na iyon, baka nga talagang sumubra ako sa pagkamaldita. When he gave his hand, it was to help me get up and nothing else. Tapos ako, tinapik lang ang kamay niyang nag-amba ng tulong. Hindi ba'y ang sama kong tao kung titignan lang?

"You shove my innocent hand away," dagdag niya.

"That's only because you were too intimidating for me," tumikhim ako.

Nang balingan ko siya'y sumilaw ang ngisi sa labi niya.

He chuckled. "Trust me. Between us, you're the intimidating one, Saint."

Umawang ang bibig ko. He find me intimidating? Eh, ang liit-liit ko kumpara sa kanya ah? Puwede niya nga akong tirisin ngayon kung gugustuhin niya man.

Tinignan ko ang nakaparadang jeep bago ibinalik sa katabi ko.

Uuwi ba ako o mas kikilahanin pa ang isang 'to? I wanna know more, like what his life is back in the island.

"Do you work in the plantations then?" pag-iba ko ng topic kaya medyo naurungan siya.

Range shifted his position. Halatang nailang sa tanong ko. Nahihiya ba siyang aminin na ganoon ang trabaho niya kapag summer o walang pasok? Para sa 'kin, wala siyang dapat ikahiya, hanga nga ako lalo't ang sipag niya.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Where stories live. Discover now