Chapter 34

3.3K 40 23
                                    

Chapter 34
Gift


These days, I noticed that I wake up really groggy and light-headed. And today in particular, my first day of not working, I feel extra dazed and I have no idea as to why. Siguro'y dala na lang sa pagkawala ng stress ko sa trabaho.

S'yempre kahit na gano'n, nauna ulit akong magising kay Range. Minadali ko ang pagligo, desperadong maalis itong sakit ng ulo ko. Which somewhat worked, gumaan nga ang pakiramdam ko matapos akong maligo. Kalauna'y dinala ko na ang sarili sa kusina para makatulong.

And true enough, Nanay Leticia is here and already busy ordering everyone in the kitchen. But not just her, Tita Carolina is also here. Sabay nila akong natinignan, sabay rin silang napangiti.

"Saint," si Tita Carolina, nakalapit na at nahila na ako papunta sa breakfast nook.

Lumayo ako nang pag-upo sa kaniya sa hiya. "Good morning po..."

Napaangat ako ng tingin kay Nanay Leticia, hindi kasi kape ang nilapag niya sa harapan ko kaya medyo nakapagtataka. My curiousness slowly faded away when I wrapped both my palms around the cup, warming it. Natignan ko bigla si Tita Carolina masugid niya kasi akong pinagmamasdan.

"Is there a possibility you are pregnant, Saint?" she casually asked!

But at the same time of me sipping on my hot chocolate! Of course, I burnt my tongue on that unexpected hot-seat! Napaso ang dila ko sa gulat. Binaba ko ang tasa sa table bago siya hinarap. Kumurap ako ng makadalawang beses.

"Uh... walang chance po,"

Tita Carolina titled her head to the side, curious. "Really? Maybe it's just my assumption? Pero sigurado ka ba, hija? Did you check?"

Assumption? Nakakapagtataka naman na masabi niya 'yon kasi saan niya ba binase para mag-assume siya ng ganito? But I am sure as hell not pregnant since, I have bad, irregular periods.

"Hindi ko po na-check. Pero imposible po talaga, Tita."

"Is that so?" medyo dismayado niyang sinagot.

Nagkatinginan sila ni Nanay Leticia, tila duda pa sa naging sagot ko.

At dahil sa pag-uusap na 'to, biglang bumaliktad ang t'yan ko sa kaba. Irregular periods because of PCOS doesn't guarantee me of not being pregnant, there is still a slim chance that I could be.

Damn... should I really check then? Since I also feel kinda light-headed these days. But if I do that, based on Tita Carolina's reaction, it would make a massive fuss in this household. Sasarilihin ko na lang siguro kung i-check ko man, pati si Range ay 'wag ko na lang sabihan para wala nang gulo.

At bago pa makasagot si Tita Carolina, bigla siyang napatayo sa pagdating ni Range dito sa kusina. With disheveled hair from sleeping, he went to my side and shamelessly dug himself on my neck. Ni hindi ako nakareklamo kahit na 'di naman kami pinapansin ng lahat. It's just that... hindi ako sanay na ganito kami ka close, at sa harapan pa ng Mama niya.

"Morning," he mumbled straight on my skin.

Bahagya kong kinurot ang braso niya. "Umayos ka. Nakakahiya sa Mama mo,"

"I thought you went home again..." his tone has clear bitterness on it, ignoring my laments about his Mom.

Umayos siya nang lumapit si Tita Carolina para bigyan siya ng tasa ng kape. Pansin ko na nag-uusap sila gamit ang mga mata. His Mom then sighed.

Deceive me, Love (Buenavista Series #1)Where stories live. Discover now