Over Again

3 0 0
                                    

Isusulat ko po 'to habang isinusulat yung story ni Sister Chandrea. HAHAHA

Gumawa lang po ako ng ganito para hindi ko makalimutan na isulat hehe.

Babusssh Take care po! And thank you very much!

-.-

Ayos na ayos ang bistida na suot ng dalaga habang umiindak na tunguhin ang silid ng Ama. Umiikot-ikot ito habang iniisip kung anu-ano ang gagawin niya sa darating na summer.

"You look so happy, señorita." Nakangiting bati sa kaniya ng kasambahay nilang may dalang panlinis

Malapad niya itong nginitian kahit na ang salitang señorita at happy lang ang naintindihan niya sa sinabi ng ginang.

Hindi pa kasi niya gaanong gamay ang salitang Ingles. Kaunti pa lang ang alam niya rito.

"Papa, ten una buena noticia, oh, Dios mio, estoy tan emocionado!" (Dad have a good news, oh my gosh, I'm so exited!)

Nag-aalangan siyang tinitigan ng ginang. "Oh, si, tu papa." (Oh, yes, your dad) kabado na tugon sa kaniya ng kausap.

Bahagyang nangunot ano noo ng Dalaga sa iniasal nito.

What's wrong with her?

"That was so ridiculous! No Alfredo! Our daughter is too young!" Sigaw ng nanay ni Harp sa asawa nitong kanina pa hinihilot ang batok dahil sa paulit ulit nalang sila sa usapan na ito

"She's already 22, mi amor!"

"I don't care. Harp is not getting married! Pinal na ang desisyon ko! Kung gusto mo ay ikaw ang magpakasal!" Matapang na sabi ng ginang

Hindi makapaniwala na pinagmasdan ni Alfredo ang asawa dahil sa ideya na sinabi nito.

"Hahayaan mo akong magpakasal? Harriette!"

"Lumubay ka!"

Nilapitan ni Alfredo ang asawa at tangkang hahagkan ito pero tinampal niya ang kamay na nagtatangkang aakap sa bewang niya.

"Bullshit!" Bulong ni Alfredo

"Bullshit talaga."

"But, mi amor, you're the one who made that deal." Malumanay na sabi ni Alfredo sa asawa. Tila ba sumuko na.

Kanina pa kasi niya pilit na ipinapaintindi sa asawa ang nakatakdang kasal ng iisa nilang anak sa nag-iisang anak ng mga Sullen.

Mula sa pagmamatigas ay agad siyang binalingan ng asawa. "I did what?!"

"Ikaw ang gumawa nito sa anak natin." Aniya na may ngisi sa labi. Sa wakas ay nasa kaniya na ang alas. Hindi na siya mahihirapan pa.

"Oh my gosh! Oh my gosh! My daughter." Nanlulumo itong napaupo habang nakahawak sa study table ng asawa.

A devilish smile escapes Alfredo's lips. "Sullen is a kind hearted family. Aalagaan nila ang anak natin."

Mabilis na iniangat ni Harriette ang ulo at sinalubong ng masamang tingin ang asawa. Ang ngiti sa labi ni Alfredo ay agad din niyang ginawang simangot. Takot lang niya sa asawa.

"Oo nga mabuti ang pamilya nila. Pero ang anak nila ay hindi! Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya sa anak mo?!"

Lalong humaba ang nguso ni Alfredo. Syempre hindi niya ito malilimutan!

"Hey, Papa! What's happening?"

Napatalon ang Ama sa gulat. Pero nagpatuloy lang sila sa pagtatalo at hindi pinansin ang anak.

"Speak in Spanish!" Sigaw ni Harp habang pinagmamasdan ang mga magulang na nagtatalo.

Sawa na rin kasi siya sa paulit ulit na set up na sa tuwing mag-aaway ang mga ito ay silang Tagalog ang gamit.

Napabuntong hininga ang kaniyang ina. "Kasalanan mo itong lahat Alfredo!" Gigil na sabi ni Harriette sa asawa.

Nagkibit balikat lang ito tila ba wala siyang pakialam sa sinabi ng asawa.

"I'm sorry, Harp. But promise is promise. Ang pangako ay hindi dapat napapako." Ani ng ina niya saka siya inakap.

What the hell is happening?!

"Pack your things, hija. We're going back to Nueva Ecija."

Nanlaki ang mata ni Harp sa sinabi ng Ama. I thought I'll be able to go to Korea this summer?!

"Philippines?" Walang gana niyang tanong sa sarili. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito napoproseso ng utak niya.

Hindi pinansin ng ama't ina nito ang dalaga at nilisan ang silid.

"W-what the? But.. Vacation is up!" Nanggigigil na sigaw ni Harp sa silang espanyol.

Ayaw na niya bumalik doon! Hindi na!

Over AgainWo Geschichten leben. Entdecke jetzt