CHAPTER: 1

1 0 0
                                    

People are staring.

Kung titignan natin ay hindi naman talaga ito problema. Iyon ay kung hindi ako minadali ng magaling kong Ama sa pag-iimpake sa mga gamit ko.

"Sigurado ka ba na ayaw mo magpalit?" Tanong ni Alice sa akin na puno ng pagkadigusto sa bawat salita nito

Binalingan ko ito at pinagsingkitan ng mga mata. "Will you please shut your mouth? Kapag narinig ka pa ng tatay ko, I will never talk to you!" Mariin kong sabi sa kaniya habang hinihintay na makabalik sila papa kung saan.

Nagpipigil ang tawa na pinalo ako nito sa balikat. "The ef ,Harp! No one can hear us, saka tama naman ako! You're wearing that weird hoodie! Ang init dito."

What's wrong with my hoodie? Kaya ko lang naman isinuot ito ay dahil sa pag-aakala na tag-ulan ngayon sa Manila. At wala naman akong nakikita na problema rito. Maliban nalang kung bigla akong mahimatay habang naglalakad palabas sa Airport na ito dahil sa sobrang init.

"Hey Harpie!" Papa called me with my old fvcking pet name

I let a soft smile. Sana naman mapansin niyang peke ito.

"Nanjaan na yung sasakyan,medyo natagalan lang. Traffic daw." Pagpapaliwanag nito na malinaw kong naintindihan. But I have to pretend that I don't.

Okay Harp kaya mo 'yan!

Kunot noo ko siyang tinitigan para ipahiwatig na wala akong naintindihan kahit na isa sa kaniyang mga  sinabi.

Napakamot ito ng batok at nagpakawala ng buntong hininga. "Lets go, the car is ready" anito saka naunang naglakad.

Oha, I won!

"Best actress award." Pang-aasar ni Alice saka ako tinapik sa balikat at naglakad na rin kasunod ni papa

Alice is my bestfriend. Hindi ko nga alam kung paaano pero nung nakita ko sila noon sa isang party ni Mama halos hindi na kami mapaghiwalay buong summer. Siya rin ang nagturo sa akin na mag-aral ng tagalog habang naghahanda ako ng mga gamit sa nalalabing araw namin sa espanya, pero pinanatili namin itong sikreto.

Ayaw ko kasi na malaman ng kahit na sino sa aking pamilya. Ayaw ko na malaman nila na may alam na ako sa pagsasalita ng lengwahe ng aking Ama, lalo na ng malaman ko na hindi na kami babalik sa espanya.

"I'm sorry,anak." Kagat labi na inakap ako ng aking ina

Para saan 'yon? Bakit sa nakalipas na apat a bwan ay paulit-ulit ito sa paghingi ng tawad sa akin?

Sa pagtataka ay sinulyapan ko ang kaibigan na pilit ginagawang abala ang sarili sa cellphone nito para lang maiwasan ang pagtatanong ng aking mga mata.

Gustuhin ko man magtanong pero gaya nalang ng mga nakaraang apat na bwan ay nanatili akong tahimik. I don't want to cry in front of them asking why they are sorry. Pinalaki ako na matibay ng aming pamilya, kaya bakit ako iiyak?

-.-

"I think, I knew why you are here." Out of the blue na sabi ni Uriy

Pagdating ko kasi rito sa bahay ay wala na akong sabi-sabi na nagtungo sa aking silid. Hindi ko nga binati ang mga kasambahay ni Papa. Naabutan ko nalang si Uriy dito na abala sa laptop niya.

Sabi nandito siya para i-welcome akong muli sa Pinas.

"Malamang alam mo! Kaya nga iniwan kits rito." Si Alice

Uriy pouted. "Nagpaiwan ako kasi sabi ko naman sa iyo na ayaw ko sa Spain hindi ba?"

We laughed. Simple lang at boring ang buhay ni Uriy. Trabahi at bahay lang ang buhay nito. Walang boyfriend mula noong bigla nalang mawala si Barry, ang long time boyfriend nito

Maganda at matalino naman pero Ewan hindi lang siguro siya talaga mahilig sa mga lalaki. Ang huling balita ki ay ilang sikat na tao mula sa iba-ibang larangan na din ang tinanggihan niya dahil sa sobra ang mga yabang sa katawan. Well hindi ko siya masisisi dahil totoo naman.

"Barry is not there!" Alice yelled.

"Kahit na, I don't know how to speak in Spanish so paano mo ako maisasama. Pabigat lang ako kung nagkataon." Paliwanag ni Uriy

Napairap nalang ako sa paulit-ulit na pagtatalo ng dalawa. Noon kasing dumating si Alice sa espanya ay nagtatalo na ito. Halos araw-araw nga sa tuwing magkausap ito sa computer. Kung hindi lang talaga ako mababagot mag-isa ay ipinatapon ko na ito sa kani-kanilang bahay.

"So ano na nga sinasabi mo,Uriy?" Pagpapalit ko ng topic

Ang ingay na kasi nila. Pati ang pag-iyak ni Uriy sa harap ng bahay ni Barry ay ibinabalik ni Alice.

"Balak ka ipagkasundo sa babaerong Sullen, Harp!" Sagot niya sa sinabi ko

"How did you know that he's babaero?" Taas kilay at maarte na tanong ni Alice. Tila ba hindi na nagulat sa mga unang salita na sinabi ng kaibigan.

"Narinig ko sa kasambahay nila. I wonder if he's handsome enough for you."Puno ng kuryosidad nitong sabi.

Handsome enough? Syempre,Oo! May babaero ba na panget?

"Hindi mo pa ba nakikita kung sino sa mga Sullen?" Tanong ni Alice

Umiling lang ito bilang tugon. "Hindi ko pa nga rin maintindihan kung bakit ka nila ipagkakasundi." Sabi pa ni Uriy

Actually,alam ko. "Baka negosyo." I lied.

Magsisinungaling  talaga ako. Ayaw ko na malaman nila kung bakit dahil sigurado ako na kokontrahin nila ang aking Ama. Kilala ko sila, Uriy is Uriy ang Alice is Alice. Gagawin nila ang lahat para maayos ito lalo na at alam nalang mali ang gusto ng aking Ama.

"Tss.. Gusto ng papa mo na ipagkasundo ka kasi sobra ang kaartihan mo!" Singhal sa akin ni Alice "Mapili ka, kapanget mo naman!"dugtong pa nito

Pinuno ng katahimikan ang solid,wala sa amin ang nagtangka na magsalita. Tama,isa Iyon sa mga dahilan nila. May mga ginugusto rin naman ako kahit papaano! Yuon nga lang ay sobra talagang labo para makuha ko sila.

I'm just a fan! Tss.

"We can make a plan,Harp. I-seset up ka namin ng date!" Masiglang suggestion ni Uriy.

Inirapan ko ito. Talagang date ang naisip nito? Baka pabalikin pa ni papa sa pinanggalingan ang mapipili nyong lalaki. O hindi naman kaya ay malaman pa lang na tatay ko si Don Alfredo ay umuuwi na ito.

"May plano na ako. Wag na." Sabi ko. Ayaw ko na mangdamay ng iba. Ayos na ako rito. I can bear with it.

"Oo mayroon nga, pero alam kong hindi gagana!" Pagkutya ni Alice "Sobrang daming mong plano pero puro palpak!"

Dahil sa sinabi ay bigla ko tuloy naalala ang mga palpak na plano ko tungkol sa pagtakas saglit sa mga mata ni papa. Lahat ng Iyon ay pumalpak.

"I'm sure it won't!" I'm sure it will

"Let's see harp." Labag sa loob na wika ni Uriy. "May tiwala naman ako sayo,pero sa mga plano mo." Huminto ito saka umiling iling

"Wala akong tiwala. Parang walang utak ang nag-isip. You always dig your own grave." Dugtong pa nito saka muling nagtipa na sa loptop nito

"Hindi ko papayagan na basta nalang ako mapunta sa Sullen na iyon. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa ng isa sa Kanila. At kung pumalpak man ang Plano ko, sisiguraduhin kong isasama ko sya magdusa."

Wait for me honey. Hintayin mo kung gaano ako kalupit.

Over AgainWhere stories live. Discover now