CHAPTER: 5

1 0 0
                                    

Kanina pa salita ng salita ang lalaki na kaharap ko pero kahit isang tugon mula sa akin ay wala siyang natanggap. Syempre kailangan kong panindigan ang pagkawala kong alam sa salitang Tagalog.

Puro pangangamusta lang naman ang sinasabi niya. Tinatanong din kung kanina pa ako rito sa bahay. Hindi ko pinansin. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin kahit na alam ko naman talaga ang dapat itugon.

"Hindi mo ba ako kakausapin?" Medyo inis na tanong nito sa akin.

Mula sa masayang pagkain ko ng sorbetes ay nabaling ang atensyon ko sa kaniya. Bakit ba naiinis ka?

Tumikhim ako bago magsalita "No me entiendo, señorito." I dont understand simple kong sabi. "Lo siento!" Im sorry. dugtong ko pa saka muling bumalik sa pagkain

He let out a soft cursed. "Oo nga pala. Bakit mo nakalimutan?" Galit na usal nito sa sarili.

Napangiti ako. Hindi ko alam kung bakit.

Tinapos ko na ang pagkain ko ng natitirang ice cream sa tasa ko. May natira pa ng unti sa isang gallon ng chocolate ice cream na uwi niya. Gusto ko sana ubusin kaso gabi na.

"So, Señorita. Hindi.. ka pa ba.." Umiling ito saka ako itinuro. "Matutulog?" Dugtong nito saka inilagay ang dalawang magkadikit na palad sa kanang pisngi matapos ay pumikit para maipakita sa akin ang pagtulog.

I was about to laugh but one part of my brain told me not to. Pinigilan ko nalang, at pinagmasdan ang nakapikit na si Grim. He looks good in every side of his face. Kaya siguro talaga madaming nagkakagusto.

Matagal bago ito bago dumilat at natagpuan ng mga mata niya ang akin.

Napasinghap ako. Ang mga matang yan! "Oh.. si, Buenos noches!" Mabilis kong tugon saka siya mabilis na tinalikuran para hindi na niya ako makausap pa.

Kaasar!

Kinaumagahan, nagising ako sa malakas na huni ng cellphone ko na nakalagay sa mesa malapit sa aking muka.

Its Alice.

Bakit ba tumatawag na ito? Pilit kong inabot ang telepono na tumutunog kanina pa. Tamad na tamad kong pinindot ang answer button. Nanghihina pa ang kamay ko dahil kagigising ko lang.

"Hey, Alice." Walang gana kong bati.

"Ano Harp?"

Napaupo ako nang marinig ang excited na boses ni Alice. "Anong 'ano'? Bakit ba ha?" Tanong ko matapos ay yumuko at ibinaon ang muka sa pagitan ng nakaawang kong hita. Nahihilo ako, a.

Tumawa ito nang malakas matapos ay ibinigay kay Uriy ang telepono. "Pogi ba?" Tanging sabi nito.

Napaangat ang ulo ko sa tanong niya. Nagsitunugan tuloy ang buto ko sa likod. Talaga ha? Kay Uriy pa talaga galing?

"Nope. He's not!" I lied.

Syempre pogi! Pero hindi sapat para magustuhan ko. Oo naaakit ako sa mata niya. Sa kaniya mismo. Medyo lang naman. I still prefer Vernon of Seventeen.

"Then leave him! Hindi naman pala pogi!" Reklamo ni Alice. Bakit ba magkasama silang dalawa? Nag-over night ba si Alice kila Uriy?

"Babaero tapos pangit! Ang lakas ng loob. Bisugo pala!" Panlalait pa nito. Natawa ako sa huli niyang sinabi. I don't think that Bisugo is really the right term to describe him.

"Alam mo na hindi pwede. Saka walang pangit sa mga Sullen!" Si Uriy

Yeah I just can't. Pagsang-ayon ng isip ko. Hindi ko rin alam kung bakit pero hindi talaga pwede. Baka hindi ko lang kaya.

Over AgainOnde histórias criam vida. Descubra agora