CHAPTER: 4

1 0 0
                                    

"Nababaliw ka na ba, Harp? Bakit four months lang? Nag-iisip ka pa ba? Nasa talampakan mo na ata yung utak mo!"

Walang tigil ang pagsasalita ni Alice mula pa kanina, pagkapasok pa lang namin dito sa silid.

Nagsisimula na ako maglagay ng mga gamit sa storage box na idinala kanina ni Mona dito sa kwarto. Ang gusto pa nga ay siya na raw ang magliligpit pero hindi ko hinayaan. Gusto ko kasi yung mga gamit na dadalhin ko ay ako mismo ang pipili.

"Anong gagawin mo don? Bahay bahayan kayo?"

Inirapan ko ito. Dinaig pa ang nanay ko sa sobrang daldal. Nanay ko nga tinitignan lang ako, e. Siya naman masyadong OA. Hindi naman ako kakatayin ni Grim doon.

Saka sa tingin ko naman hindi maglalagi sa bahay na iyon si Grim. Its been a week mula noong malaman ko kung sino sa mga Sullen ang pakakasalan ko at sobrang sakit non sa ulo. Talaga nga na babaero ang Grim na 'yon. I can say 'cause I knew!

"Ano ba Alice, hindi talaga makakapag-isip nang maayos si Harp sa sobrang ingay mo." Saway ni Uriy na ngayon ay kavideo call namin. Hindi kasi ito makaalis dahil sa mga ipinagagawang report sa kaniya. Bukas ay may interview pa ata siya sa isang sikat na may-ari ng club.

"Hindi talaga gagana ang utak nyan." walang gana na dugtong ni Uriy sa speech ng kaibigan.

Sa totoo lang ay sobrang swerte ko na sa dalawa na ito. Kahit na abala sa trabaho si Uriy ay nagagawa pa rin niyang maglaan ng oras para sa akin. Minsan nga naiisip ko baka kahit pagpapahinga ay hindi na nito nagagawa dahil sa akin.

Kung si Alice naman, ang alam ko ay may problema rin itong kinakaharap ngayon. Her father suddenly disappeared for unknown reason. Pero heto siya nanenermon sa akin. Gustuhin ko man na tumulong pero ayaw niya. She can handle herself daw.

Im lucky that I have them. Kaya kahit anong mangyari hindi ko na sila idadamay sa galit ni papa.

Binitbit ni Alice ang loptop at sarilinan na hinarap si Uriy. "Ikaw nga Uriy, hindi porque iniwan ka nung boyfriend mo noon at binigyan ka ng tissue nung kapitbahay niya ay ganiyan ka na!"

Napaayos ako ng upo dahil sa sinabi ni Alice. Kahit kailan ay wala talagang preno ang bibig nito. Ibabalik at ibabalik talaga ang issue mo.

Naisip ko tuloy kung ano ang itsura ng ex boyfriend ni Uriy at ng lalaki na nag-abot ng tissue. Hindi ko pa kasi nakikita ang ex boyfriend ni Uriy kahit sa picture man lang.

"Alice naman.." Saway ni Uriy dito. Nahihiya.

"Alice naman" paggaya ko sa boses ni Uriy. Kaso medyo iniipit ko ito kaya napuno ng tawanan ang silid

Sa sobrang saya namin ngayon ay nakalimutan ko na si Grim. Nakalimutan ko na ang ginagawang pagliligpit ng gamit. Gusto ko ganito nalang lagi. Parang ayaw ko na matapos ang mga sandali na ito. Can I text EXTEND to have another day like this?

"Señorita." Boses iyon ni Zandro mula sa labas ng aking silid

Napatingin ako kay Alice at Uriy. Ang sayang nararamdaman ko kanina ay unti-unting natabunan ng pangamba.

Mula sa kampante na pagkakaupo kasama si Alice ay mabilis akong tumayo para pagbuksan ng pinto si Zandro.

Isa lang ang naiisip kong dahilan kung bakit siya nandito. Bakit parang ang bilis? Parang kanina lang ako pumayag sa gusto ni papa.

"Ang mga Sullen, nasa baba." He said without looking into my eyes.

Sa isang iglap ay nawala ang lakas na dumadaloy sa akin. Tila ba walang hangin na pumapasok sa aking katawan. Nanlalambot ang aking mga tuhod. Wala akong lakas na kumapit kay Zandro.

Over AgainWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu