CHAPTER: 3

1 0 0
                                    

Mula sa tahimik na buhay ko sa aking silid ay sapilitan akong inayusan ng mga tauhan ni papa. Mula sa buhok hanggang sa aking mga paa.

They want me to wear this tube pastel dress and a pair of stiletto! The ef is really happening to my fathers mind? Is he loosing it?

"Señorita, please steady your head." Muling pakiusap ng makeup artist ni mama.

Isang irap ang ginawad ko rito. Kanina pa kasi kuskos ng kuskos ng kung ano-anong kolorete sa muka ko. Wala rin namang magbabago!

I smirked "Stop it, its okay. I'm okay" sabi ko saka tumayo. Hindi pa pantay ang blush on ko. 'Di bale wipes lang katapat nito mamaya.

"But Señorita Isabelle–"

"Don't you dare call me Isabelle!" I cut her off. Matapos ay lumabas na ng silid. Sa guest room nalang ako magtatanggal ng make up.

Sa apat na bwan na nakalipas marami ang nagbago sa aming pamilya. Papa and Mama's relationship is getting colder. Yuon ang nakikita ko sa araw-araw at kung uuwi ang papa ay madilim na, and I took that as a privilege para maturuan ako ni Alice ng Tagalog.

Akala nila ay puro kwentuhan lang ang nagaganap sa aking silid kaya naman hindi na sila nagtangka na gambalain pa kami.

"Harp" basag ni papa sa katahimikang namamayani sa hapag kainan

Pilit akong ngumiti. Ito na 'yon Harp. Alam kong ito na 'yon. "Yes, papa?"

Nagpakawala ito ng isang mahabang buntong hininga saka nagpunas ng bibig. Panigurado ako na hindi ko magugustuhan ang mga salitang susunod na sasabihin nito.

"Alfredo" Puno ng pangamba ang boses ni Mama. "H'wag ngayon."

She's begging for my freedom!

"Quiero que te cases." I want you to get married

Alice gulped.

My lips twisted.

Sigurado akong magsasalita ito. Dapat naging busy nalang din sya tulad ni Uriy! Dapat ay hindi na siya pumunta rito! Damn you Alicia Alice!

"Come again, tito?" Malakas na loob na sabi ni Alice kay papa

I'm sure she heard it right! WE clearly heard it right! I'm dead! You're dead Harp!

"I want my daughter to get married–"

Tumayo ako at kasabay non ay ang matapang kong pagputol sa sasabihin ni papa. "Pero no quierro!" Malakas kong sabi

"Harp!" Tawag ni Alice at Mama sa pangalan ko matapos kong pagtaasan ng boses ang aking ama.

"Why not Harp? Are you going against me?"

Napapikit ako sa sinabi niya. "Papa, no es asi." Papa its not like that.

"Then what do you call this?" Umalingawngaw ang malaki at galit nitong boses. Ang mga serbidora ay bahagyang napapikit dahil dito.

Sunod sunod na kumawala ang mga luha ni Mama na sa tingin ko ay kanina pa gustong lumabas. Sinulyapan lang ito ni papa saka nagmostra kay Mona na abutan ito ng tissue.

"Papa," mahinahon kong tawag dito. "Por favor perdoname." Please forgive me

Yumuko ako at muling umupo. Nanatili ang mga tingin sa aking Ina.

"Harp, Tito" tawag sa amin ni Alice." Maybe we can just fix this."

Galit ko itong tinignan. What the hell Alice? Bakit ba sa mga ginagawa ninyo ay pakiramdam ko'y hindi ko kaya ang aking sarili? Sa nangyayari ngayon tingin ko ako pa rin ang Harp na hindi nag-iisip at sunod lang ng sunod sa kahit na anong sabihin ng kaniyang mga magulang.

Iniayos ko ang aking tindig. "I will marry him."

Napasinghap si Mama sa aking desisyon habang si Alice ay naiiling akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa kahit na nakaupo ako. Para bang hindi nagugustuhan ang mga lumalabas sa bibig ko.

"But papa, I want the marriage to be sealed with love."

"You're insane!" Dinig kong bulong ni Alice na ngayon ay sigurado akong hindi na talaga natutuwa sa mga pinagsasabi ko.

Being insane is the only way to escape this life, Alice.

"I want to get to know him."

Hindi nakapagsalita ang desidido kong Ama. Tila ba nag-iisip kung ano ang susunod na hakbang. Sigurado naman ako na inaasahan niya ito. Yun nga lang hindi ang susunod kong gagawin kapag nakilala ko ng lubusan si Grim.

Kapag nangyari 'yon I'll make sure that he will fall. Babagsak sya hanggang sa hindi na siya gustuhin ni papa bilang Asawa ko. I'm already reserve by Kpop boy group; seventeen. I'm done with him. Tapos na ako sa katarantaduhan ko sa kaniya. And I don't have guts to do it again.

"Four months is enough." Anito saka naglakad paalis sa lugar na kinaroroonan. Hindi na niya hinayaan na umapila pa ako o isa man sa amin.

Nanatili akong nakatingin sa likod nito. Four months? Not bad, Harp.

"Harp, I'm sorry" bulong sa akin ni Mama saka ako hinagkan at hinalikan sa noo "Its really my fault." Dugtong pa nito

Its okay mom... Its okay.

Over AgainWhere stories live. Discover now