CHAPTER: 6

2 0 0
                                    

Magkasama kami dito sa sala. Ako, hinihintay na sunduin ni Zandro habang siya naman ay ewan ko. Abala siya sa cellphone. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa.

Hindi man lang ako kausapin. Sobrang walang silbi ang pagtira ko rito, grabe! Dapat talaga ay nanatili nalang ako sa amin.

Kagabi kumain kami ng sabay pero walang nagsalita. Maybe he's still mad? Or just jealous. Siguro ay hinihintay ako magkwento. Hindi ba dapat siya ang magkwento kung ano ginawa nya roon ng maghapon at kung sino ang lapastangan na babaeng nagpunta rito?

Pasulyap sulyap ko itong tinitigan. Sobrang siryoso ng muka. Wala akong mabasa na ekspresyon mula sa kaniya. Ano ba 'yan, paano ko ngayon ito gagantsohin? Baka ako magantso nito!

Ang kilay nito ay hindi gaanong makapal, hindi rin gaanong manipis. Sakto lang kung ito'y pagmamasdan. Para bang inahitan pero hindi naman. Ang labi nito ay para bang laging nang-aakit, mapula na laging basa. Binabasa nya ba ito lagi?

Napahawak ako sa akin. Grabe nakakahiya ang labi ko.

Walang duda kaya marami ang babae na nagkakandarapa sa kaniya. Mahusay sa negosyo at sports at sigurado rin naman na mahusay sa babae. Responsable rin itong anak ayon kay Uriy, yun nga lang lahat ng Babae ay si-sige siya.

Basta may lumapit ay kauusapin as a sign of respect daw, ayon sa chismis sa akin ni Uriy noong nakaraan.

Kahit chismis ay pinaniwalaan ko. Minsan ko na rin kasi siyang nakita somewhere in Club in New York noong minsan na nagpunta kami ni Mama doon for a meeting. Madami ang nakapaligid sa kaniyang babae ron at tumatawa pa ang bisugo!

"Harp.." Tawag niya sa pangalan ko.

Mula sa pagkakunot ng aking noo habang inaalala ang pagkakita ko sa kaniya sa New York ay napabaling ako sa kaniya na may gulat na ekspresyon sa muka "H-ha?"

Hawak ang cellphone na napangiti ito sa naging reaksyon ko. "Wala." Maikling wika nito saka naiiling na ibinaling muli ang atensyon sa cellphone. I think he's scrolling on Facebook dahil sa nakitang parang icon ng nasabing application. Malinaw pa rin ang mata ko.

"Señorita~"

Boses ni Zandro.

Napatakbo ako para pagbuksan ito ng pinto. Bakit ba exited ako lagi pagdating kay Andro?

"Andro! Let's go!" Pag-aaya ko sa kaniya habang hawak ang kanang kamay. He's wearing his usual style. Shades, Blue t-shirt with some quote in the left side of the shirt na tinernuhan niya ng itim na pantalon at puting sapatos.

"Let's go!" Ulit ko pa pero muli ay hindi ito nagpatinag kundi ay sinulyapan pa nito si Grim na wala man lang pakialam sa amin.   Siguro nga kahit umalis na ako ay ayos lang. Ni hindi pa nga kami nag-aalmusal

"Zandro, vámonos! Its getting late!" hinila ko ang kamay nito

"Okay." Tanging sabi nito saka nagpatianod na sa paghila ko sa kaniya patungo sa sasakyan nito.

"Hindi ka man lang nagpaalam." sabi nito matapos akong mapagbuksan ng pinto upang makasakay sa pickup nito.

I rolled my eyes. "Wala naman paki 'yon." sabi ko saka itinali ang hanggang bewang kong buhok. Maiinit pala rito sa labas.

"Talaga lang?" natatawa na sabi nito sa akin. Tila ba hindi ito naniniwala sa sinabi ko.

Tumagal ang byahe namin na puro kwentuhan. I even told him about what happened last night. Mula sa pag-alis niya kahapon hanggang sa pagsisinungaling ni Grim na uuwi raw before lunch, na hindi naman nangyari.

Pero sa lahat ng pagkukwento ko ay nakikinig lang ito. Hindi man lang ginatungan na dapat lalo akong magalit dahil nagutom ako. Kainis!

"Bilisan mo nalang mag-apply." anito saka ako kinindatan bago makababa sa sasakyan niya. Sa pagkakaalam ko ay may mas maganda itong sasakyan. Bakit itong luma niyang pickup ang ginamit? Mukang karag-karag.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Over AgainWhere stories live. Discover now