PROLOGUE

42 14 6
                                    

Shete kalabaw! Kaasar naman toh si mama oh. Hindi man lang ako ginising. Monday pa naman ngayon may flag ceremony bawal ma late ngayon. Paano ba naman kasi ako di mahuhuli ng gising tinapos ko yung report namin kay Ms. Sambrano, napaka sungit pa naman non. Palibhasa tumandang dalaga.

Naligo na agad ako, nag-ayos ng konti nag lagay ng lip gloss at kung ano ano. Bumaba na ako agad. Pag kababa ko binati ko agad si mama.

"Mama good morning po!" Masaya kong bati sa kanya.

"Good morning baby, o kumain ka na ng breakfast." Masaya sabi sa akin ni mama.

"Opo mama." Mabilis lang ako kumain dahil late na ako. Lagot ako neto. Bigla tumunog yung cellphone ko may nag text.

From: Bestfriend kong masungit

Yah! Asan ka na malalate na tayo!

Ay oo nga pala usapan pala namin susunduin nya ako. Bakit ko ba nakalimutan yon. Hindi na ako nakapag paalam kay mama sa sobrang pag mamadali. Iba magalit tong si Zico jusko. Pag nagalit pa naman toh ang hirao suyuin.

"Ang tagal mo naman eith!" Sabi nito sabay pout nya arghh ano ba naman toh ang cute nya lalo e.

"Sorry na zic e. Na late ako ng gising." Paliwanag ko.

"Okay!" Aba sya pa may gana magalit e sya nga may dahilan kung bakit ako puyat.

"Oy! Lalaki! Ano ikaw pa galit ha? Sino ba sa atin di sumipot kagabi ha?" Pag tataray kong sabi sa kanya.

"Sorry! Alam mo naman may date ako e." Aba date pala ha uunahin nya pa yung date kesa sa report nya.

"Sino? Si Zoey ba ka date mo?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi, sakay na nga baka ma detention pa tayo e." Pag mamaktol nya napaka bata talaga. Sabagay imposible naman si zoey e araw-araw may ka date toh playboy kasi e. Kahit playboy naman sya mahal ko sya bilang kaibigan.

Nakarating na din kami ng school. Bumaba na agad ako at pag kababa namin dumating si Selene. Si selene yung girlfriend lagi naka buntot sa kanya. E sa pag kakaalam ko pinag lalaruan lang din sya ni Zico well good luck nalang. May the best woman win.

"Ahmm zico una na ako ha!" Pag papaalam ko ayoko makita yung girlfriend nya bruha nakaka irita kaya.

"Ah sige Eithne una ka na sunod nalang ako." Umalis na ako agad baka mapag-initan na naman ako ni selene e. Ayoko ng gulo.

Pumasok na ako ng room ayoko naman ng antayin si zico as usual late naman lagi ko kaya nga lagi napapagalitan ng mommy nya yon. Sabi ni tita bantayan ko daw si Zico pero yung anak nya makulit.

Pumunta na ako sa upuan ko sakto dumating na yung math teacher namin. Sa buong pag tuturo ni Ma'am wala ako naintindihan. Inaantok lang ako gusto ko matulog.

"Oy! Eithne, puyat ka na naman noh?" Tanong sa akin ng isa ko pang kaibigan na si Iris, Ang ganda nya ang laki pa ng hinaharap nya nakakahiya tuloy eto akin HAHAHAHAHAHHA.

"Oo eh tinapos ko kasi yung report sa history natin." Sabi ko.

"Huh? Tinapos mo na? E sa Aug 30 pa pasahan non ha diba." Ay oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan yon kaya pala nung sinabi ko yon tawa ng tawa si zico sa akin humanda talaga sa akin yon lalaki na yon.

"Oo nga pala, sorry nakalimutan ko pero ayos na yan atleast wala na ako proproblemahin diba syaka di rin pinaalala ni zico sa akin nasa Aug 30 pa pala." Baka kasi mamaya mag sabay sabay na naman lalo't graduating student kami. Panigurado marami ipapagawa.

Nag sulat nalang ako notes. Para kahit papaano may maisasagot ako pag nag pa quiz si ma'am. Asan na ba si Zico? Speaking of Zico nandyan na sya sa pintuan.

Buti naman natapos na yung Math namin. Narinig kong nag uusap yung mga kaklase ko wala daw yung next teacher namin dahil may emergency meeting daw. Okay may vacant kami. Bigla naman dumating si Zico pag kaalis ng teacher namin sa math tss. Pinatapos nya lang talaga yung math subject.

"Saan ka galing"? Tanong ko kay zico. Aba nakangisi ang gago.

"Bakit? Miss mo na ba yung gwapo ko mukha?" Pagbibiro nito hanggang ngayon bilid pa rin sya sa sarili nya. Totoo naman kasi gwapo sya almost perfect na sya guy kaso babaero lang sya. Ayon lang.

"Hindi noh! May itatanong ako sayo bwisit!" Kasalanan nya kaya kung pinaalala nya yon hindi ako puyat masisira beauty ko sa kanya.

"Ano? Kung bakit sobrang gwapo ko? Hindi ko rin alam." Sabay ngisi nito ako napipikon na ako sa kanya.

"Hindi yon, bakit di mo pinaalala sa Aug 30 pa pala pasahan ng report?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"Ano hindi sinabi ko sayo yon, nag text pa nga ako e."

Tinext nya ako non? Agad ko naman kinuha yung cellphone ko. Oo nag text nga sya hindi ko siguro nabasa hays. Ano ba yan Eithne.

"Ay sorry di ko nabasa." Napayuko nalang ako nakakahiya inaway ko pa sya. Ano ba ginagawa mo Eithne.

"Ayos lang yon, basta libre mo ako recess ha?" Sabi nito sabay ngiti.

"Oo naman! Ngayon na kita ilibre wala naman teacher ngayon e." Pag-aaya ko sa kanya.

Habang nasa canteen kami at kumakain sya ng paborito nya footlong. Bigla dumating yung si selene hay nako ang bruha nandito na naman.

"Baby, hangout tayo mamaya." Pagyayaya ni selene nag puppy eyes pa sya.

"Baby may klase diba?" Sabi naman ni zico.

"Ano ka ba baby,halfday lang daw ngayon dahil may emergency meeting ata about sa booth." Ano halfday lang ano ba yan sana di nalang pala ako pumasok.

"Sige baby, Eithne sama ka sa amin mamaya?" Pag aaya sa akin ni zico.

"Ah hindi na kailangan ko rin mag pahinga e. Syaka kailangan ko rin mag review sa math." Palusot ko halata naman na ayaw ako kasama ni selene. Syaka ayoko maging third wheel sa kanila.

"Ahh sige next time nalang tayo Eithne." Sabi ni zico.

"Sige. Alis na ako baka hinahanap din ako ni iris e." Agad naman ako umalis kaasar talaga si selene.

Pumunta ako ng room wala na si Iris don nag text naman ako kay iris kung nasaan sya."

To; Iris

Best? Asan ka? Mall tayo.

From; Iris

Nasa bahay na ako best pero sige tara mag mall tayo.

Ayon pumayag si iris uuwi na ako kasi sa mall nalang kami mag kikita. Habang nag lalakad ako sa corridor bigla may bumangga sa akin.

Ouch......

Until The End (On- Going)Where stories live. Discover now