CHAPTER 8

10 6 0
                                    

SELENE POVS

"You know selene you are just wasting our time." Sabi sa akin ni Zico at nag lakad na sya palayo.

Napahiya lang ako ng dahil sa Eithne na yan ang landi talaga pati si Zico nilalandi, di pa ba sya masaya kay Cade.

Bumalik nalang ako sa mga kaibigan ko.

"Selene why did you come back? I thought Zico was with you?" Tanong sa akin ni Jeneth

"No, mas sinamahan nya pa yung Eithne na yon kesa sa akin na fiancee nya." Sabi ko.

"Aw kawawa ka naman biruin mo mas pinili pa yung kaibigan kesa sa fiancee." Sabi ni Jeneth.

Tumawa lang naman sila Nica at Michelle bigla nag salit si Michelle.

"Sabagay mas pipiliin nya sumama kay Eithne kasi force arranged marriage ang nangyari diba Selene?" Sabay tawa nya.

"I said shut up!" Sabi ko umalis na ako don nakakaasar sila, humanda ka talaga sa akin  bukas Eithne.

EITHNE POVS

Naglalakad-lalad pa rin kami ang tahimik ng dalawa lalo na si Cade.

"Mag lalakad-lakad nalang ba tayo?" Tanong ni Cade.

"Ah hindi tara na mag hanap na tayo ng store na pwede pag bilhan." Sabi ko.

Sa hindi naman katalagan nakahanap kami ng store na mabibilhan para sa Horror Booth na gagawin namin. Dahil malaki-laki yung booth namin marami kami materials na bibilhin.

Bumili kami ng mga fake candles lang syaka Spider Webs at marami pa sa hardware nalang kami bibili ng ibang mga kulang.

"Uuwi na tayo?" Tanong ni Cade.

"Ah oo." Sabi ko.

"Mamay nalang tayo umuwi ang aga pa kaya 3:30 palang oh." Sabi ni Cade.

"Hindi si Zico kasi baka mabinat." Pag dadahilan ko.

"Hindi kaya ko, tara kumain na muna tayo." Pag aayaya ni Zico lumapit naman ako kay Zico para kausapin sya.

"Hoy, kaya mo ba talaga?" Tanong ko.

"Ano ba sabi ko? Diba kaya ko." Sabi nya.

"Nag tanong ka pa ikaw din naman pala sasagot." Sabi ko sa kanya.

"Tara na guys." Sabi ni Cade.

Lumapit naman na kami sa kanya at umakbay sya sa balikat ko na parang bata.

"Ahmm Cade." Sabi ko sa kanya.

"Ay sorry." Sabi nya sabay tanggal ng kamay nya.

"Ah ayos lang yon." Sabi ko kay Cade.

Nag hahanap na lang kami ng kakainan, sa gitna ng pag hahanap namin bigla ako naramdam ng lamig kasi naman bakit ako nag up shoulder. Lamig na lamig na ako hanggang sa makarating kami sa kakainan namin at nag hanap na ng pwesto.

Nang makaupo na kami napansin ni Zico at Cade na nilalamig ako.

"Nilalamig ka ba?" Tanong ni Cade.

Mag sasalita na sana ako kaso bigla hinubad ni Zico yung Demin Jacket nya at pinasuot nya sa akin.

"Wear it first but make sure that next time we come here you will not be wearing that." Sabi sa akin ni Zico napanganga naman ako sa sinabi nya.

Ang tahimik lang namin tatlo ganto talaga pag akward e. Sa susunod talaga hindi na ganto, na istress ako sa dalawang toh kanina pa masama tingin sa isa't-isa.

Until The End (On- Going)Where stories live. Discover now