CHAPTER 5

25 13 6
                                    

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Pag kakita ko ay 8:10 na pala napag isipan ko na maligo at mag ayos na para makababa na ako at kumain. Pag kababa ko hindi ko nakita si mommy sa lamesa yung magaling ko lang tatay yung nandun.

"Yaya? Asan si mommy?" Tanong ko kay yaya.

"Ay hija. Wala ang mommy mo may emergency meeting daw kaya maaga umalis." Sabi sa akin ni yaya.

"Ah ganon po ba sige po." Umupo na ako sa lamesa wala ako choice kailangan ko kumain kasi hindi ako nag hapunan kagabi sa sobrang pagod ko. Titiisin ko nalang makita tong magaling ko tatay.

Kumain na ako agad. Binilisan ko lang yung pag kain ko para makaalis agad ako. Natapos naman ako agad.

"Yaya, aalis na ako." Sabi ko.

"Ay sige hija ingat ka." Sabi sa akin ni yaya.

Habang palabas na ako ng bahay, nakasunod pala eto magaling kong tatay sa akin. Bigla sya nag salita kaya huminto ako.

"Anak, ihatid na kita." Sabi nito.

Ang galing nya naman tawagin pa ako anak after all this time nakatawa sya.

"Hindi na. Papahatid nalang ako kay manong." Sabi ko habang nakatalikod lumabas na ako agad ng bahay.

"Ma'am, ngayon nalang po kayo nag pahatid sa akin ha." Sabi ni manong.

Nginitian ko nalang si manong. Kasi laging si Zico yung nag susundo at hahatid sa akin. Kaya hindi na ako nag papahatid at sundo. Sumakay nalang ako ng kotse.

Habang nasa sasakyan ako bigla tumunog yung cellphone ko.

From. Cade

Pls Eithne huli na toh huling hiling ko nalang sayo sana mapag bigyan mo ako.

Ano na naman ba toh ayaw nya talaga ako tigilan syaka ano hiling. Nakakasawa na sya. Ang aga aga pa lang sirang sira na ang araw ko. Ganon ba ako kamalas. Habang nakatingin lang ako sa bintana bigla nag salita si manong.

"Ma'am mukha malalim ang iniisip nyo ha." Sabi sa akin ni manong.

"Ah wala yon manong." Sakto naman na nandito na kami sa tapat ng gate

"Ma'am nandito na tayo, susunduin ko po ba kayo mamaya?" Tanong sa akin ni manong.

"Ah mag tetext nalang ako sige una na ako manong." Agad na ako bumaba ng kotse. At nag lakad ng campus. As usual ganon pa rin may mga estudyante nag chichikahan.

Habang nag lalakad ako bigla may humatak ng kamay ko. Hinatak ako papuntang rooftop.

"Ano ba Cade, ang kulit mo naman di mo ba ako tatantanan ha?!!" Sigaw ko sa kanya.

"Gusto ko lang naman tanungin sayo kung buo na na talaga yung desisyon mo?" Sabi nya.

"Cade matagal na kita kinalimutan at matagal ng buo yung desisyon ko tanggapin mo nalang yon."

"Okay, pero pwede ba tayo maging kaibigan nalang?" Tanong nito sa akin.

Huh? Magkaibigan daw, Ayos lang naman sa akin yon kaso baka ma-issue kami.

"H-huh? Mag kaibigan?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo ba? Siguro di ka pa nakaka move on noh?" Paasar nya sabi.

"Anong hindi, assuming ka? Tagal ko ng naka move on sayo bwisit ka." Sabi ko sa kanya.

"So ano nga?" Tanong nya sa akin.

Until The End (On- Going)Where stories live. Discover now