CHAPTER 9

13 7 0
                                    

ZICO POVS

Nagising nalang ako sa ingay ng dalawa kong kasama, akala ko si Eithne at si Cade yung nag babantay sa akin yun pala yung dalawa kong kaibigan na mokong.

"Ang ingay nyo naman." Sabi ko sa kanila

"Gising ka na pala." Sabi ni mark

"Bakit kayo dalawa nag babantay sa akin? Nasaan si Eithne?" Tanong ko sa kanila dalawa.

"Umuwi na si Eithne kagabi pa hinatid na sya ni Cade." Sabi sa akin ni mark.

"Kaya mo na ba?" Tanong ni Clark.

"Oo, bakit?" Tanong ko naman.

"Kasi papasok na kami." Sabi nya.

"Ulol 1 pa pasok natin mang chicks lang kayo." Sabi ko sa kanila dalawa.

Tumawa lang silang dalawa nag salita naman na si mark para mag paalam.

"Oh paano aalis na kami ha." Sabi nya

"Antayin nyo ako sasabay na ako sa inyo." Sabi ko naman sa kanila dalawa.

"Huh? Kaya mo ba?" Tanong nila.

"Oo nga dyan na muna kayo mag papalit lang ako." Sabi nilang dalawa.

"Kaya mo talaga? Sabi ng doctor mag pahinga ka lang daw." Sabi nila dalawa sa akin.

"Hayaan nyo na magaling na ako antayin nyo na ako." Sabi ko sa kanila dalawa.

EITHNE POVS

Late na ako nagising kasi half day lang naman yung klase namin tapos mag aayos lang naman kami para sa booth sa wednesday, ayoko nga pumasok ngayon dahil gusto ko lang mag pahinga kaso hindi pwede si Cade lang ang gagawa non.

Tinignan ko yung wall clock ko 9:30 na napag disisyonan ko na ma ligo na para makapag ayos na ako. Pag katapos ko mag-ayos bumaba na agad ako para makapag almusal na.

"Good morning mommy." Ang sabi ko kay mommy.

"Good morning baby, kumain ka na dito." Pag aayayaya sa akin ni mommy.

"Opo." Sabi ko.

"Kamusta naman na si Zico?" Tanong sa akin ng tatay kong magaling.

"Ayos naman na sya." Sabi ko.

"Bakit ba nag collapse si Zico?" Tanong sa akin ni mommy.

"Sobrang pagod po nabinat sya." Sabi ko.

"Ganon ba, sige tapusin mo na yan pagkain mo." Sabi sa akin ni mommy.

Ngumiti nalang ako akala ko itatanong sa akin ni mommy kung sino yung naghatid sa akin kagabi, hindi ko pa kasi nakwekwento sa kanya yung tungkol sa amin ni Cade.

"Mommy tapos na po ako." Sabi ko sa kanya.

"Ah ganon ba anak, maaga pa aalis ka na?" Tanong nito sa akin.

"Opo mom, pupuntahan ko pa si Zico e." Sabi ko sa kanya at nag beso na ako paalis.

Hindi ko pa rin kinikibo yung tatay ko ayoko makipag plastikan sa kanya. Sumakay na agad ako sa kotse.

"Manong daan po muna tayo sa ospital." Sabi ko.

"Sige po." Sabi naman nito kaya niliko na nya yung kotse.

Iniisip ko pa rin kung paano gagawin ko sa sabado kasi uuwi si kuya hindi rin sila okay ni Cade. Ang hirap ng naiipit sa ganto sitwasyon.

Nakarating na kami ng ospital bumaba na ako sa kotse at pumasok na ako sa loob.

Until The End (On- Going)Where stories live. Discover now