CHAPTER 6

25 11 1
                                    

EITHNE POVS

Nagising ako dahil sa isang boses may tumawag sa akin, napansin ko agad si Zico giniginaw sya balot na balot sya ng kumot agad ako lumapit para kapain sya.

"Ang taas ng lagnat mo ha." Sabi ko sa kanya.

"Wag mo ako iwan Eithne please." Nauutal na sabi sa akim ni Zico.

"Oo, hindi kita iiwanan, teka lang kukuha lang ako ng malamig na tubig syaka gamot mo dyan ka lang ha." Sabi ko kay Zico, tinignan ko yung wall clock ni Zico 4 am palang.

Bumaba ako at agad. At pumunta ng kusina ang aga pa pero gising na yung mga katulong buti nalang may kilala ako dito, si Lola Becca matanda na sya mga bata pa lang kami ni Zico nandito na sya.

"Oh Eithne nandito ka pala." Sabi sa akin ni lola Becca

"Ah opo e si Zico kasi hinatid ko po kagabi." Sabi ko

"Bakit lasing na naman ba si Zico?" Tanong nito.

"Opo lasing na lasing po kaya hindi rin ako nakauwi." Sabi ko kay Lola Becca

"Kaya naman pala, oh sya ano pala kailangan mo?" Tanong nito.

"Ah kasi po si Zico ang taas ng lagnat kailangan nya po ng pamunas syaka gamot."

"Ah sige hija ihahatid na lang namin sa kwarto ni Sir, ikaw ba ang mag-aalalaga sa kanya?" Tanong ni Lola Becca.

"Ah opo e, no choice ako, sige po akyat na ako."

Umalis na ako ng kusina at bumalik sa kwarto ni Zico pag kabalik ko nakita ko si Zico nakaupo sa kama nya at ang sama ng tingin nya.

ZICO POVS

Ilang minuto nang bumaba si Eithne ang tagal nya ano na kaya ginawa ng babae yong tinakasan na siguro ako non.

Napaupo ako sa kama ko ang sakit ng ulo ko. Ang tagal naman ni Eithne. Bigla ako nakaramdam ng yabog ng mga paa si Eithne yon tumingin ako sa pinto at sinamaan sya ng tingin.

"Oh ano problema mo?" Tanong sa akin ni Eithne

"Bakit ang tagal mo ha at syaka nasaan na yung kinuha mo?" Pabalik kong tanong sa kanya.

"Si Lola Becca na daw mag dadala." Sabi nito.

"Tss, balak mo lang ako takasan e." Sabi ko sa kanya.

"Balak takasan, kung balak talaga kita takasan edi sana kagabi pa kita iniwana." Sabi nya sa akin.

"At syaka bakit ikaw pa eto galit, e ikaw nga yung may kasalanan sa akin."

"Ako? May kasalanan? Ano ginawa ko sayo ha?!" Sabi ko sa kanya.

"Hindi mo kaya ako pinapansin alam mo di ko alam kung may saltik ka ba o ano e." Sabi ni Eithne

"Ako pa may saltik sa atin ha? Sino kaya nakipag kaibigan sa ex nya nanakit sa kanya ng sobra ha?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw may sakit ka ba talaga o ano ha? Dami mong tanong parang wala ka naman sakit e." Tanong ko sa kanya.

"May sakit ako oh." Hinatak ko yung kamay nya inilagay sa leeg ko.

EITHNE POVS

Bigla hinatak ni Zico yung kamay ko papunta sa leeg nya. Oo nga ang init nya pa rin. Natahimik kami dalawa ni Zico, ilang minuto pa ang lumipas bigla may kumatok sa pintuan ni Zico, tumayo ako at binuksan ang pinto si Lola Becca dala yung pamunas kay Zico syaka gamot.

Until The End (On- Going)Where stories live. Discover now