CHAPTER 1

29 15 5
                                    

Ouch........

"Miss sorry." Pamilyar sa akin yung boses ha. Tumayo na ako at nakita ko sya.

"Eithne?" Sabi nya sa akin anak ng teteng ex ko pa talaga makakabungo sa akin.

"Cade? O kamusta ka na nakauwi ka na pala." Sabay ngiti.

"Oo. Kakauwi ko lang galing france. Okay lang naman ako ikaw?" Tanong nya sa akin.

"Ahh eto ayos lang naman. Ahmm sige aalis na ako baka kasi mahuli ako sa usapan namin ni iris e. Bye" Sabi ko at umalis na ako agad ayoko ko sya makausap.

Habang nag lalakad ako bigla tumawag si Iris.

"Bes hindi na ako makakapunta may emergency sa bahay e. Sorry talaga.

"Hindi bes ayos lang sige.

Nag patuloy ako sa pag lalakad habang nag lalakad bigla ko naalala kung paano ako nakipaghiwalay sa akin si Cade.

FLASHBACK

"Eithne may sasabihin ako sayo." Sabi ni Cade halatang kabado sya ano ba nangyayari sa kanya.

"Babe ano yon?" Sabi ko sa kanya.

"Eith, I'm breaking up with you." Parang gumuho yung mundo ko nung sinabi nya yon.

"Why are you breaking up with me? is there a problem?" Sabi ko nag tataka ako.

"Wala naman problema." Sabi nya.

"Eh wala naman pala bakit ka nakikipaghiwalay?? Tanong ko sa kanya umiiyak na ako.

"Kasi hindi na ako masaya Eithne, ayoko na hindi na kita mahal!" Umalis na sya naiwan ako humahagulgol hinabol ko sya.

"Cade please pag usapan natin toh wag naman ganto diba sabi mo mahal mo ako wag mo naman itapon yung 2 taon natin pag sasama. Please cade wag mo ako iwanan." Lumuhod ako cade non pero wala iniwanan nya pa rin ako.

Sabay ng pag agos ng luha sa mga mata ko. Sabay bagsak ng malakas na ulan. Nandun pa rin ako umiiyak pa rin ako. Halos mag kakalahati oras na ako don. Wala ako pake kung mag kasakit ako.

Bigla may kotse huminto sa akin. Pinayungan nya ako.

"Tumayo ka na dyan." Inangat ko yung ulo ko at nakita ko si Zico yung bestfriend ko.

"Ayoko! Hayaan mo muna ako mapag-isa Zico please." Sabi ko habang umiiyak pa rin.

"Hindi! Bestfriend kita ayoko nakikita ka nagiging ganyan." Bigla nya ako binuhat at sinakay sa kotse nya.

"Nakipaghiwalay na sya." Sabi ko kay zico habang umiiyak pa rin.

"Alam ko." Ang lamig ng boses nya halata galit sya kahit wala sa itsura nya.

"Sorry." Sabi ko sa kanya.

"Wag ka mag sorry sa akin. O inumin mo yan baka mag kasakit ka pa." Binigay nya sa akin yung gamot.

"Salamat ha, teka paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko sa kanya.

"Sinundan ko kayo. Kasi ang lakas ng kutob ko na nakikipaghiwalay yung mokong na yon sayo. Tama nga ang hinala ko."

Nginitian ko nalang sya. Nag drive na sya habang nag dadrive sya di ko na malayan na nakatulog na ako.

"Gising na eith." Sabi nya nagising naman ako agad.

"Ah nandito na pala ako. Salamat zico ha." Nginitan ko sya.

"Wala yon. Sige na mag pahinga ka na." Sabi nya sa akin.

Until The End (On- Going)Where stories live. Discover now