CHAPTER 4

18 14 16
                                    

EITHNE POVS

Inantay ko makaalis si Zico, bago ako pumasok sa loob. Bumalik ako sa Dining Area para ligpitin yung pinag kainan namin. Pag katapos ko ligpitin umakyat na ako sa taas at nag palit ng pambahay.

Humiga lang ako sa kama ko wala pa ako kalahati minuto nakahiga, may nag text na sa akin.

From: Cade.

Ano Eithne nakapag disisyon ka na ba?

Tanong nito sa text. Wala pa ako disisyon no hindi ko alam kung ano irereply ko kay Cade. Naguguluhan ako. Hindi pa ako nakakapag reply bigla nag text na naman si Cade.

From: Cade

Mag aantay ako sa dati natin tambayan.

Napaupo nalang ako. Naguguluhan ako hindi ko alam ang nararamdaman ko. Naka move on na ako pero bakit ganto yung nararamdaman ko bumalik lahat ng sakit.

Napagdisisyonan ko na pumunta para matapos na toh sawang-sawa na ako pag tabuyan si Cade at murahin sa isip ko.

Tumayo na ako kama ko at naligo. Nag ayos din ako ng konti. Kung ano man ang mangyayari ngayon alam kong makakabuti parehas sa amin ni Cade yon. Hindi na ako nag paalam kay Zico dahil alam kong sasamahan nya ako. Ayoko ng gulo kaya mas mabuti kung kami dalawa lang.

Umalis na ako ng bahay nag paalam ako kay yaya.

"Yaya, Pag hinanap ako ni mama pakisabi may pinuntuhan lang ako." Sabi ko sa kanya.

"Sige Eithne mag iingat ka ha." Sabi sa akin ni yaya.

"Opo yaya una na ako." Paalam ko sa kanya at umalis na ako.

ZICO POVS

Nakarating na ako sa bahay, Pinark ko yung kotse ko sa labas. Halata may bisita kami dahil may kotse naka park dito sa tapat ng gate namin. Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob.

"Oh Kyle nandito ka na pala." Bati sa akin ni mommy.

"Yes mom, bakit mo ako pinauwi?" Tanong ko sa kanya.

"Papakilala kita sa mga business partners natin." Sabi sa akin ni mommy sinundan ko lang sya sa.

"Okay Mr. And Mrs. Yu, This is my son Zico." Pag papakilala sa akin ni mommy, Yu yung apeliydo nila hindi kaya sila yung parents ni Selene.

"Hello Zico." Bati sa akin ni Mr. Yu

"Hello, Mr. Yu." Bati ko sa kanya.

Naupo na kami at nag uusap sila about sa business, gusto kong umalis kayo nahihiya ako sa mga bisita ni mama kaya hahanap ng lang ako tyempo.

CADE POVS

Nandito na ako sa usapan namin ni Eithne, wala pa rin sya reply. Hindi ko alam kung pupunta ba sya o hindi. Kinakabahan din ako dahil baka di maniwala si Eithne sa mga sasabihin ko. Umupo nalang ako sa tabi ang pinagmamasdan ang langit.

Habang pinagmamasdan ko ang langit bigla kong naalala yung masasaya araw namin ni Eithne dito. Totoo nga ang sabi nila nasa huli ang pag sisisi. Pero gagawin ko ang lahat para bumalik si Eithne.

Bigla ako natauhan dahil may tumawag sa akin.

"Cade." Sabi ni Eithne.

"Eithne, dumating ka, kain muna tayo?" Sabi ko sa kanya sabay ngiti.

"Hindi na kumain na ako, Ano pala yung gusto mong sabihin?" Tanong sa akin ni Eithne.

"Ah ano kasi Eithne gusto ko sana mag sorry sa ginawa ko dati." Sabi ko sa kanya napayuko ako dahil nahihiya ako sa kanya sa mga ginawa ko.

Until The End (On- Going)Where stories live. Discover now