4. Housemate

8 1 0
                                    

RHYGEL

"Your voice was the soundtrack of my summer. Do you know you're unlike any other? You'll always be my thunder and I said."

My precious sleep was disturbed because someone with an ugly voice is singing very loudly.

"Your eyes are the brightest of all the colors. I don't wanna ever love another. You'll always be my thunder."

Anak ng! Thunder nga talaga. Ang sakit sa tenga ng boses niya. I covered my ears with pillows hoping that I won't hear it again.

"So bring on the rain. Bring on the thunder."

Pero mukhang wala itong balak huminto sa pagkanta. Kahit tinakpan ko na ng unan ang tenga ko ay rinig na rinig ko pa rin ang mala-kulog niyang boses.

This person is insane! Sinong matinong tao ang mambubulabog ng tulog sa pamamagitan ng pagkanta? Actually, this person is not singing. He is screaming. Magka-iba ang pagkanta at pagsigaw.

I like Boys Like Girls, but I hate whoever is ruining their song. Makakatikim sa akin ang isang 'to.

Inis akong bumangon sa kama para hanapin ang bwisit na taong sumira ng tulog ko. I slept late last night dahil napasarap ang kwentohan namin ni uncle. We had some catching up. Puyat ako kaya gusto ko nang mahabahabang tulog.

Paglabas ko ng kuwarto ay kaagad akong bumaba sa sala. Walang tao. I saw the time on the clock. Alas siyete pa lang ng umaga. Mas matagal pa sana ang tulog ko. Damn it!

I heard the ugly voice again and it's coming from the kitchen. Feel na feel nito ang pagkanta. Anong akala niya? Nasa concert siya?

I listened attentively. The voice is not familiar. Hindi naman siguro si uncle 'to. I don't even know if the dude likes singing, but I'm pretty sure that it's not him.

I rushed to the kitchen and there I saw the owner of the ugly voice. Nakatalikod ito at mukhang abala sa pagpiprito.

Who is this? May nakapasok bang intruder sa bahay? Sa pagkakaalam ko ay dalawa lang kami ni uncle dito since naka-day off ang mga maids niya every sunday. Nag-orient din kasi siya kagabi ng tungkol sa mga rules and rountines dito sa bahay niya.

Rules are nothing to me, ok? Ayoko lang malintikan kay mom kaya kunwari ay nakinig ako kay uncle.

Nakatayo na ako sa likod niya pero mukhang hindi niya namalayan ang pagdating ko.

"Kindly stop singing. Ang pangit ng boses mo. Nakakasira ka ng tulog."

The person ignored me. How dare him! Bingi ba siya? Mas linakasan ko pa ang boses ko para marinig niya.

"I said stop singing! Ang sakit sa tenga ng boses mo!"

My voice boomed pero hindi pa rin ako pinansin nito. Sa sobrang inis ko ay lumapit ako sa kanya.

"Hindi mo ba ako naririnig? Alam mo bang sinira mo ang tulog ko?"

Isa sa pinaka-ayaw ko ay ang sinisira ang tulog ko pero mas ayaw kong hindi ako sinasagot ng taong kausap ko.

Nagdilim ang paningin ko. Nobody would dare to do such thing to me. I'm Rhygel Dela Rosa and once I talk, your attention must be on me.

Malilintikan talaga sa akin 'to. I'm about to choke this person to death nang bigla itong humarap sa akin.

Nakasuot pala ito ng airpods. The volume is in full blast kaya hindi niya ako naririnig.

We both gave each other a surprised look. Nauna siyang nakabawi at sa gulat niya ay pinaghahampas niya sa akin ang hawak niyang frying tongs.

Hell Section 2.0Where stories live. Discover now