11. You Don't Know Me

4 0 0
                                    

RHYGEL

My car arrived yesterday. I had to do some negotations with my mom just to get it.

I had to let go of my other car. Nalaman kasi ni mom na kalahati na lang ang laman ng savings ko. She will sell my second car and will put the money back to my savings. She even warned me not to touch it without her permission.

Kahit masakit dahil mahal na mahal ko ang mga sasakyan ko ay wala naman akong magagawa. She's the boss.

The only bright side is that I can go wherever I want. Hindi na rin ako kailangang ihatid at sunduin ni uncle.

Sakto lang ang pagdating ko sa school dahil may labinlimang minuto pa bago ang first subject namin.

Ang mga boys ng hell section, kagaya ng dati, ay may kanya-kanya na namang inaatupag.

The boys beside me are busy chatting. They're talking about the party last saturday and the seventh member of the devil's circle.

Wala akong ganang makinig ngayon. Honestly, I lost interest. I'm now more interested in getting into that circle. That is my goal and I need to achieve it no matter what.

"Guys! Napadaan ako sa administration office kanina. Mukhang may transferee na naman. Sa 10-D siya kasi nakita ko rin si Sir Henz."

At 'yon na nga ang nakakuha ng atensyon ko. Sino kaya 'yong bagong dating? Mabuti naman at may kasama ako.

When the bell rang, the devil's circle entered the classroom.

Nagtaka ako dahil wala namang nadagdag sa kanila. Nasaan iyong bagong member?

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang adviser naming si Sir Henz.

"Good morning boys. I know you already heard about this, so let me introduce to you your new classmate."

Bumukas ang pinto at pumasok ang sinasabi ni Sir na bago naming kaklase.

Natulala ako nang humarap siya sa amin. Kumurap-kurap pa ako dahil baka nagkamali lang ako.

But I'm not mistaken. It's really him!

Sa sobrang pagkagulat ay napatayo ako ng upoan at napasigaw.

"Anong ginagawa mo dito Boy Kulog?!"

***

The suprise of the day did not end after I found out that Roni is our new classmate.

The second surprise came with a bang. Blaze formally announced in class that he is also the seventh member of the devil's circle.

Sa aming lahat ay ako lang ang labis na nabigla. Pinagtawanan pa nila 'yong naging reaksyon ko kanina.

Paano ba naman kasi, umakto siyang hindi kami magkakilala.

I was offended. I know. We are not close. We don't get along well. Pero kilala niya ako at sa isang bahay lang kami nakatira.

Buong araw ay hindi niya ako pinansin. Ni hindi man lang niya ako tinaponan ng tingin.

Don't get me wrong. I'm not thristy of his attention. Gusto ko lang talagang marinig ang paliwanag niya. Does uncle Ace know about this?

Hell Section 2.0Where stories live. Discover now