14. Payback Time

2 0 0
                                    

RHYGEL

Pasipol-sipol ako habang nagmamaneho papunta ng school. Nasa talyer pa ang kotse ko kaya hiniram ko muna 'tong kay Uncle Ace.

Lagot ako kapag nalaman 'to ni mom. I'm crossing my fingers that uncle wouldn't slip his tongue.

Posted.

Napasuntok ako sa hangin ng mabasa ko ang text ni Jacob. The best talaga ang tukmol na 'yon. Mukhang magpapainom na naman ako nito.

Binilisan ko na ang pagmamaneho dahil gusto ko nang makarating agad sa PHS.

This is it.

"It's payback time."

***

UNO

"Ano?!"

Para akong nahulogan ng bomba sa nalaman ko.

Damon called us here in the Lucifer lounge dahil mayroon daw problema. Hindi ko naman akalain na ako pala ang may problema.

"Can we ask the admin to remove that post?" tanong ni Scott.

Nalaman ko kay Damon na mayroong article na napost sa aming school website. Ang article ay tungkol sa akin.

Hindi ko na ito kailangang basahin dahil base sa mga reaksyon nila ay hindi maganda ang laman nito.

"Nabura na. The website was hacked. Hindi daw sila ang nagpost ng article." sagot ni Blaze.

Kahit nabura na, alam kong marami nang nakakita at nakabasa nito.

Kung ako lang ang masisira ay ayos lang pero kung pati pamilya ko ay madadamay baka makapatay ako.

"Sino naman ang gagawa nito? I mean that was a very aggressive move. It's below the belt." sabi ni Bullet.

Maging ako ay walang ideya. Sa aming lahat ay ako ang pinaka-takaw gulo. Kahit sino ay pinapatulan ko. Sa dami ng mga nakaaway at nakabangga ko ay hindi ko na alam kung sino ang ituturo.

"The damage has been done. The only thing that we can do now is damage control."

Tama si Damon. Takot naman silang lahat sa akin, sa amin, kaya wala ring kuwenta ang post na 'yon.

Whoever did this must hide now. Huwag na huwag lang siyang magpapahuli sa akin.

***

RHYGEL

He's acting like it's nothing to him. Kaya naman dito sa classroom ay siya pa rin ang number one na pabida. Pero hindi niya alam na kanina ay siya ang pinag-uusapan ng lahat.

"What? Individual 'yong project? Seryoso ka ba?" pansisindak niya sa teacher namin.

Napalunok ito sa takot at napapunas ng pawis. Sa kanilang pito ay si Uno ang pinaka-mahilig mangpower trip. Kung hindi estudyante ay mga guro ang ginagawa niyang target sa kagagohan niya.

Hell Section 2.0Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα