10. Condition

3 0 0
                                    

RONI

Tapos na ang party pero nandito pa rin kami sa bar ni Scott.

Kahit papaano ay natanggal na rin 'yong kaba ko.

When Blaze is about to introduce me, doubts rushed like waves in my head.

Muntikan na akong umurong kanina. Mabuti na lang at mas tumatak sa isip ko ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon at kung bakit ko ginagawa ito.

"Sa lunes ka na papasok sa PHS?" tanong ni Ice. Tumango ako bilang sagot.

My transfer to PHS is a sudden decision. Last month pa sana ako lilipat pero may mga inayos pa kami ni Damon. Good thing the boys have connections. Iba rin talaga kapag galing ka sa kilalang pamilya. Power and influence can make impossible things possible.

"Are you staying on your tito's house or are you planning to get your own place?" tanong naman ni Scott.

Pinag-isipan ko na ito. Sa bahay ni Tito Ace ako titira. It's the only choice that I have.

Wala din naman akong ibang mapupuntahan dahil wala akong pera. Hindi ko ginagalaw ang allowance na binibigay sa akin ni dad. I have my own money, but I only intend to use it for important things.

"I'm sober now. Kaya ko nang magdrive pauwi. Una na ako guys!" paalam ni Bullet.

Pagka-alis niya ay sumunod na rin ang iba. Kami na lang ni Damon ang naiwan. Pinagpatuloy namin ang pag-uusap.

"Did you talk to your tito about this?"

Telling Tito Ace about my decision is one of the hardest things I have done in my life. Noong una ay hindi ko alam kung paano ko ito ipapaliwanag sa kanya.

Uncle Ace and Axe are very close to me. Para ko na silang mga tatay. Sa tuwing nag-aaway kami ni dad at sa tuwing masama ang loob ko ay sila ang takbohan ko.

They know what kind of relationship I have with my dad. Kahit na madalas silang maipit sa problema namin ay lagi pa rin akong welcome sa bahay nila.

Having them is a great support system for me. Kahit papaano ay hindi ako nag-iisa.

I know that they deserve my honesty. Kaya kahit mahirap ay kina-usap ko na kanina si Uncle Ace tungkol dito.

He was dumbfounded. He couldn't believe it. Sinabi niyang pag-isipan ko muna ito nang mabuti. But I'm already decided. Wala na talagang atrasan.

In the end, Uncle Ace understood my reasons. Nakahinga ako nang maluwag. Para akong natanggalan ng tinik sa dibdib.

"I did and he understood." sagot ko.

Pagkatapos naming mag-usap ay si Damon na ang naghatid sa akin pauwi.

***

Nakahilata lang ako dito sa kama. Wala akong ganang bumangon at kumilos ngayon.

Kumatok na kanina si manang. Nagdahilan na lang akong masama ang pakiramdam ko.

The past few days were so stressful for me. I didn't even know how I was able to handle everything.

Katatapos lang kagabi ng isa sa mga problema ko. Ngayon ay mayroon na naman.

Uncle Ace met my dad and their other friends last night. Alam kong hindi lang ito basta drinking session. I know my dad very well.

Tito made a promise. Nangako siyang hindi niya sasabihin kay dad ang paglipat ko sa Patterson High School. Still, I'm restless. Kinakabahan ako na baka napag-usapan nila ito.

Hell Section 2.0Where stories live. Discover now