12. Outcast

2 0 0
                                    

RHYGEL

Pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na nakita si Roni. Nagkulong lang siya sa kuwarto. Hindi siya sumabay sa haponan kaya nag-akyat na lang ng pagkain si manang.

Nakapag-usap na rin kami ni uncle. He knew about Roni's transfer to PHS. Sinabi niya rin na kung desisyon niyang hindi ito ipaalam sa akin ay dapat ko itong respetohin.

Uncle has a point. I don't know him. We can't even call ourselves acquaintances. Basically, we're strangers to each other. Pangalan lang ang alam ko tungkol sa kanya.

I'm still not ok on how things had turned out. Pero bahala na. Masakit na ang ulo ko sa kaiisip.

***

Nauna siyang pumasok sa school gamit ang motorsiklo niya.

Hindi pa rin siya sumabay kumain kanina. Tindi rin ni Boy Kulog. Daig pa ang batang may tantrums.

When I entered our classroom, a cold water was splashed on my face. Gawa ito walang iba kundi ni Uno.

"Para mahimasmasan ka." sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

Nagtawanan naman ang mga kaklase namin. Nagmatigas ako at hindi pinansin ang ginawa niya. Instead, I wiped my face with a handkerchief.

Nagtungo ako sa upoan ko. Someone vandalized my desk. Kung ano-ano ang isinulat dito. Loser. Asshole. Dimwit. Stupid.

I'm starting to feel angry, but I composed myself. I will not give them the satisfaction.

Buong araw akong pinagtripan ni Uno.

Kanina sa may cafeteria ay sinadya niya akong bunggoin para matapon ang pagkain at inomin na nasa tray ko. Mabuti na lang at kaunti lang ang natapon sa damit ko.

During our Mathematics class, pieces of crumpled paper were thrown at me. Liningon ko ang pinanggagalingan ng mga ito at nakita kong kasali na pala ang iba kong mga kaklase sa kalokohan ni Uno.

While he is enjoying this childishness, the other members of the devil's circle are just watching us.

Our English teacher never came to our class after the group presentation. Ilang araw na rin ang dumaan pero hindi ko namalayang pinatawag si Uno sa disciplinary office.

At dahil wala kaming teacher ay nagmistulang zoo ang classroom. Napakagulo at napaka-ingay nila.

I want peace, so I decided to go somewhere else. Patayo pa lang ako nang dalawa sa mga kaklase ko ang humawak sa akin at dinala ako sa likoran.

Kailan ba magsasawa itong si Uno?

"Do you want to play Dela Rosa?" he said with a devilish grin.

Hawak pa rin ako ng mga bata niya.

"Maglaro? Ano ako? Bata?" sagot ko. Hindi ako masisindak ng ganito lang.

Pinalabas niya ang mga kaklase namin. Ako, siya at apat pang mga kasama niya ang naiwan.

Tinalian nila ako at pagkatapos ay binusalan sa bunganga para hindi makapag-salita.

"Natatakot ka na ba Dela Rosa?"

This is not scary at all. Patawa siya.

Dahil wala akong naging reaksyon ay kinaladkad nila ako at ikinulong sa loob ng cabinet.

Narinig ko ang tunog ng padlock. Pagkatapos ay iniwan na nila ako.

Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako natatakot. Hindi rin ako galit. Naiinis lang ako dahil cabinet ng mga panlinis ang kinalalagyan ko ngayon. Ang baho at ang init.

Hindi na rin ako umasang may maglalabas sa akin dito. Mukhang dito ako magpapalipas ng gabi.

I lost sense of time. Siguro ay mahigit dalawang oras na ako dito.

Walang ano-ano ay napansin kong may bumubukas ng cabinet. I have no idea who the person is.

Pagkabukas nito ay sumalubong sa akin ang blangkong mukha ni Roni.

Pinatayo niya ako. Kinalagan niya ako at tinanggal ang busal sa bunganga ko.

I didn't expect this. Bakit niya ako tinulongan?

"I did not came to save you. Pinalabas lang kita para makita mo ang regalo namin sa'yo."

Oo nga naman. Why would he save me? Lintik naman kasi Rhygel!

Lumabas na siya at iniwan ako.

I checked the time and it's already six in the evening. Hindi pa naman gaanong madilim sa labas.

Bumaba na ako papuntang parking lot. Gusto ko nang maligo. I feel sticky and itchy.

While I am walking towards the parking lot, I remembered that he said something about a gift.

Anong klaseng regalo 'yon?

Pagdating ko sa parking lot ay natameme ako.

The tires of my car were flat and worse the windshiled was broken.

Ang mas nagpa-init ng ulo ko ay ang salitang ini-spray nila sa hood nito.

OUTCAST

I can't believe I'm expriencing these things. Ako si Rhygel Dela Rosa. I'm invincible and untouchable. Hindi ako papayag na ganitohin lang nila basta-basta.

It's about time to show them what a Dela Rosa can do.

Ako naman ngayon ang maglalaro at sila ang paglalaruan ko.

#

Hell Section 2.0Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang