5. First Day

7 1 0
                                    

RHYGEL

First day ko ngayon sa Patterson High School. Nakakapanibago kasi ganado akong pumasok. The idea of going to a new school thrills me. New school, new life and of course, new trouble.

I usually hate going to school. School is nothing but a boring place. It's no fun. Because of its stupid rules, students are like caged animals. They control and restrict us.

You can't color or dye your hair. Dapat ay naka-proper haircut ka at laging naka-complete uniform. You can't have tattoos and piercings. Girls are not allowed to wear thick make up. Bawal ang magsuot ng maiiksi.

I don't get it. Ano bang kinalaman ng buhok at damit sa pag-aaral? School is supposed to be a place where students practice independence and exercise freedom. Unfortunately, it's the opposite. Freedom and independence are things that we cannot fully enjoy.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako para sabayan si uncle mag-breakfast.

Nadatnan ko siya sa may dining area at kung minamalas ka nga naman ay kasama niya ang lalaking ubod ng pangit ang boses.

"Umupo ka na at sabayan mo kami." yaya ni uncle sa akin.

Tinignan ko ang mga pagkain sa lamesa. Puro pang-heavy breakfast. Hotdog, egg, bacon, pancake and fried rice. Cereals lang kasi ako sa umaga.

"Uncle wala ba tayong cereals?"

"Tsk. Arte." Pasimpleng sabi ni Roni, a.k.a Boy Kulog sa akin. Ang aga-aga nambubwisit na naman ang isang ito. Ayokong masira ang araw ko kaya hindi ko na lang siya pinansin.

"Wala. Mamaya pa pupunta ng grocery si manang."

Dahil walang cereals ay nagpatimpla na lang ako ng kape kay manang. I noticed the bastard looking at me. Umiling-iling pa ito. What now? Sanay akong lahat ng bagay na kailangan ko ay inaabot sa akin. Laging may gumagawa ng mga 'yon para sa akin.

"Today's your first day, right? Ako ang maghahatid sa'yo. Matagal na rin iyong huling punta ko doon." Parang mas excited pa si uncle kaysa sa akin.

I almost forgot. PHS are my uncles' alma matter. I bet he knows a lot of things about the school. Makapagtanong nga sa kanya.

"Uncle marami bang mga bebot doon?"

Halos maibuga naman ni Roni ang iniinom niyang juice. Si uncle naman ay napakamot sa ulo.

"What?!" takang tanong ko sa kanila. I'm a typical guy and girls are eye-candies. Hindi naman siguro nakapagtatakang magtanong ako ng ganito.

"PHS is an all-boys school, idiot." sagot ni Roni sabay bato sa akin ng pandesal.

Hindi na ako nakaganti pa dahil biglang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.

"Aren't you aware? Teachers at employees lang ang mga babae doon. Lahat ng estudyante ay lalaki." dagdag ni uncle.

My excitement instantly faded. Umasa pa naman ako na pagkakagulohan ako ng mga chicks doon. Nakakawalang gana. Argh!

"Saang section ka naka-assign?" tanong ni uncle.

I opened my bag and brought out my notebook. Doon ko kasi nilagay 'yong enrollment form na binigay sa akin ni Miss Jasmin, mom's secretary.

"Sa section 10-D ako uncle."

Lumawak naman lalo ang ngiti ni uncle. Ewan ko ba. Minsan hindi ko talaga alam kong anong nasa utak niya.

After our quick breakfast ay naghanda na kami ni uncle papuntang PHS.

***

RONI

Hell Section 2.0Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα