16. Open Circle

3 0 0
                                    

RHYGEL

Ang sakit na ng tiyan ko sa kakatawa. Nagsawa na kasi ako sa kakapanood ng sci-fi, action at horror movies kaya naisip kong magshift sa comedy.

Nauhaw ako bigla kaya pumunta ako ng kusina para kumuha ng tubig.

Nahagip ng mata ko 'yong plastic bag sa ibabaw ng lamesa. Tatanongin ko sana kay manang kong kanino pero wala siya. Siguro naman ay para sa lahat 'to.

Lumapit ako para tignan kong ano ang laman. Sakto! Junkfoods. Kinuha ko agad 'yong favorite kong tortillos na red.

Bumalik ako sa family area at nanood ulit.

Grabe. Ang sarap talaga ng junkfood na 'to. The best! Halos mapuno na ang bibig ko sa sunod-sunod na subo ko.

Palunok na sana ako nang biglang sumugod sa akin si Boy Kulog.

"Bitawan mo 'yang tortillos ko unggoy ka!"

Aagawin na niya sa akin pero mabilis ko 'tong tinago sa may likod ko.

Hinding-hindi ko isusuko sa kanya ang tortillos ko!

"Tumigil ka nga! Sa'yo ba 'to?"

Ano bang problema ng gagong 'to? Makikipag-agawan pa talaga siya sa akin ng junkfood.

"That's mine! Pinabili ko 'yan kay manang."

He's very mad. Pinilit pa rin niyang agawin sa akin 'tong tortillos. Nagkalat na sa sahig ang mga throw pillows at kamuntik ko pang masagi 'yong antique vase dito sa may tabi ko dahil sa pag-aagawan namin.

"Damn it! Marami ka pa namang ibang junkfoods ha? Bakit ka ba nakikipagpatayan dahil lang sa lintik na tortillos? Look! Paubos na oh!"

Ipapakita ko lang sana na kalahati na lang ang laman nito pero bigla kong natapon ito sa kanya.

Hays. Sayang. Napa-padyak ako sa inis.

"Natapon tuloy!" paghihimutok ko.

Walang ekspresyon ang kanyang mukha. Nakatingin lang siya sa mga nakakalat na tortillos sa carpet.

Naghanda ako dahil baka bigla niya ulit akong sugurin pero nagtaka ako nang umalis siya at umakyat na sa kuwarto niya nang walang kibo.

He got the nerves. Nagwalk-out talaga ang gago.

Tinawag ko si manang para ipalinis ang kalat at ipaayos ang nagulong family room. Sa inis ay nawalan na ako ng ganang manood at umakyat na rin sa kuwarto ko.

***

BLAZE

Tatlong araw nang hindi pumapasok si Uno.

Yesterday, we planned to give him a visit but eventually decided not to.

"Did he call you?" tanong ni Damon kay Bullet.

Silang dalawa kasi ang sanggang-dikit. Madalas ko silang tawagin na B1 at B2 dahil parang konektado ang mga isip nila lalo na kapag sa paggawa ng katarantadohan at kalokohan.

Umiling si Bullet. Ibig sabihin ay hindi pa ito nagpaparamdam sa kanya.

Sigurado akong siya ang pinaka nag-aalala sa amin ngayon pero hindi niya lang pinapahalata. When Uno left after that confrontation, he went after him.

"Paano na 'yan? Sa sabado na ang open circle. Will he make it?" tanong ko sa kanila.

The open circle is a very important undertaking. Sa sabado na ito gaganapin. Uno must be there. Kailangang kompleto kami sa araw na 'yon.

"Don't worry. Uno will not forget it. For now, let's just wait for him to reach us." Damon answered.

Kagaya ng dati ay ako ang naatasang magsabi sa hell section tungkol sa paparating na open circle.

"Sana naman ay maging exciting ang open circle this year." saad ni Bullet.

I think Bullet's wish is not impossible to happen. Alam kong may isang tao na maglalakas loob sa araw na 'yon. We know how much he craves for power.

Unfortunately, things will never be easy for him. Hindi basta-basta ang gusto niya at hindi rin kami basta-basta papayag na mangyari 'yon.

***

RHYGEL

Breaktime na pero may announcement daw ang devil's circle kaya hindi muna kami lumabas ng classroom.

Ano na namang kalokohan ito? Ang dami nilang alam!

"This is to inform everyone that this year's open circle will be happening this Saturday." panimula ni Blaze.

Open Circle? What is it? Siguro isa na namang party na hindi ako invited.

"Taon-taon naman itong ginaganap kaya alam na ninyo kung ano ang mangyayari sa sabado. Pero dahil sa may bago tayong kaklase ay ipapaliwanag ko kung ano ang open circle."

Blaze looked at my direction. It's pretty obvious that he's pertaining to me.

"During the open circle, you will have a one shot chance of getting into the devil's circle."

I love where this is going. My full attention is on him now.

"Paano? Simple lang. You need to challenge one of us. Kapag natalo ninyo ang isa sa amin, definitely, you'll get a spot in the devil's circle."

What kind of challenge? Hindi ko namalayang napataas pala ako ng kamay.

Lintik! Para lang akong magre-recite sa klase nito.

I already got everyone's attention, so I just fired the question.

"Anong klaseng challenge?"

Ngumisi si Blaze. Inaasahan na niyang magtatanong ako.

"It will be revealed during the open circle. Are you planning to challenge one of us?" tanong niya sa akin.

"You already know the answer to that question." I confidently told him.

My eyes are focused on my ultimate goal. Ito na ang pagkakataon ko.

Natapos nang magbigay ng announcement si Blaze kaya isa-isa na silang nag-alisan ng classroom. Pero may isa pa akong tanong kaya muli akong nagsalita.

"Kapag natalo ko ang taong napili kong hamonin, ano ang mangyayari sa kanya?"

Lumingon sa akin si Blaze pero hindi siya ang muling sumagot sa tanong ko.

"He'll be kicked out of the devil's circle because you'll be replacing him."

He looks at me with a blank expression. Among the members, Damon is the most mysterious.

Madami nang nangyari ngunit ni minsan ay hindi man lang niya ako pinagtuonan ng pansin. He keeps on ignoring my presence.

"Go on and ignore me. Your days as the king will soon come to an end."

I'm a Dela Rosa and I always get what I want.

#

Hell Section 2.0Where stories live. Discover now