PROLOGUE

1.5K 58 3
                                    

PROLOGUE

"Kinakabahan ako, Rosean." Nangangatal na bulong sa'kin ni Annaliese na nasa tabihan ko, pareho kaming nakasandal sa malamig na pader.

Nakagapos ang mga kamay namin at nakataklob naman ng itim na telang sako ang kabuoang ulo namin, napakakapal din ng tela kaya't naman wala kaming nakikitang iba kundi kulay itim lang.

Sa pagkakaalam ko ay nasa isang kuwarto kami ngayon sa backstage ng entablado, kung saan ginaganap ngayong gabi ang illegal na auction kung saan nagtipon-tipon ang mga mayayamang tao na gustong bumili sa aming mga kababaihan na sapilitang dinakip mula sa iba't-ibang lugar dito sa pilipinas sa malaking halaga.

At sa dinami-dami naming kababaihan ay si Annaliese lang ang kaisa-isang naging kaibigan ko habang kami ay nakakulong sa isang malaking hotel nang ilang mga linggo, kung saan kami inipon-ipon at inihanda bago maganap ang auction ngayong gabi.

"Aba! Mas lalo na ako, Anna. Ginawa tayong parang isang materyal na basta-basta nalang ibebenta sa kung kani-kaninong mga tigang na mayayaman." Mahinang tinig ko.

Who knows kung kanino ako mapupunta?

"E– eh. Ba't kung makapagsalita ka kasi, parang..." She trails as she trembles from fear. "Okay lang sa'yo. Ang tapang-tapang kasi ng tinig mo."

Hindi ako nakapagsalita. Cat got my tongue.

"Hindi ka ba nandidiri kung isang manyakis o kaya mga gurang na ang kung sakaling bibili sa iyo?" Kinikilabutang aniya. "Atsaka ayaw kong gawin tayong sex slave. Nakakadiri kaya iyon, hahawak-hawakan ka lagi kung kailan nila gusto. Napakababoy!"

"Bahala na." Tanging tugon ko. Hindi kasi maayos ang pakiramdam ko ngayon, no'ng isang linggo pa kasing sumasakit ang sikmura ko dahil sa mga magagarbong pagkaing kinakain namin noong habang kami'y nasa hotel pa na hindi ko naman nakagisnan.

"Number 17. You're up!" Sigaw ng isang lalaking nagbabantay sa amin dito sa kuwarto bago hinaltak si Annaliese sa tabihan ko patayo.

"Rosean!" Takot na takot na palahaw ni Annaliese.

"Anna!" Sigaw ko saka hinawakan siya sa kaniyang braso gamit ang mga nakagapos kong kamay, ngunit sa huli ay nabitawan ko pa rin siya dahil sa mas lamang ang lakas ng lalaking bantay kaysa sa'kin.

Wala akong nagawa kundi manatili sa puwesto ko pagkatapos habang naririnig ang mga malalakas na iyak at pagmamakaawa ni Annaliese habang siya'y dinadala sa front stage para isunod na ibenta sa harapan ng mga madla.

Hindi ko napigilang kabahan dahil ako ang pang labing-walo at ako ang susunod kay Annaliese na ilalabas sa kuwartong ito.

Ilang minutong lumipas ay tinawag na nga ng lalaki ang aking numero saka ako hinila patayo at iginiya na palabas ng kuwarto. Tahimik lang akong nagpatianod, kamuntikan pa akong matisod dahil sa bilis kung lumakad ang lalaki, nang magtigil siya sa paglalakad ay awtomatikong tumigil din ako.

"Next auction is..." Malakas na anunsiyo ng auctioneer sa harapan ng mikropono, kasabay n'on ay ang paghubad ng lalaki sa telang nakasuot sa buong uluhan ko.

Tumambad sa mukha ko ang nakakasilaw na spot light. Nasa gitna ako ng entablado at tanaw na tanaw ko mula rito ang mga madla na nasa kaniya-kaniyang mga bilog na lamesa, hindi lang mga lalaki ang nakikita ko, may mga babae rin. At lahat sila ay may mga suot-suot na maskara na may mga iba't-ibang-ibang disenyo, napakagara ng suot nila at ng tema ng kanilang pagtitipon.

"A 23 year-old named Rosean Borja. She's a journalist at a local, yet famous company here in the Philippines. A young diligent and amazing woman who has a lot of domestic skills." Anunsiyo ng auctioneer sa pekeng impormasyon ko. Masama ang tingin ko ng lingunin ko siya, kaso nasa madla ang atensyon nito.

"Let's start the bidding at 25,000 pesos!" masayang anunsiyo muli ng auctioneer.

"25,000!" sinulyapan ko ang lalaking nagtaas ng kaniyang bidding banner sa hindi kalayuan mula sa entablado.

"Wonderful! Do I hear 26?"

"26,000!"

Nanatili lang akong walang imik habang nakatayo. Gustong-gusto na ring bumigay ng mga paa ko dahil sa sakit na aking iniinda sa tiyan ko. Ang mga kamay ko ay nagapos pa rin, hinding-hindi ko malilimutan ang mga hindi ko inaasahang pinagdaanan ko nang dakipin ako.

Bumalik lang ako sa huwisyo nang maramdaman kong may isang butil ng luhang pumatak mula sa mata ko. I abruptly wipe it off and acted normal as if it's there's nothing wrong.

"26,000 pesos! Thank you sir. Do I hear higher than 26,000?" The auctioneer asked for a higher value.

Mga mukhang pera!

"31,000!" A random man shouted after he raise his bidding banner and wave it slowly.

"31,000 pesos for a young lady! Wow!" The auctioneer shrieked in awe. "Going once? Going twice? Sol-"

"100,000!" A man interrupted. The audience gasped.

Kahit ako ay nagulat sa pangyayari. Napakalaking pera ang binaggit niya, madali kong nakita ang sumigaw na lalaki dahil sa pagtaas nito ng banner.

"Marvelous!" The auctioneer commented, still shocked. "Do I hear 101,000 ladies and gentlemen?"

No response.

"Going once? Going twice?" Giit ng auctioneer bago itinuro ang lamesa kung nasaan ang lalaki kanina. "Sold to 100,000! Thank you sir."

Nagpalakpakan ang audience at ang lalaki naman kanina na nagtaas ay maangas na tumayo, kasabay ang mga ilang kasamahan nito sa lamesa na puro kalalakihan.

"Let's go."

Napalingon ako sa lalaking bumulagta mula sa likuran ko. Siya yung nagdala sa akin rito sa harapan ng entablado, iginiya niya ako papunta sa backstage ulit, pagkarating namin doon ay iniwan na ako ng lalaki.

"Good evening, miss Rosean Borja."

Napalingon ako nang may lalaking nagbanggit ng buong pangalan ko. Ito ang lalaking nagtaas ng bidding banner kanina, pero hindi sa kaniya nakatutok ang mga mata ko, kundi sa isang kasama nitong lalaki na walang imik na nakatingin sa akin.

"We'll take you home." Pormal na saad n'ong lalaking kumausap sa akin.

Inilahad ng tahimik nitong kasama ang kaniyang kanang kamay sa harapan ko. Pero hindi ko na iyon nahawakan dahil bigla nalang kumirot ang ulo at nanghina ang katawan ko dahilan para mawalan ako ng malay at matumba sa lalaking kanina pang walang imik.

Kiss of Death 1: CherryWhere stories live. Discover now