CHAPTER 2: Devastating Date

913 47 7
                                    

CHAPTER 2: DEVASTATING DATE

WARNING: This chapter contains sexual scenario.

"Miss Borja, pinapasuot nga po pala ni Heineken sa inyo para sa date niyo mamaya."

Napalingon ako kay Constella nang bumukas ang pintuan ng kuwarto ko at pumasok siya bitbit ang tatlong paper bags na may mga tatak na sikat na mga clothing brand.

Hindi na ako aasa pa sa susunod na hindi mamahalin ang ipapasuot sa akin ni Heineken.

My lips formed a grin. "Salamat." tugon ko matapos kunin sa kaniya ang mga paper bags.

Malawak itong ngumiti. "Masaya ako dahil pumayag ka na mag-date kayo."

Inilapag ko ang mga paper bags sa ibabaw ng kama para isa-isang ilabas ang mga laman. "Gusto ko lang naman na makilala siya ng husto, masyado pa kasing malayo ang loob ko sa kaniya."

Isang light gray na cotton sweater, navy blue pencil cut skirt, puting rubber shoes, at mga set ng underwear ang mga nilalaman ng tatlong paper bags.

"I'm looking forward to it, miss Borja." aniya.

"Thank you, Constella." responde ko bago ako nito tinalikuran at lumabas na ng kuwarto.

Ako naman ay pumasok na sa bathroom para maligo, nang matapos ay lumabas na ako nang nakatapis lamang ng tuwalya.

Isa-isa kong dinampot ang mga damit sa kama at isinuot. Pagkatapos ay sinuklay ko ang hanggang dibdib at diretso kong buhok sa harapan ng salamin sa dressing table.

Nagulantang lang ako nang biglang may kumatok sa pintuan.

"Come in." tipid kong sabi habang walang tigil sa pagsusuklay. As if on cue, bumukas ang pintuan at pumasok si Heineken.

Seeing him on the reflection of the mirror made my jaw drop. He is wearing a plain white long sleeve poli covered with a black leathered jacket, a black ripped jean, and a black and white high-cut converse.

Pero mas lalo akong namangha sa mukha nito. He's not wearing the usual scary mask, he's just wearing a plain black surgical mask covering the half of his nose and mouth. I could clearly see his baby blue eyes, nanatili lang akong nakatanaw sa kaniya sa repleksyon ng salamin.

This is the first time that I see a man with a baby blue eyes in reality, sa pelikula lang kasi ako madalas nakakakita ng mga ganoong kulay ng mga mata.

He walks near to me and stand beside me in the mirror. Nagbaba ito ng tingin at tinaasan ako ng isa niyang makapal na kilay.

I rolled my eyes over and continued brushing my hair. "Can't wait for me downstairs?"

Umamo ang mukha nito at marahang tumango. Hindi ko napigilang matawa sa sobrang cute ng mukha niya, pero kaagad rin akong nahinto sa pagtawa nang ipalibot niya ang kaniyang kaliwang braso sa aking beywang atsaka inihilig ang kaniyang ulo sa balikat ko.

"K– Ken." sambit ko. Ipinikit lang nito ang kaniyang mga mata. Napasinghap ako nang humigpit ang braso nito sa beywang ko.

Nanatili lang akong nakamasid sa kaniyang maamong mukha sa repleksyon ng salamin hanggang sa dahan-dahan nitong itinaas ang kaniyang kanang kamay, may hawak-hawak siyang isang medium icon shoulder bag na kulay itim na may logo ng Versace na hindi ko napansin kanina nang pumasok siya.

Kinuha ko iyon mula sa kaniyang kamay dahilan para magmulat ito ng kaniyang mga mata. His baby blue eyes are very beautiful and distracting, it's intimating. My body twitched when I felt his right arm wrapped on my waist too.

Kiss of Death 1: CherryWhere stories live. Discover now