CHAPTER 18: Mistreated

425 33 2
                                    

CHAPTER 18: MISTREATED

Nang matapos ang mahaba-habang pagkukuwentuhan namin ni Anna patungkol sa kaniyang fiance na Italyano ay bumaba na ako at nagtungo sa kusina para makapagluto ng pananghalian

Habang hinahalo ang crab and corn soup sa kalan ay hawak-hawak ng isang kamay ang iPhone ko. Ngayon ko lang kasi napansin ang 57 missed calls at maraming messages na galing mismo sa numero ni Ken

Your man:

'Darling! I'm so sorry'

'I'm sorry for hurting you, I'm such a fool'

'Please let's talk about this 😥'

Sa mga mensahe niya ay nailalarawan ko ang emosyonal na mukha ni Ken kagabi bago siya iniwanan sa venue kasama si Theo

Your man:

'Darling'

'Darling'

'Darling'

'Please don't ignore me 😣'

'Did I do something wrong?'

'I'm sorry for punching and shooting you. I didn't know it was you, darling'

'Answer me, darling! I am not going to eat and sleep if you continue ignoring me'

'You're making a big trouble, darling'

'Where are you?'

'Please answer the calls. I missed you so bad 😭'

Bawat mensahe na nababasa ko ay bumibigat ang pakiramdam ko. Unti-unti akong nanlulumo sa mga mensahe niya. Nasasaktan ako sa sitwasyon ko at nasasaktan ko rin siya

Your man:

'I want to hear your voice, even though your angry to me'

'I forgive you. Okay? Just please, please talk to me'

'Don't leave me hanging 😢'

'When you said loving me is the biggest mistake you've ever done that you regretted the most. You were lying right?'

'Please tell me that it was just lie'

Gumuhit pababa sa pisngi ko ang mga butil ng luha mula sa mga mata ko na kanina ko pa pinipigilan. Sa ngayon ay ang mga hikbi ko nalang ang pinipigilan ko, baka kasi bigla nalang sumulpot si Montage at marinig ako

Sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Theo kagabi na balak na akong pakasalan ni Ken sa Oktubre. Sa totoo lang ay nag-uumapaw ako sa saya nang marinig iyon, kaso napakakontrabida ng responsibilidad ko sa buhay

Your man:

'Darling, I'm hurt'

'Please don't build walls between us'

'I swear that I'll be a better man. I'll give you more love, time and attention'

Kiss of Death 1: Cherryحيث تعيش القصص. اكتشف الآن