CHAPTER 20: Pain & Regret

836 39 9
                                    

CHAPTER 20: PAIN & REGRET

"You're fired, agent Vermillio!"

Nanatili akong walang kibo sa pagsigaw ni mr. Monteiro sa harapan ko. Nasa main headquarters kami ngayon dito sa maynila, kakauwi lang galing Tagaytay

Sa dinami-daming sinabi ni mr. Monteiro ay hindi ko na natandaan pa ang mga naunang sinabi niya

"Okay" tumayo na ako at lumabas na ng kaniyang opisina, bitbit ang dalawang duffel bag at backpack sa likod ko na naglalaman ng mga gamit ko

Mabibigat ang mga bitbit ko, pero gayunpaman ay kinaya ko kahit na marami akong natamong sugat na ginamot kanina ni Montage bago kami umalis sa Tagaytay

Alas-siyete na ngayon ng gabi kaya't binilisan kong lumabas, dahil mahirap ng sumakay at baka gabihin pa ako lalo sa pag-uwi

"Borja!" Rinig kong umaalingawngaw na boses ni Montage mula sa likuran ko habang tinatahak ko ang daan palabas ng HQ

Hindi ko siya pinansin. Simula ng gamutin ako ni Montage kanina hanggang sa pagdating dito ay hindi ko siya pinapansin. Magdamag akong tulala kanina at walang kinikibo ni isa sa mga kumakausap sa akin

Paulit-ulit kong narinig ang pagbanggit ni Montage sa pangalan ko, mas binilisan ko ang paglakad ko pero sa huli ay naabutan pa rin ako ni Montage

"Rosean" galit na hiyaw niya saka ako hinigit sa braso, paharap sa kaniya. "Kanina pa kita kinakausap, ano bang problema mo?!"

Takot na takot ako may Montage sa tuwing nagagalit siya, pero ngayon. Wala akong nararamdaman na kahit anong emosyon

Sinalubong ko ang napakadilim at nakakakilabot niyang mga mata. "Ano bang gusto mong sabihin?"

Napaigtad ako nang bigla niya akong kinuwelyuhan, I saw her jaw clenched. "Did they really got escape? Or did you just intentionally set them free? Which one, Rosean?!"

Nakakabingi ang kaniyang boses, lalo na sa parteng binaggit niya ang mismong pangalan ko, imbes na ang apelyido ko

Ang mga tao sa paligid ay nagulat sa lakas ng galit na boses ni Montage, kaagad silang nagsipag-alisan sa area

"I set them free" walang bakas na kahit anong emosyon kong tugon

Marahas ako nitong binitiwan, muntikan pa akong mawalan ng balanse dahil sa kaniyang ginawa

"What the f*ck is going on inside of your head, Rosean?!" Dinuro-duro niya ang noo ko. Tinabig ko iyon dahil sa inis na nagsimulang mamuo sa loob ko

"I had to do it. Narinig ko ang usapan niyo ni mr. Monteiro sa phone mo bago kita niyayang mag-almusal kanina"

"Their not what we think, Montage" I defended, pertaining to Liena and Hadasa

"Criminals are criminals, Rosean. They are f*cking rotten to the core-"

"What if they don't huh?" Sansala ko

Mapakla siyang tumawa bago humakbang palapit sa akin at nagbaba ng tingin. "How can you be so sure, Rosean?"

Nakakainsulto siyang ngumisi. "How can you be so sure that choosing that mobsters are worth it, more than your job?"

Hindi ako nakasagot, ultimong ako ay hindi ko maintindihan ang sarili ko at ang mga desisyong ginagawa ko sa buhay

"Guard your lover boy, Rosean..." Montage warned in a deep and serious voice. "Because once I found him and the two old women. I'll make them swim in their own blood and watch them die. But don't worry, I'll record it and send you the video" atsaka niya ako tinalikuran at iniwang mag-isa ritong nakatayo

Kiss of Death 1: CherryWhere stories live. Discover now