CHAPTER 5: Birthday Party

667 46 1
                                    

CHAPTER 5: BIRTHDAY PARTY

WARNING: This chapter contains sexual scenario.

Papikit na sana ang mga mata ko nang may bigla nalang kumatok sa pintuan. Hindi ko iyon binigyan ng pansin, nanatili lang akong nakahiga rito sa kama habang yakap-yakap ang isa kong unan at nakapailalim ang kalahating katawan ko sa comforter.

Nang tumahimik saglit ay akala ko tuloy-tuloy na iyon, ngunit nasundan na naman ng ilang katok. Alam kong si Ken ang nasa likod ng pintuan ng kuwarto ko.

Hindi ako gumalaw, nanatili akong nakatalikod sa pintuan habang pilit na matulog. Nang matahimik na naman ulit ay inaasahan kong kakatok na naman siya kaso mali ang iniisip ko dahil bigla nalang bumukas ang pintuan.

Nakalimutan ko nga palang i-lock iyon. Sandamakmak na malulutong na mura tuloy ang nasa isipan ko ngayon, hindi ko pinansin ang presensiya ni Ken, nagtulog-tulugan lamang ako.

Nakakakilabot ang tunog ng bawat paghakbang niya papalapit sa kama ko, sunod kong naramdaman ay ang pagsampa niya sa kama at ang kaniyang kamay na humahaplos sa buhok ko. Humigpit ang pagkapit ng kamay ko sa kutson.

Dahil sa namumutawing katahimikan ay naririnig ko ang mga malalalim nitong pag-hinga sa likod ng kaniyang maskara.

Dahan-dahan akong gumulong pakanan para makita siya. Ilang sentimetro lang ang pagitan ng mga mukha namin kaya muntikan pa akong magulat sa nakakatakot nitong maskara.

"Anong ginagawa mo rito?" Galit kong tanong bago bumangon para maupo at sumandal sa headboard.

Hindi ito nagtipa ng kaniyang isasagot sa phone nito gaya ng nakaugalian namin, bagkus may kinuha ito sa ibaba ng kama na isang sketchpad at panulat.

Doon siya nagsulat ng kaniyang saloobin. Mabilis naman itong nagsulat, tinignan niya pa muna iyon bago masuyong ibinigay sa akin at may kinuhang puting karton sa ibaba ng kama.

Isa iyong karton ng MacBook pro. Kinuha ko iyon at isinantabi muna sa ibabaw ng drawer atsaka binasa ang isinulat niya.

'My phone's in my room, charging. Hope you don't mind to have a conversation with me in here? I already bought you a gadget for your work'

Ibinalik ko na sa kaniya ang pad.

"It's okay. Salamat din sa pagbili mo sa akin ng MacBook" pagpapakumbaba ko matapos basahin ang kaniyang isinulat. "So, sino yung babaeng kasama niyo kanina?" Magkasalubong ang kilay kong tanong.

Nagsulat muli ito sa pad, sa ibaba ng kaniyang unang isinulat. Nang maiharap na nito sa akin ang pad ay mabilis ko iyong binasa.

'She's Martini Cimorelli. My ex'

Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Sumagi sa isipan ko kung gaano kalandi kanina ang babaeng iyon kay Ken. "What the heck does she wants to you?"

I gritted my teeth and my right hand instantly pulls the collar of his new sweater. "At talagang hinahayaan mo pa siyang hawakan ka ah? Siya puwede, pero ako hindi? Ano yon?"

Marahas ko itong binitawan para makapagsulat. "Explain!"

Aligaga naman siyang sumulat sa kaniyang sketchpad ulit, habang nagsusulat ito ay naririnig ko ang mga mahihinang halinghing nito sa likod ng kaniyang maskara dahilan para magtaka ako.

Kiss of Death 1: CherryWhere stories live. Discover now