CHAPTER 3: His Nymphomania

766 42 2
                                    

CHAPTER 3: HIS NYMPHOMANIA

Nang magising ako ay kaagad akong bumangon nang madatnan na wala na si Ken sa tabihan ko.

Siguro ay panaginip ko lamang ang nangyari kagabi. Pero impossible, dahil gusot-gusot ang bedsheet at comforter na nasa tabihan ko, partida nakakapit pa roon ang mabangong pabango ni Ken nang amuyin ko.

Dali-dali akong bumaba ng kama nang may maalala ako. Tumakbo ako patungo sa bathroom para manalamin, hindi pa ako nakakalapit sa salamin ay tanaw na tanaw ko na ang mga pula sa leeg ko.

He gave me a hickey! Not just one, but three!

T*ngina!

Galit akong naghilamos at nagsuklay-suklay ng buhok, ginawa kong one-sided ang buhok ko para maitago ang nasa leeg ko. Gumaan naman ng kaunti ang pakiramdam ko dahil kahit papaano ay natakpan.

Nagmamartsa akong lumakad papunta sa pintuan ng kuwarto ko. Saktong pagbukas ko ay tumambad sa akin si Constella na akmang kakatok sa pintuan ko. Pareho kaming napahiyaw sa gulat, pero mabilis akong sumeryoso.

"Nasaan si Ken?" Matalim ang mga mata kong kuwestiyon kay Constella bago pa ako nito pangunahan.

"Nasa kuwarto niya nagpapahinga." gulat pa ring usal nito.

My forehead creased. "Nagpapahinga? Bakit? Anong ginawa niya?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ahm..." Nangangapa ito ng maisasagot, hindi rin ito makatingin sa akin ng diretso.

I tsked. "Hindi bale. Ako nalang magtatanong. Salamat." lumabas na ako at iniwan siyang nakatayo sa harapan ng kuwarto ko.

Lakad-takbo kong tinungo ang kuwarto ni Ken. Sa sobrang galit na namumuo sa loob ko ay hindi na ako kumatok pa sa kaniyang pintuan at basta-basta nalang akong pumasok doon.

Ganoon nalang kabilis na napawi ang galit ko nang madatnan siyang nakahiga sa kama, balot na balot ito sa comforter at nakasuot siya ng kaniyang nakakatakot na bungong kulay itim na maskara.

Walang ingay akong lumakad papunta sa gilid nito para pagmasdan siya. I could hear his soft snores, mukhang malalim ang tulog nito.

Unti-unti kong itinaas ang kanang kamay ko papunta sa gilid ng kaniyang maskara, gustong-gusto ko kasing makita ang kaniyang mukha, ngunit bago ko pa ma-iangat ang maskara mula sa kaniya ay bigla nalang niyang hinuli ang pulsuhan ko dahilan para mapatalon ako paatras sa gulat.

Dumoble ang higpit ng hawak nito sa pulsuhan ko nang sinubukan kong humakbang palayo.

Nagbaba ako ng tingin. "S– sorry. Gusto ko lang talaga kasing makita ang mukha mo." Nahihiyang paliwanag ko.

He grunted before letting my wrist go. Tinalikuran ako nito at nagtalukbong, nagtatampo siguro ito dahil sa ginawa ko.

Sumagi sa isipan ko ang sinabi sa akin ni Constella kanina. Saan kaya ito nagpunta para mapagod sa ganitong oras.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong atsaka naupo sa sa bakanteng tabihan nito. "Mukhang pagod na pagod ka kahit alas-siyete pa lang ng umaga." Isinuot ko ang kamay ko sa loob ng comforter nito para kapain ang kaniyang leeg. His body instantly flinch when my hand landed on his warm neck.

Kiss of Death 1: CherryWhere stories live. Discover now