CHAPTER 22: HIS WAYS

326 28 0
                                    

Astrid Pov.

Matapos ang nangyare kanina, walang imik kaming pumunta ng van at umupo. Tahimik kaming lahat maliban sa dalawang tao na pinanganak na atang may microphone sa bibig.

"Ang daya mo kasi! Ako yung panalo eh!" sigaw ni Aera kay Jean na tumatawa lang habang nailag sa mga hampas at palo ni Aera sa kanya.

"Anong madaya? Kasalanan ko bang duling ka at hindi marunong humawak ng baril?" natatawang sabi nito at hindi napansin ang papalapit na kamay ni Aera kaya nasapok siya.

"Aray! Ano ba Natasha?" sabi nito sabay himas sa ulo nitong nasapok.

"Marunong akong humawak ng baril, gusto mo pakita ko pa sayo e," mahinang bulong ni Aera. Napatingin naman si Jean sa kanya.

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko, hindi man ako marunong humawak ng baril, marunong naman akong manapak!" sigaw nito at nagrambulan nanaman sila.

Napatingin naman ako kay Kyle na nakakapit sa kamay ko. Kanina niya pa hawak yan, simula nung pagalis namin sa bayan. Sinusubukan kong alisin mas lalo naman niyang hinihigpitan kaya hinayaan ko nalang, diyan siya masaya eh.

"Anong iniisip mo?" nagtatakang tanong sakin ni Kyle, napangisi naman ako dahil doon.

"Kung paano ka papatayin," natawa naman siya. Seryoso ako dun tsk.

"Iwan mo lang ako, mamatay na ako." seryosong sabi niya sakin. Napangisi nalang ako dahil doon.

"Should I leave you then?"

"No because I won't let you," sabi nito at niyakap ang braso ko. Tsk alam kong plano niya lang ito. Pwes hindi ako mahuhulog sa bitag mo Acodism.

"Really? Even if I kill you?"

"I'll be dead if you leave me, so I will choose to die in your hands than die by doing nothing," talaga lang ah?

"Okay," nakangiti kong sabi. Tignan lang natin kung sino ang mauunang mahuhulog Kyle.

* * *

Nakarating kami ng manila kaaya binaba na nila kami sa may kanto. Magkaiba ang tirahan namin ni Aera, magkakasama naman sila Kyle sa isang bahay kaya bumaba na ako sa may kanto ng inuupahan kong unit.

"Are you really sure that we're a going to drop you here? It's already dark, Trid." walang mababakas na ekspresyon sa mukha ni Kyle pero halata sa mata niyang nagaalala siya.

"I'll be fine beside, malapit na dito yung unit ko, kunting lakad nalang nandoon na ako," simpleng sagot ko sakanya. Napatango naman sila sa sinabi ko.

"Sure ka Astridy? Pwede naman kitang ihatid kung gusto mo? Kahit na dirty and mabaho yung lugar hihi," maarteng sabi ni Aera sakin, napaikot ko nalang ang mata ko dahil doon.

"I'm okay, alam ko namang 'di ka sanay sa ganitong lugar, Aera." sabi ko at pasimple siyang tinignan, ngumiti naman siya sakin sabay peace.

"I'll come with you," sabi ni Kyle at nagmamadaling lumabas sa sasakyan. Tumawa naman ako sa kanya ng bahagya.

"Ayos lang ako, Kyle. Isa pa, masyadong mabaho at marumi yung lugar namin baka magkasakit ka lang," nakangising sabi ko sakanya. Sa arte at yaman ba naman nito, isang dapo lang siguro ng langaw o lamok mag kadengue na e.

"Psh, anong tingin mo sakin babae?" naiinis na sabi nito. Tumawa naman sila Jean kaya mas lalo siyang sumimangot.

"Hindi pero tignan mo," sabi ko at tinuro ang lugar na puno ng mga lalaking nag iinuman, mga babaeng kinulang sa tela at puro kolorete ang mukha, at mga batang naglalaro sa tubig at putik kaya madudungis na.

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now