CHAPTER 23: RETREAT

334 29 0
                                    

Astrid Pov.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami ng classroom namin. Alas tres na ng hapon kaya ang adviser na namin ang magtuturo samin.

Dumiretso silang lahat sa sarili nilang upuan habang nasa tabi ko pa din si Kyle at ang sama pa din ng tingin sakin nila Mia. Tsk as if I care.

Ilang minuto lang ang lumipas ng dumating na si Sir. Fernan kaya nagsipag ayos na sila ng upo.

Pumunta si Sir. Fernan sa table niya para ilagay ang bag at mga papel doon. Humarap naman siya samin ng nakangiti at pumalakpak pa ng isang beses na parang mga bata ang nasa harapan niya, tsk.

"Good Afternoon, Class. How's your lunch?" he greeted us and smile.

"Ayos lang, Sir. Gwapo pa 'din ako," nakangising sagot naman ni Jean sa kanya. Tumawa naman si Marissa at Aera dahil sa sinabi niya.

"Ang ibig niyang sabihin, Sir. Ayos lang daw, gagong unggoy pa rin siya," natatawang sabi ni Aera at nakipag apir pa kay Marissa. Napailing nalang ako dahil sa mga ginagawa nila.

Here we go again.

"Hoy, Nata de coco! Wag ka lang talagang mahuhulog sa gwapo kong mukha kung hindi, tatawanan talaga kita." sabi ni Jean habang nakataas pa ang noo.

"Never in my wildest dream, unggoy. Mas gugustuhin ko pang mahulog sa kanal wag lang sayong unggoy ka!" sagot naman ni Aera kaya napatawa sila Marissa kahit si Sir.

"That's enough, class. I have an announcement," sabi ni Sir kaya nanahimik na sila Jean.

"We don't have classes today," narinig ko nalang ang sigawan nila Aera at Jean na himalang nagkasundo dahil doon.

"Omygosh! Magkaka beauty rest na ako!"

"Shemay, makakapag arcade na ako!"

"Class Silent," sabi ni Sir at hinampas ang lamesa para tumigil sila Jean.

"We don't have classes because we're going on a retreat," retreat? What kind of shit is this aunie? Tsk.

Kagaya ko, mukhang naguguluhan din sila Kyle dahil napakunot ang noo nila.

"Retreat, Sir?" mahinhing tanong ni Jasmine na tinanguan naman ni Sir.

"Yes, Jasmine. Retreat." nakangiti pang sagot niya. Napaikot ko nalang ang mga mata ko dahil doon.

"For what, Sir?" magalang tanong naman ni Ethan.

"Good Question, Ethan," sabi ni Sir at naglakad papalapit samin.

"The Amazing Principal said, all the students should have a vacation plus you also need to help and save the world,"sabi nito samin. Napa buntong hininga nalang ako dahil doon. Auntie, tsk.

"Seriously? What kind of help?" naiinip na tanong ni Xander. Halatang wala sa mood at hindi gusto nila Kyle ang ideya na yun dahil maski ako, ayaw ko. Pero parang wala lang kay Sir lahat dahil hanggang ngayon ay nakangiti parin siya. What a weird person.

"We decided na dalhin kayo sa isang lugar sa isang lugar sa Cavite, napag desisyunan din namin na pag samahin lahat ng type." that's good tho. I want to relax and feel the fresh and relaxing ambiance in Cavite.

"So titignan lang namin sila? Okay it's so easy lang naman pal-" naputol ang sasabihin ni Marissa ng magsalita si Sir.

"No, Marissa. Kasama kayo sa magpaparticipate sa mga activity at hindi kayo kasali sa mga titingin lang. It was ordered by the Principal, so I hope you understand." ano nanamang tumatakbo sa utak ni auntie? I just mentaly rolled my eyes because of that. I'm sure, she did this to annoy me. Well, it's working.

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now