CHAPTER 29: TRUTH

359 28 1
                                    

ASTRID

"What's happening?" rinig kong tanong ni Kyle. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya kaya napatingin siya sakin.

"Ikaw ba talaga yan, Trid?" sabi niya kaya ngumiti ako sakanya at tumango.

"Yes and please, stay with me." mas napangiti ako ng higpitan niya ang hawak sa kamay ko at ngitian ako.

"I love you," he said so my smile became bigger.

"Too." sabi ko kaya napasimangot siya at napatawa naman ako.

"After all of this, tuturuan kitang maging sweet, psh." nakasimangot paring sabi niya.

"Tapos na ba ang lambingan nyo?" tanong nung matandang dalaga sa stage.

"Hindi, mamaya kana sumingit." sabi ko at nginisihan siya.

"Wala akong pake!" sigaw niya pa sakin.

"Wala daw pake pero nagtanong." sagot ko pa kaya nainis siya lalo.

Sinenyasan niya ang isa sa mga tauhan niya kaya napatingin ako doon. Mahigpit niyang hinawakan ang isang braso ng estudyante at pilit na dinadala sa stage.

"Ano bang nangyayare?"

"Akala ko ba announcement? Ano ito?"

"Anong gagawin niya kay ate girl?"

"Omy natatakot na ko,"

"Mommy!"

Rinig kong bulong ng mga estudyante kaya napatingin ako kay Kyle.

"Gather all the students, pumunta kayo sa cafeteria at hintayin niyo ako doon." mabilis naman siyang umiling sa akin pero hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya.

"I won't leave you." madiing sabi niya pero nginitian ko lang siya.

"Trust me." sabi ko kaya wala na siyang nagawa kundi tumango.

"Wait for my signal, habang hinihintay mo yun, lapitan mo ang mga estudyante at sabihan mo silang tumakbo papaunta sa kabilang bahagi ng pinto. Nandoon si Aera naghihintay sainyo, pagkalabas niyo ay dumiretso na kayo sa cafeteria." sabi ko sakanya. Tumango tango naman siya at hinawakan ako ng mahigpit.

"What about you?" he ask. Ngumiti naman ako at tinuro sila Kuya na nakatingin samin.

"They're my family, I'll be with them." sabi ko kaya tumango siya at hinalikan ang noo ko.

"Be safe, life." sabi nito at tinalikuran ako para sabihan ang iba pang estudyante. Ngumiti ako kahit na hindi na niya ako nakita.

Dahan dahan akong lumapit kila Kuya na nakaprente lang na nakaupo sa bench. Nakuha pa ngang magcellphone ni Asrael, tsk.

"What's your plan?" sabi sakin ni Dad ng makarating ako sa kanila.

"We need to save those students first, then after that, we will deal with that crazy old hag."  mahinang bulong ko sakanila. Tumango naman sila at muling bumalik sa kani kanilang ginagawa.

Makalipas ang ilang minutong paghihintay, nakita kong nasabihan narin ni Kyle lahat ng estudyante at sinenyasan niya akong okay na.

"Are you ready, Aera?" mahinang tanong ko kay Aera sa suot kong earrings na gawa ni Asrael.

"Yes, Heiress." sabi nito at ngumiti ako.

"One," sabi ko at sinenyasan ang mga estudyante.

"Two," mahinang bulong ko at tinignan ang matandang dalaga sa stage. Wala siyang ka alam-alam na bukas na ang pintuan. Napangisi nalang ako.

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now