CHAPTER 24: FIRST ACTIVITY

321 29 0
                                    

Astrid Pov.

Ala-una palang ng umaga nandito na ako sa open field ng Clemente High. May hawak akong mapa ng lugar na pupuntahan ko. Kahit sabihing may mapa ako ay hindi pa rin yun sapat, sa isang gubat sa lugar ng Cavite kami pupunta.

Gubat na puno ng mga mababangis na hayop.

Hindi ko alam kung bakit doon kami pinapapunta. Ano bang balak ni tita?

Uutusan kaming patayin lahat ng mababangis na hayop? Tsk.

Ako ang nauna sa mga estudyanteng pumunta dito, hindi sa takot akong maiwan. Maaga lang talaga ako nagising kanina kaya pumunta na ako kaagad dito para maghintay. Alas tres na ng madaling araw pero kami palang dalawa ni Aera ang nandito.

Naalala ko ang pinagusapan namin kahapon. Lahat yun naalala ko parin pero isa lang ang tumatak sakin ng husto.

"You can't fall for him, Caileigh. He's your mission and your mission is to kill him. Brace yourself."

And that sentence stuck in my mind. Am I falling? But that's impossible.

"Astridy, tabi tayo sa bus mamaya ah?" tumango lang ako sa kanya ng hindi tumitingin.

May dala kaming malaking bag na ginagamit ng mga hikers pag na akyat sila sa bundok. Nandito na lahat ng gamit namin, damit, undergarments, junkfoods, tent, blanket and flashlight. Tsk si Mommy ang naghanda ng mga gamit ko sa pagpunta ko dito.

Dumaan kasi ako sa bahay namin ng backpack lang ang dala, dalawang t-shirt, three shorts, five pairs of undergarments, and my cellphone.

Nang malaman ni Mommy na pupunta kami ng Cavite, agad niyang tinanong si Auntie kung saang lugar sa Cavite at nang malaman niyang sa isang liblib na gubat kami pupunta, siya na ang nagpresintang mag ayos ng mga dadalhin ko. Hindi ko naman alam na balak palang niya akong pagtayuin ng maliit na bahay doon. 'sing laki ng isang kubo ang tent ko kaya naman ibabalik ko na sana ng makita ko siyang nalungkot kaya kinuha ko nalang, tsk.

Sasabihin niya na rin sana ang mga pasikot sikot sa gubat ng pigilan ko siya, I don't want to cheat. Alam ko namang gagawa kami ng activity sa gubat kaya hindi ko na inalam pa. Pero dahil makulit si Mommy, binigyan niya na lang ako ng mapa ng gubat.

"Hey, guys! Aga natin ah," sabi ni Aera at nakipag beso kila Marissa. Samantalang tinanguan ko lang sila.

"Nata de coco, ako walang good morning kiss?" nakangusong tanong sa kanya ni Jean.

"Good morning punch, gusto mo?" sabi naman ni Aera at hinarap ang kamao niya kay Jean.

"Damot," mahinang bulong ni Jean na sa tingin ko ay tanging kaming dalawa lang ni Aera ang nakarinig. Tumingin ako kay Aera at nakitang namumula ito.

Tsk, nagsalita ang hindi.

Nang makita kong papalapit si Kyle sa akin ay lumapit ako sa tabi ni Aera at nagsalita.

"Don't fall for him, he's your enemy right?" dahil sa sinabi ko ay nakita kong natigilan siya bigla.

"W-what are you talking about, Astridy?" nauutal niya pang sabi habang umiiwas ng tingin. Matunog naman akong ngumisi kaya napatingin siya sakin.

"We've known each other for how many years, Natasha." malamig na sabi ko habang nakatingin sakanya.

"H-heiress,"

"Don't fall for that guy, he's on the other side," blanko ang mukhang sabi ko sakanya. Napalunok naman siya dahil sa kaba.

The Heiress In DisguiseWhere stories live. Discover now