Kabanata 2

16.2K 678 418
                                    

Kabanata 2:
Baby

Bagsak ang balikat ko habang naglalakbay patungo muli sa court. Kaunti na lang ang tao kaya hindi na ako nahirapan dumaan dahil wala ng mga nakaharang. Sa gilid na lang ako naglakad at nakakahiya kung sa gitna pa kung nasaan maraming mga players at may kinakausap na mga babae.

I heaved a sigh. Hindi nga madaling kausapin siya. He's so snob that I think it takes a hundred try before he speak a one word huh. Nakita ko na si Raycel hindi kalayuan at may kausap na lalaki na nakaitim na jersey. Mukhang galing din sa Hawk.

My lips twitched. Bahagyang umalpas ang nararamdaman ko dahil sa nakikita. Tama ang sinabi niya. Nakikipag-usap lang siya pero parang iyong usap nila may halong iba.

Aasarin ko ito mamaya.

Hahakbang na sana ako patungo sa kanila nang may bulto na humarang sa akin. Natigilan ako at bahagyang napasinghap nang muntik nang mauntog ang ulo ko sa baba niya dahil sa biglaan niyang pagharang.

"Uh naku sorry." narinig ko ang isang pamilyar na tinig at bahagya akong natigilan. Mabilis akong nag-angat ng tingin sa harap ko at umawang ang labi ng makilala kung sino ang kaharap.

"Popormahan na agad oh! Hoy kakakita mo pa lang diyan!" sigaw ng isang nakared na jersey, dahil sa sigaw niya ay napalingon sa amin ang ilan na nasa court. Mabilis na nag-init ang pisngi ko dahil sa binigay na atensiyon ng marami.

"Damn Quiza! Shut up! You're ruining the momentum!" mariing sinabi ni Zed doon sa sumigaw na humalakhak lang.

"Sorry!" the the man turned his back to us. Kinagat ko ang pang-ibabang labi dahil sa hiya. I don't have any idea why this man suddenly stop in front of me. Maging si Raycel ay napalingon sa gawi namin. She wiggled her eyebrow and pursed her lips to point Zed. She's giving me a meaningful look and I just sigh.

"Pasensiya ka na. Nahihiya ka ba?" biglang nagsalita iyong Zed sa harap ko. I raised my gaze on him. He's quite tall that I'm just until his chin. His hair has a clean cut in the sides and a fade away style in the center. He look good on that style.

He has a lighter tan skin complexion. Thick eyebrows that make him look so appealing. Bilugan ang mga mata at ang pagkaitim ay kakaiba kaysa sa mga natural na kulay na nakikita ko. The color is like a black with a little blend of gray. His nose is pointed and his lips were thin and natural red. His angled jaw is quite a sin to look at huh. Ang gwapo ng isang 'to. Kaya bakit siya lumalapit sa akin ngayon?

He lick his lower lip and I blink. My cheeks flamed. Napansin niya ba na sinusuri ko ang mukha niya? Bahagya akong nagyuko dahil sa kahihiyan.

"Uh s-sorry." ako at bahagyang kumislot ang labi niya at sumilay ang isang ngiti. He looks so charming. A soft chuckled escaped on his lips.

"Ako dapat iyong nagpapaumanhin. Pasensiya na binigla yata kita sa pagharang ko. Gusto lang kitang kausapin." aniya at kumunot ang noo ko. Hindi makakalagpas sa akin ang sulyapan ng mga tao na nasa gilid namin. Magkasalikop ang kamay ko sa harap at bahagya iyong nilalaro.

"Uh a-ayos lang. Nagtataka lang ako kung bakit ka lumapit." ang mga mata niyang may pagka-aliw ay kumikislap. Hindi ko alam kung dahil sa liwanag o may iba pang dahilan.

"Hindi ka ba komportable kapag may mga tao? Ayoko kasing takutin ka kaya gusto ko sanang makipagusap sayo rito pero kung hindi ka komportable doon na lang tayo sa gilid?" marahan niyang tanong at parang nag-iingat. Bahagya pang kinamot ang kilay.

I gasped a bit. Bahagya akong nagulat sa suhestisyon niya. Wala naman akong makapang masamang balak ang lalaki na ito. Sa rahan at ingat ng kilos niya sa akin mukhang mabait naman siya. Bakas na bakas ko ang sinseridad sa tinig niya. Umiling ako.

When A Heroine Has Fallen (Zaldariaga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon