Kabanata 5

14.2K 614 62
                                    

Kabanata 5:
Galit

Hindi ko na ginulo si Khalil ng kinagabihan I was still dumbstruck on what I heard from him when I tried to introduce myself personally.

Hindi naging maganda ang nangyari kaya kahit gustong gusto kong magtipa ng chat para sa kanya ay pinigilan ko na lang ang sarili ko.

Binitiwan ko ang phone at napatulala sa puting kisame. Ito ang unang Sabado ko sa ESU. Natapos ko na ang lahat ng assigments dahil tinatapos ko iyon sa bawat dismissal ng klase rito sa dorm o kaya kapag may vacant time at hindi umattend o absent ang teacher para wala na akong problema sa araw ng Sabado.

Ang plano ko ay uuwi ako sa araw na iyon sa amin kaso hindi ko magagawa dahil kailangan ako bukas sa gymnasium para sa training ng basketball team. Kaya kahit hindi ko makakausap si Khalil sa chat ay pampalubag loob naman na makikita ko pa rin siya bukas. Napahawak ako sa dibdib ko.

Bahagyang malakas ang kalabog ng puso ko. Nanabik na nalulungkot ako sa pagdating ng araw ng Sabado. Hindi ko makikita agad ang mga kapatid ko pati si Lola. Pero aalis naman ako ng mga hapon para sa gabi ay doon ako matutulog sa bahay at sa tanghali ng Linggo ay aalis ako para bumalik dito sa dorm.

Ngayon ay mag-isa lang ako dito sa dorm. Umuwi sila Raycel, Therese at Amara sa mga bahay nila. Kaya bahagya akong nalulungkot ngayon. Matutulog pa akong hindi makakausap si Khalil. I heaved a sigh and closed my eyes. Ayos lang, bukas naman ay makikita ko siya bago ako umuwi sa amin.

Alas sais ng magising ako. Alas syete ang call time sa gymnasium. Hindi ko kailangang magmadali dahil narito naman ako sa dorm. Ang tahimik pagkagising ko dahil ako lang mag-isa.

Inayos ko na kagabi ang dadalhin ko para sa pag-uwi mamaya. Dadalhin ko iyong mga damit kong labahin at doon na lang sa bahay gagawin dahil wala namang espasyong puwedeng paglabhan rito.

Solo ko ang banyo kaya malaya akong nagkaligo roon. I wear a white shirt and the schools jogging pants. Alas sais i-medya ng matapos ako sa pag-aayos at may trenta minutos pa ako. Sinukbit ko lang ang duffel bag at lumabas na ako sa dorm. Dumaan ako sa cafeteria para makakain. Dahil may mga estudyanteng naka dorm ay bukas iyon kahit sabado at linggo.

Nakapila ako para pumili ng pagkain nang may tumawag ng pangalan ko.

"Zed?" siya ang nakita ko nang itingala ko ang tingin. He looks so fresh from bath. His hair is still a bit wet. He's already wearing his red jersey uniform. Kahit ano yatang panahon at sitwasyon ay gwapo ang lalaki na ito. Hindi kumukupas.

He automatically flash his boyish smile on me that his perfect white teeth appears. May hawak din siyang tray at mukhang pumipili na ng breakfast katulad ko.

"Dito ka nagbrebreakfast?" sabay naming tanong sa isa't-isa at mabilis kaming natigilan pero kalaunan ay sabay kaming tumawa.

"Uh, ako lang kasi mag-isa sa dorm at kung maghahanda pa ako ng sariling agahan ay matatagalan pa ako. Kaya kung dito sa cafeteria ay makakain ako agad." tumango siya sa sinabi ko.

"Oh? Natanghali ako ng gising at baka masermonan ako ni Coach kapag kakain pa ako sa bahay kaya napagdesisyonan ko na ring dito kumain." aniya at pagkakataon ko na para pumili kaya kinusap ko muna iyong tindera.

"Kaso sa tingin ko mukhang dito na ako mag-aagahan lagi." bulong niya na narinig ko pa rin. Napasinghap ako at tumawa siya.

"I-Ito na lang pong chocolate moist cake at croissant." sabi ko at tumango ang tindera sa akin at inilahad ko na ang tray kahit bahagyang nanginig ang mga kamay ko dahil sa narinig mula kay Zed.

I don't know if he's just teasing me.

"Tinapay lang ang kakainin mo?" he ask as he look at my tray. Tumango ako.

When A Heroine Has Fallen (Zaldariaga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon