Kabanata 4

14.3K 538 58
                                    

Kabanata 4:
Stranger

Malaki ang ngisi ng lahat maliban kay Khalil na mukhang walang interes na lumapit rito para makita ako. Hindi ko naman malaman kung gugustuhin ko na rin bang lumapit siya. Kung sa ganoong distansiya pa lang na bahagya pa siyang malayo sa akin ay marahas na ang pagkalabog ng puso ko, paano pa kung mas liliit ang espasyo sa pagitan namin.

Hindi ko yata kakayanin.

Pamilyar na ang iba sa paningin ko dahil nakita ko na sila noong nanood ako ng practice game habang ang iba ay hindi ko kilala. I bit my lower lip, even I don't want to end my eye contact to Khalil, I need too. Baka mahalata pa ng iba na siya lang ang tinititigan ko.

Mga nasa labing isa silang lahat na narito. Hindi ko alam kung iyon na ba ang buong bilang dahil ito pa lang ang unang beses kong makikilala sila. Half of them is wearing a black jersey like what I saw in the practice game. Iyon ang suot ni Khalil habang iyong sila Zed ay pulang jersey naman.

Nakahawak pa rin siya sa bola at nakatingin sa bola. Mas gusto niya pang balingan iyon kaysa sa akin. Ha! Let's see if you still want to look at the ball if I already wrap you in my hands boy.

"Khalil!" kung hindi lang siya tinawag ni Coach Kai ay mukhang wala talaga siyang balak na lumapit. He heaved a deep sigh na para bang labag na labag talaga sa kalooban niya ang paglapit rito.

He dribbled the ball and throw it towards the ring. It smoothly shoot in it and my mouth parted.

He's really good at basketball.

Pagkatapos noon ay pinulot niya ang bola at nilagay sa cart. Ang ibang lalaki ay nakatitig na sa akin habang bahagya akong naiilang roon. Hindi pa kasi ako napapakali sa ganitong karaming lalaki sa harap ko kaya bahagya akong nahihiya.

"Pasikat pa oh!" pabirong sabi noong nakilala kong Abrencia. Bumalanghit iyon sa tawa ng balingan ng seryosong tingin ni Khalil.

"Why would I?" sa malamig na tono niyang sinabi.

"May maganda kasi di ba?" nag-init ang pisngi ko sa sinabi noong Abrencia.

"So what then?" I stunned on what he said and Abrencia's mouth parted. Mabilis din siyang nakabawi at natawa na lang.

"Pre matitigang ka sa bola niyan." natatawang sinabi ni Abrencia at napasinghap naman ako sa gulat roon. I don't know much about worldly things but I know some that I understand what he implies on that.

"Abrencia!" saway ni Coach Kai dahil mukhang napansin niya ang reaksiyon ko. Kakamot kamot sa ulo si Abrencia na humingi ng paumanhin sa akin at humilera na rito kasama ang ibang mga lalaki. Hindi naman na ako mapakali ng gumaya na rin roon si Khalil.

"Zed, ito iyong pinormahan mo nong practice game ah!" muli naman na nag-init ang pisngi ko sa sinabi noong Quiza. Hindi ko napansin na nakatitig na pala sa akin si Zed. Mabilis iyong napansin ng mga team mates nila kaya kinantyawan siya. Ngumisi lang siya roon.

"Suwerte kasama pa sa training!" iyong Manuevo. Habang ako ay humihinga ng malalim. Para na akong kakapusan ng hininga ngayon dahil nasa harap ko na si Khalil.

Kanina lang ay gusyong gusto ko siyang sulyapan pero ngayon ay hindi ko na magawa. Nag-aalburuto na ang puso ko na epekto niya.

"Tumigil na kayo, she's getting uncomfortable." si Zed na hindi magawang maalis sa akin ang tingin.

Kaso sa sinabi niya mas lalo lang naghiyawan iyong iba. Napailing si Coach habang ako ay pasulyap sulyap kay Khalil na walang emosyon ang mukha. He even ignored his team mates cheers. Nagtama ang mga mata namin at pakiramdam ko ay sumabog ang mga paru-paro sa tiyan ko.

When A Heroine Has Fallen (Zaldariaga Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon