Chapter 3

307 32 1
                                    

Cole's PoV

I was chilling at the living room when suddenly may nagdoorbell. Binuksan ko ang pinto ang just as I expected. Si Ate Abby.

"Pasok ka na Ate Abby." Aya ko at tumango siya saka pumasok.

Umupo siya sa sofa while ako ay kumuha ng wine at glasses.

"So bakit ka napapunta dito Ate? Ano ba yung pag-uusapan natin?" Tanong ko. Syempre may idea ako pero mas mabuting sigurado.

Huminga muna siya ng malalim saka nagsalita.

"Si Coleen bumalik na dito sa Pinas. For good."

"She's back for good?!" Gulat na tanong ko

"Yes. But there's a problem. Si Josh."

"What about him?"

"Engaged na pala sila ni Coleen. Kaya bumalik sila dito sa Pinas para magpakasal."

"WHAT?!" Hindi pa rin ako makapaniwala sa narinig ko.

"I know, it's hard to accept for me too. Especially knowing how much Gabb wants to believe na babalik si Coleen sakanya."

Oo, alam rin ni Ate Abby kung ano ang past ni Coleen at Gabb. I just sat there frozen for a while.

"It's been years Cole ever since naaksidente ang pinsan ko. I don't think na babalik pa memories niya."

"Paano si Gabb ate? Hanggang ngayon hinihintay niya si Coleen. Wala siyang balak na limutin siya."

"It's time for her to know the truth. Para hindi na siya umasa at masaktan pa."

"Ate ayokong gawin yun Gabb. Ako mismo ang witness kung paano na siyang muntikan mawala sa sarili niya mula nang umalis yang pinsan mo. What more kung malaman niya na yung hinihintay niya pala ay di na siya maalala at ikakasal sa iba?"

"Then would you rather let her live believing a promise na malabo nang matupad? Cole maawa ka diyan sa kaibigan mo."

Hindi ako makaimik. Tama si Ate Abby. Mas mahihirapan si Gabb pagpatuloy lang siya mag-aasa na babalik si "Coco" niya.

Pinag-iisipan ko ang sinabi ni Ate Abby when suddenly may nag pop-up na idea sa utak ko.

"Ate what if we let them meet? Maybe that will stimulate some memories na meron si Coleen."

"Cole, I don't know if that's--" Di ko na siya pinatuloy sa sasabihin niya.

"Ate please. This is my last resort. 14 days Ate and I promise if it doesn't work, I'll be the one to convince Gabb to stop."

She looked at me first then sighed.

"How? Paano natin sila ipapameet sa isa't isa?"

"The reunion. Isama mo siya sa pagdesign at pag-asikaso ng venue."

"Sasabihin mo ba kay Gabb tungkol sa nangyari kay Coleen?"

"I have to. Pero I'll just tell her that Coleen just lost her memories. Di ko muna isasama ang fiancee part." Sambit ko habang naglalagay ng wine sa wineglasses.

"It's your call." Inabot ko ang isang wineglass sakanya at tinanggap niya ito.

"Cheers."

"Cheers. I hope this works."

-----------------------------------------------------------
Short update lang hehe. Feel free to comment and suggest guys.

String Of FateWhere stories live. Discover now